CHAPTER ELEVEN

54 14 0
                                    

6 AM na ng umaga ng magising ako. Nagtatype ako sa laptop ko habang may kagat kagat na wheat bread. "Wala akong maisip..." buntong hininga kong bulong bago tumigil sa pagtatype.

Malapit na ang deadline ko pero wala parin akong kasulat sulat. " 'Morning!" Napalingon ako sa direksyon ni Klaus. Ang lawak ng ngiti niya habang pababa sa hagdan na nakatingin sakin. "Did you eat?" umiling ako. "Then I'll cook" Nagsabi ang hindi maalam. "Wag na may niluto ako" sabi ko habang nagpatuloy sa pagtatype.

Napataas ang tingin ko kay Klaus ng makita siyang pasinghot singhot sa hangin. "Anong problema?" tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang Napatingin sakin. Bago nagkibit balikat.

"I don't know. I smell something's burning" Nanlaki ang nga mata ko at agad na napatayo ng marealize na naiwan kong bukas yung stove! Agad akong pumunta ng kusina bago agad itong pinatay. Pasalamat na lang at gilid lang yung nasunog Hindi yung loob.

Nang maihiwalay ko ang kanin na pwede pang kainin muli akong nagpunta sa lamesa para ito ay ihain. "Kumain ka muna bago pumasok" ang aking payo sabay paglalagay ng plato sa mesa. "Sighting You From A Far?" Napatingin ako sa kanya habang siya ay abala sa pagmamanipula ng aking laptop.

"First book ko. Ginawa ko yan mga around fourteen? Or fifthteen years old." Kita ko siyang tumango habang nakayuko sa screen at ginagalaw ang mouse ng laptop. "That's impressive... Wow, 102M views?" Hindi ko namalayan ang sarili kong napangiti habang pinapanood siya.

Eto ang unang pagkakataon na may nakaappreciate ng pagsusulat ko. "Janzen Della Rosa?" Bigla akong napaupo nang banggitin niya ang pangalan ng lalaking karakter sa aking libro, Sighting You From A Far. Ito ang libro na nagpasikat sa akin bilang isang writer. Si Deveraux ang inspirasyon sa likod ng libro na iyon.

Lahat ng mga alaala namin, mula sa pagiging magkaibigan noong bata pa kami hanggang sa pagiging magkasintahan.... Bawat detalye ay masusi kong isinulat. Pero siya? Hindi niya alam, sapagkat wala siyang interes sa pagbabasa. Kahit anong pilit ko o kahit ibigay ko pa ang lahat ng volume ng aking mga libro, alam kong hindi niya iyon binabasa.

"B-Bakit? Ang ganda ng name ni Deveraux eh. Pang main character kaya name niya ginamit ko nun." agad akong napalunok at naglayo ng tingin ng parang mali ang nasabi ko. Sumama kasi ang timpla ng kaniyang mukha. Napasinghap ako ng hilahin niya ako at inilock sa mesa. Dahan dahan niyang ibinaba ang tingin sakin. "Use my name too."

"A-Ano--"

"Use my name too. My name is much better than your ex." SERYOSO NIYANG SABI!

"Hindi ko ex si Dev--!" Napatigil ako sa pagsasalita ng biglaan siyang lumapit at astang hahalikan ako. Agad naman akong lumayo at umiwas.

"Not your ex? Then kayo pa?" Seryoso niyang bulong sa tainga ko! "......." Aaminin ko, hindi ako nakaimik. Hindi ko alam kung ako lang pero parang may bahid na nasaktan siya sa naging reaaksyon ko. Malalim siyang nagbuntong hininga. Napataas ang tingin ko sa kaniya ng hawakan niya ng marahan ang baba ko. "Break with him."

Mahina ang kaniyang pagkakasabi. Hindi ko alam kung ako lang ko parang may halong itong lambing at pangaakit. "... and play with me." Nilabanan ko ang kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit pero parang may emosyon na itinatago ang kaniyang mga mata.

"Wala akong time makipaglaro sayo, Klaus. Nung una palang nilinaw ko na." Madiin kong sabi. Nawala ang mapaglarong ngiti na nakapaskil sa kaniyang labi. Nagsabulong ang kaniyang kilay. Unti unti siyang nagseryoso. Nag-igting rin ang kaniyang mga panga.

"You will marry me. And you will have no choice but to marry me"

Iniwan niya akong tulala. Pinanood ko siyang magsuot ang white coat hanggang makalabas ng bahay. Nanghihina akong napaupo sa upuan, ano bang problema ng lalaking yon?!

***

"Sis, I'll be back later ha" Eleonor. Nagpatuloy ako sa pagbabalat ng orange. "I'll miss you, love." Ngiting sabi ni Deveraux sa kaniya.

