Chapter 3

5 1 0
                                    

Cassie's Pov

Papunta ako ngayon ng Dean's office para sana kumuha ng papeles na pinapakuha ng Professor ko.

Isa nga pala akong 4th Year student dito Harlington University, ewan ko lang kung san nakuha ng founder nitong school 'yong pangalan nito.

Iling-iling akong naglalakad dito sa corridor ng may mahagip akong lalaking naglalakad palayo sa direkyson ko.

Pamilyar ang tindig niya pero binalewala ko na iyon, ngunit sa kamalas-malasang pagkakataon...lumingon siya sakin.

Hala ang gwapo...Sabi ko sa sarili ko, mukha siyang pamilyar pero hindi naan pala, magkahawig lang siguro sila ng mukha.

Ngumiti siya sakin at naglakad na ulit, ako naman ay naiwang nakanganga dahil dun.

"Bakit naman ngumiti 'yon?" Iling-iling na naman akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa umabaot na ako sa office ng dean.

"Good afternoon, Sir." Bati ko sa mukhang mid-twenties na lalaking dean.

Bakit naman ang gwapo nito? At saka ang bata ng mukha.

Ngumiti naman siya sa'kin at minuwestra ang kamay para paupuin ako sa silya.

"Good afternoon Ms. Enriquez."

Tumayo si Dean at pumunta sa may shelves niya at may kinuhang folder, ewan ko lang kung ano yun.

Baka yun na yung pinunta ko dito.

"These are the files that your professor asked you to get," sabi niya at binigay ang patong-patong na folder sakin.

Grabe naman si prof, ang dami-daming lalaking pwedeng magbuhat nito bakit ako pa?

-Flashback-

Pagdting ko sa classroom namin ay lumapit agad ako sa prof ko. "Good afternoon, Sir."

"Oh bakit, Ms. Enriquez?"

"Gusto ko po sanang magpa-alam mamaya pagkatapos po ng lecture niyo."

Tumaas naman kilay niya kaya, "Bakit saan ka pupunta?"

Grabe ang tsismosa naman nito.

"Sa dean's office po sana, may kukunin lang."

Tumango naman siya kala-unan, "Sige."

Napangiti naman ako, "Thank you Prof--"

Natigil ako sa pagpapasalamat ng may sinabi pa siya.

"Tamang-tama paki daanan nalang din yung files ko doon Ms. Enriquez."

Sapilitan naman akong tumango, "S-sige po."

Lalakad na sana ako papunta sa upuan ko ngunit sinabi ni prof na ngayon nalang daw ako umalis kaya Ayun.

-End of Flashback-

Ibang klase din 'tong matandang 'to. Tsk

"I heard that you want to have a gate pass so you can leave this premises?" Malumanay niyang tanong at naupo ulit sa swivel chair niya.

"Kung papalarin po."

Natawa naman siya, "Of course, you can. However, I cannot guarantee that you will receive another gate pass once the distribution starts for all the students since you'd like to use your first gate pass this school year."

Kamot batok naman akong napayuko at nag isip-isip kung tama ba ang desisyon ko.

*Tango-tango*

My Consigliere Is My Husband Where stories live. Discover now