Chapter 1 - Home

21 7 0
                                    

“Umuwi kana dito, Hailey Brielle!”

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi ni mommy. Kasalanan ko rin naman kasi hindi ko inuna ang mga dapat unahin bago ako nag-bakasyon kaya ngayon, uuwi ako nang wala sa oras.

Today is the last day of enrollment sa school at nakalimutan kong magpa-enroll last month, kaya nga napatawag bigla si mommy dahil hindi ko sinabi sa kanya which is sinadya ko naman talaga. At kahit pa ayoko pang umuwi, I don't have a choice dahil hindi pwedeng maging late enrollee ako dahil mapupunta ako sa lower sections.

“Fine, I'm going home,” I answered kahit na gusto ko pa na manatili dito kina daddy.

Hiwalay na si mommy and daddy and every summer hits, kina daddy ako nagbabakasyon na nakasanayan ko nang gawin every year. May approval naman lagi ni mommy and gusto ko rin naman na dito mag-summer because I also have a life here, which is one heck of a different than my life in mom's.

Dad already has a new family which si Tita Alannah and Brailey, my half sister. Meanwhile my mom, only has me. I mean, mom tried to date boys of her age but they just don't fit on mom's standard, according to her.

When the call ended, napabuntong hininga nalang ako dahil alam kong kailangan ko na talagang umuwi dahil kung hindi, alam kong pupuntahan ako ni mommy dito at for sure, mag-aaway lang sila ni daddy.

“You okay there, Elle?” napalingon ako bigla nang dahil sa boses na iyon and I found Krystel, standing while holding a baseball bat, breathing heavily while bathing with sweats.

As an answer, I just answered her with a nod and a small smile. I think she noticed the difference in my smile earlier than the smile now, kaya binitawan niya ang kanyang hawak na baseball bat and started walking towards me.

We're here in a wide abandoned lot, playing baseball with our other friends. Krystel is one of the friends that I have ever since I started visiting dad here. And as we grew older, we became closer than expected especially when I spent my summer here.

“Pauuwiin ka na?” Krystel asked and by the look of it, I know she knows my answer already. And before I could even answer her with another nod, our other friends suddenly came running towards us, shouting like crazy idiots.

“Anong meron?” tanong sa amin ni Ford pero umiling lang kami ni Krystel bilang sagot dahil ayaw ko munang malaman nila na pauuwiin na ako, siguro mamaya na.

“Seryoso niyo ah,” sambit naman bigla ni Miller at sinubukan pa kaming akbayan ni Krystel pero sabay din kaming umiwas kaya sa huli, napasimangot nalang si Miller at si Ford ang inakbayan which is good dahil mabigat ang mga braso niya.

“Pauuwiin na siya ng mommy niya,” diretsong sambit ni Krystel na siyang ikinagulat ko dahil mamaya ko pa sana sasabihin.

Nilingon ko si Krystel pero nakatingin siya sa dalawa kaya lumingon din ako pero nakita ko agad ang lungkot sa mata ng dalawa kaya umiwas kaagad ako. Pero bumalik ang tingin ko sa dalawa nang nagtawanan sila bigla which is weird kasi malungkot sila kanina tapos ngayon naman, tumatawa. Mga ugok talaga.

“Okay lang yan, siguradong babalik din naman yan dito, next year,” tumatawang sambit ni Miller at ngumiti naman si Ford bilang pagsang-ayon but I can see through them, and they are fucking bad at pretending.

At dahil sinabi ni Krystel na pauuwiin na ako, nagyaya nang umuwi si Ford dahil ihahatid daw nila ako sa terminal mamaya and I'm glad because I have friends like them which I will treasure the most.

****

“Dad, uuwi ako kay mommy,” pasigaw kong bungad nang makapasok sa bahay ni daddy at nakita ko naman kaagad si Brailey sa sahig ng living room na nanood ng movie habang may popcorn pa sa hita niya pero nagulat kami nang biglang may narinig kaming kalabog kaya nagkatinginan kami ni Krystel dahil sa pagtataka, maging sina Ford at Miller ay nagtaka.

Read Me Beyond (Ongoing)Where stories live. Discover now