Saglit akong napatigil. Malalim akong nagbuntong hininga bago hindi pinahalatang nasaktan. May shooting si Eleonor. Ako ang inusap niyang bantayan si Deveraux. Wala din si Tita Hansel, may inaasikaso abroad. Gusto ko man tumanggi sa pagbabantay kay Deveraux wala na din akong choice.

"Is it sweet?" Tumingin ako kay Deveraux. Nakatingin siya sa hawak kong prutas. Medyo nanibago ako dun kasi bigla niya akong kinausap. Pero noong narito si Eleanor, ang atensyon niya ay nakatuon lamang sa kapatid ko. Binigyan ko siya ng kalahating piraso ng orange fruit.

"Kamusta ang ulo mo?" Tanong ko ngunit alam kong hindi lamang iyon ang totoong ibig kong itanong. Marahang sumagot siya,

"It still hurts sometimes," sabay ng pagkagat sa piraso ng prutas. Nakahalf-seat siya sa kama ng ospital habang ako ay nakaupo sa tabi niya. "Wala ka talagang naalala? Ni isa?" Tanong ko, pilit na itinatago ang sakit sa aking puso. Iniling niya ang ulo niya.

"Anong nagustuhan mo kay Eleanor?" paulit-ulit kong sinabi sa sarili kong pagsisisihan kong itinanong ko pa yun pero hindi ko talaga mapigilan. Kita ko siyang napatingin sakin pero hindi ko kayang tignan siya sa mata.

"She's the first person I saw when I opened my eyes. She takes care of me. She's kind, bubbly, and sweet. I'm most comfortable when she's around," nakangiting sagot niya. Parang gustong sumabog ang puso ko.

Ang sakit.... ang sakit-sakit talaga. Wasak na wasak. Yung mga sinabi niya, parang isinaksak sakin ng ilang beses. Paulit ulit.

"You're saying you're not comfortable with other people?" muli kong tanong. This time, nilingon ko na siya. Nag-iwas siya ng tingin ng tinitigan ko siya.

"Yeah.." kaniyang sagot habang humihiga. So, Kasama pala ako sa mga uncomfortable na tinutukoy niya. Tsk.

"It's not that I don't want to be with those people... Sumasakit lang talaga ang ulo ko tuwing tinititigan ko sila" Si Deveraux. Tumango na lang ako. "By the way, I heard from Eleonor that we have a histor--" Napatigil siya sa pagsasalita ng bumukas ang pinto ng kwarto. Dalawang nurse at dalawang doctor. Ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita si Klaus yung isa.

Nakasuot siya ng puting coat na sumasabay sa kanyang itim na pantalon. Ang kanyang black polo sleeve sa itaas ay nagdala ng pansin sa kanyang kulay perlas na balat. Agad akong napatayo ng makita ang matalim niyang tingin sakin! Kahit wala naman akong ginawa! Nanatili akong nakatingin sa kaniya hanggang sila ay makalapit.

"Hi Deveraux!" Masiglang bati ng isang doctor sa kaniyang tabi. Ngumiti lang si Deveraux. "Eto si Dr. Lorenzo, neurosurgeon. Siya ang magsasagawa ng mga susunod mong operasyon mula ngayon." Napatigil ako sa pagkagat ng orange at itinaas ang tingin kay Klaus. Wala na ang tingin niya sakin.

"Is it possible to regain my memories? Again?" Tanong ni Deveraux sa kanila. Tinalasan ko ang aking pandinig sa susunod nilang sasabihin. "Dr. Lewis said you still have headaches?" Seryosong sabi ni Klaus habang parang may tinitingnan na report sa hawak niyang folder.

Nag-iwas ako ng tingin ng mapatingin si Klaus sa direksyon ko. Ibinigay ko ulit kay Deveraux ang binalatan kong orange fruit. Agad niya naman itong kinain. Peto nanlaki naman ang mga mata ko dahil kinain niya ito mula sa kamay ko! Mukhang siya pati ay nagulat sa kaniyang ginawa.

Tinitigan ko si Deveraux. Ramdam ko ang kanyang pagka-ilang sa aking presensiya. Totoo nga ang sabi sabi. Mind has forgotten, but body still remembers. Madalas kaming ganito dati. Tuwing may date kami or picnics. Madalas ko siyang subuan ng mga pagkain. Napatingin ako sa unahan ng muling nagsalita si Klaus.

"We will see the result after the operation." Tingin niya samin. Akala ko aalis na sila pero---"Wife" Parang nanayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Dahan dahan kong tiningnan si Klaus.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving You Through ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon