AFE 50: One for All, All for One

27 1 0
                                    

Messenger
May 10, 2018
THU AT 8:00 PM

GROUP 1 - Rizal's Life, Works, & Writings

Elsie Ferrer:
Hay nakakapagod!

Joy Santos:
Nakauwi na ba ang lahat?

Elsie Ferrer:
Is that you, Mario Antonio?!

Joy Santos:
Inunahan ko na! Pagod, e. HAHAHAHA

Mario Antonio De Guia:
Tse!

Marjie Fernando:
Good job, guys!

Ang galing natin kanina!

Mario Antonio De Guia:
Oo, ang gagaling niyong ngumuya ng pagkain!

Mga bruha kayo! 🙄

Akala niyo naman kung picnic ang pinuntahan niyo!

Elsie Ferrer:
Salamat sa food, Annastassia.

Marjie Fernando:
Thank you, Annastassia. Bukas ulit! Joke! Hehehe

Joy Santos:
Jokes are half meant! Hahaha

Sana’y iparating mo rin ang  aming pasasalamat kay Mrs. Salcedo.

Maria Annastassia Salcedo:
You’re welcome, guys!

Ang sarap din ng mangga with alamang na dala ni @Jiro Perez. Thank you!

Mario Antonio De Guia:
Truelalu! Ang sherep!

Jiro Perez:
Mabuti naman at nagustuhan niyo.

Mario Antonio De Guia:
Pero mas masherep pa rin si Fafa Jiro!

Jenny Reyes:
Rated SPG!

Elsie Ferrer:
Patnubay at gabay ng magulang ay kailangan para sa mga miyembro ng grupo na ‘to!

Vanessa Aquino:
Bawal ‘yan dito!

Crisha Vidal:
Hahahaha

Mario Antonio De Guia:
Mga dirty-minded! 😒

Mas masherep pa ring maging ka-grupo si Fafa Jiro dahil nagdadala siya ng mangga with alamang!

Iyan ang ibig kong sabihin!

Hindi pa kasi tapos 'yong sentence nagre-react na kayo! Hmp!

Vanessa Aquino:
HAHAHAHA

Joy Santos:
HAHAHAHA

Mario Antonio De Guia:
Matulog na nga kayo!

Maaga ulit tayo bukas!

Alayca Dela Cruz:
Baka may ma-late na naman dyan!

Nadadamay ang buong grupo!

Mario Antonio De Guia:
Look who’s talking?

10 minutes late lang si Demi compared sa ‘yo na 15 minutes late!

Iniwan ka ba namin dati no’ng na-late ka?!

Hindi naman, ‘di ba?!

Nauna ka na lang sanang pumunta sa bahay nila Ross tutal alam mo naman kung nasaan!

Alayca Dela Cruz:
See? Kung kaibigan mo, okay lang na ma-late!
You’re being unfair!

Maria Annastassia Salcedo:
My goodness!

You should know how to listen! Demi has a valid
reason!

Kung pinakinggan mo lang sana kanina ang explanation niya, maiintindihan mo kung bakit siya na-late!

Jenny Reyes:
Alayca, tama na ‘yan!

Nagpaliwanag naman si Demi kanina kung bakit
siya na-late.

Alayca Dela Cruz:
Isa ka pa, Annastassia! Puro ka naman cellphone!

Porké anak ka ng Mayor at Presidente ka ng Drama Club sa school, akala mo kung sino kang magaling!

Maria Annastassia Salcedo:
If you have any problem with me, you can just tell me and we can talk about it!

If you're mad at me, sa akin ka lang magalit! Huwag mong idamay ang mga friends ko!

Jiro Perez:
Tama na. Huwag na kayong mag-away.

Elsie Ferrer:
Iisang grupo tayo rito! Walang iwanan!

One for All! All for One! ❤️

Seen by everyone
except Demi Dela Serna

Epistolary: A Fateful EncounterWhere stories live. Discover now