Chapter 40

4.1K 183 80
                                    

Thank you because you make it till the second part of this story. This is the last chapter for Get through the Night. The next update will be the wakas.

---

Chapter 40
"Daylight"

Do we really get stronger when we grow older?

That's what I believed.

But then, I realised I was stronger before-when I was young. Gaya ng sabi ni Mommy... I was able to dream. I was able to hope. I took a leap... despite the uncertainties. I was a little fearless back then. I can tell the world how much I like Hamlet Rurik Montalba.

When we have fears, does it mean we are no longer strong?

As we grow older, nadadagdagan ang mga takot natin. Fears that we did not think of when we were younger... That we only realized now.

Fear of the past. Fear of the present. And fear of the future... I think these are my biggest fears.

Natatakot akong maulit ang nakaraan. Natatakot akong masira ang kasalukuyan ko. At higit sa lahat, natatakot akong wala akong darating na kinabukasan para sa akin.

But then does it mean being strong is the absence of fear?

Nagising akong basa ang pisngi sa mainit na luha. At kahit gising na ay may dumadaloy pa ring luha sa akin. Pinasadahan ko ng palad ko ang pisngi, pinapalis ang luha roon habang kinakalma ang sarili.

Ngayon ko na lang ulit napanaginipan ang kagaya nito. It was not just some random dream. Nangyari ang lahat ng iyon. Pinagdaanan ko lahat iyon sa mga nakalipas na taon. The pain. The horror. The heartbreak.

My able eye adjusted to the light. I am still disoriented from suddenly waking up and from that dream. Bumaling ako sa aking tabi. Natigilan ako, napatitig ng mariin nang makitang nasa tabi ng kama si Ham, natutulog. Hindi komportable ang kanyang posisyon at pagkakaupo.

For a moment, I thought it was another episode of brain fog. Unti-unti namang nanumbalik sa akin ang mga nangyari kahapon.

Kinakalma pa man ang sarili mula sa matinding emosyon sa napanaginipan, nanginig ang labi ko habang pinagmamasdan si Ham. Halata sa kanya ang pagod.

I was overwhelmed and got so hysterical. Malaki ang ibinaba ng blood pressure ko kaya ako nahimatay, according to the doctor.

Hindi paman nagtatagal ay nagising na si Ham. "What happened?" Nag-aalala niyang tanong habang tinitingnan akong mabuti.

Mahina akong umiling at tinapos ang pagpapahid ng luha.

I still can't fully grasp the truth that the kidney I have now is Millard's. He risked his life to save mine. I live at the expense of others.

"Are you hurt?"

"I'm fine."

Nanatili ang tingin niya sa akin.

"Umuwi na tayo," anas ko. Kinagat ko ang labi at nagbaba ng tingin.

I need time. Alone. To think. Kaya nang makauwi sa mansyon ay tumuloy ako sa kuwarto. I locked the door. Nanghihina akong naupo.

Mas mabuti kayang hindi ko na lang nalaman ang totoo? Pero kapag ganoon, hindi ko lubusang mapapasalamatan si Millard sa ginawa niya. Pero ngayon na alam ko na, nasasaktan naman ako na ginawa niya iyon. Kung puwede ko lang sanang ibalik sa kanya...

Kinatok ako ni Tita Dennis kinagabihan. Her gentle eyes watch me. I try to compose myself. I didn't join them during dinner.

"I was worried. Nahimatay ka raw?" malumanay na sabi ni Tita.

Get Through the Night (ACATN Book 2)Where stories live. Discover now