Kale's point of view"Kamusta ka naman? at ano ang feeling ng mapalayo sa hometown mo?" tanong ni Denden.
Gumagawa kami ng halo-halo at perfect na perfect this summer, ang sabi ko ay ako na ang gagawa after kong makapag-ayos sa bahay ni tita-mommy, and naisipan ko rin gawing small business ang pag gawa ng halo-halo.
"Hmm...okay naman, masaya" pilit kong nginitian iyon, bakit nalang ba bawat minuto naiisip ko siya.
Ugh, i hate this.
Nag ring ang phone ko at agad ko naman itong kinuha sa bulsa ko.
Sinenyasan ko naman si Denden na sasagotin ko muna iyun.
"Ahvi?" tawag ko sa pangalan niya at agad na nilayo ng konti ang phone ko dahil alam kong sesermonan niya ako.
[Kale! na saan ka naba? two days na oh, bakit hindi ka parin pumapasok sa work eh wala ka namang sakit diba?] sigaw nito sa kabilang linya.
Hay, makapag sabi niyan parang boss ko siya! oo nga pala hindi ko na banggit sakaniya na umalis ako at bumalik dito, ayukong ipag-alam dahil baka sundan ako at ayuko naman non baka pati siya ay hindi na rin makapag fucos sa trabaho kakaintindi saakin.
"Gusto kong magpahinga, kahit saglit lang...huwag mo na ako intindihin at kung ano man ang ginagawa mo mag fucos ka diyan!" tugon ko.
[Baka kung anong pahinga yan] saad nito.
"Gaga hindi, kung ano ano nanaman iniisip mo! may gagawin pa ako, tawag ka nalang ulit" napairap ako.
[Ohh sige ingat ka man kung nasaan ka! tandaan mong mahal na mahal ka namin ni Venice!] bago pa mamatay ang tawag ay narinig ko pa ang tunog ng kiss.
Ang sweet naman nito anong nakain?
Natapos kaming magbenta ng mag gagabi na.Marami kaming naibenta at ubos na ubos ang lalagyan.
Binilang ko ang pera galing sa ibinenta namin at hinati yun.
Iaabot ko sana kay Denden ng umiling ito.
"Sayo yan, huwag mo na akong isipin at gusto lang kitang tulongan" sabi nito at napangiti pa saakin ng sumimangot ako.
"Sige na kunin mo na, ito na nga lang yung way ng pasasalamat ko dahil tinulongan mo akong mag kudkod ng yelo" napatigil ito ng harapin ako at naging seryoso akala ko ay kukunin niya sa palad ko ng bigla nitong pisilin ang magkabilang pisngi ko.
"Huwag na" tugon nito at pinangigilan pa!
Hinampas ko ang kamay nito para matanggal dahil hindi naman ganon kasakit pero ayuko lang talagang pinipisil ang pisngi ko.
Lumakad ito papalayo saakin, akala niya yun na yon! sige kung ayaw mong i-take edi huwag!pero ito ang tandaan mo baka nakakalimutan mong gumaganti rin ako?!
Agad akong tumakbo papalapit sakaniya ng hindi ko namalayan ay humarap ito sa direksyon ko at nawalan ako ng preno kaya naitulak ko siya at sa huli ay nasa sahig na kami.
Ilang segundo ko siyang tinitigan na halos konting galaw na lang ay madidikit na ang dalawang labi namin. Hindi ako makagalaw at gusto nalang magpakain sa lupa at bakit ko pa kasi ginawa iyon.
Ng marealize ko na mas lalong naglalapit ang labi namin ay agad akong umatras at agad naman akong iniwas nito at tinulak sa kabilang direksyon ng makitang may malalaglag ng karton saaming dalawa.
At sa sahig uli kami ngunit ako naman na ang nakahiga at siya ang nasa harapan ko.
Bakit ba ganito ang tadhana! jusko gusto ata kami paghalikin eh!
Tinulak ko siya ng dahan-dahan para makahinga na ako ng maayos.
Inalalayan niya akong makatayo at ayan tuloy nahihiya na akong tignan siya.
"Den sorry may masakit ba sayo?" concerned kong tanong.
"Okay lang ako, ikaw ba?" tanong nito pabalik.
"Okay lang din"
Tumahimik ang paligid at napansin na tinititigan lang ako ni Den at umiiwas naman ako ng tingin sa sobrang hiya.
"Hindi kana nag bago" biglang sira nito sa katahimikan.
"Ha?" maikling salitang lumabas sa bibig ko dahil ang awkward na talaga.
"Ang kulit mo parin" akmang pipisilin niya ang pisngi ko ng agad kong hinampas ng mahina, he giggles so...softly tapos lumalabas pa yung dimple na bumabagay sa ngiti niya.
Hay, fucos na nga, ano bang nangyayari.
Naramdaman ko ng umiinit ang pisngi ko kaya agad kong tinalikuran si Denden at inayos ang sarili ko.
"Hoy, namumutla ka no" pang-aasar nito at lumalakad papuntang harapan ko pero iniiwasan ko ito at tinatalikuran siya.
Hay, hay ang bohai.
"Den, tumigil ka nga eh ikaw ata tong makulit saatin eh! dugyotin pa" pagtitigil ko sakaniya at pang-aasar ko pabalik.
"Hindi na kaya" nag pout pa ito.
Hindi ko maiwasan na hindi siya titigan, he's so precious and cutie na parang nakawala sa bulsa ko.
Why this man is so cute than me!?
Well...
Napabugtong hininga ako ng isipin na dapat pala ako ang nag p-peace of mind dito at walang hinaharot na iba.
Bakit kasi bigla ka nalang uli binalik ni Lord?
"Nako, Den! tigilan mo ako sa kakaganyan mo, bulok nayan sa henerasyon ko" inirapan ko ito para makaiwas ako sakaniya.
"Eh ito" turo niya sa dimple at nag pa cute na gusto kong magaalita ng "iw" "yuck" pero wag na! bakit pa? kung totoo naman na cute talaga siya >0<
"Tumigil ka na nga!" umaasta akong masungit at ayaw ipakita ang ganong side niya but deep inside of me gustong-gusto ko dahil ngayon ko nalamang siya nakita, at baka sa susunod ay hindi na uli kami magtatagpo, dadaan pa ang maraming taon.
Patuloy siyang nangaasar at nadala ito sa pagtatawanan naming dalawa.
"Den, ang cringe promise! sa totoo lang—" saad ko.
"Sa totoo lang...na miss ko uli ang mga matatamis mong ngiti at tawa, na miss kita ng sobra...sobra sobra pa sa akala mo binibining Kaleanna Cielo Morelli"
Napatigil ako.
Sa totoo lang din, ako din naman.
"Na miss rin kita ng sobra ginoong Jayden Lim"
BINABASA MO ANG
The day we once were(Completed)
RomanceA woman who loves to dream a beautiful life and peace, She is Kaleanna Cielo Morelli who always wanted to dream but always facing a nightmare. Date Started: 03/21/24 Date Complete: 06/25/24