Kabanata 47: Ang Kapatid
“Ilang taon na siya?”
Binalingan ni Karel ang batang kandong niya. “He's three.”
Napaiwas ako ng tingin. Siya na ba ‘yung pinagbubuntis niya noon?
“Manong, sa tabi lang ho,” sabi ko sa tricycle driver.
Bumaba ako agad pagkaabot ng bayad. Binalingan ko ang mag-ina na napapasulyap sa bahay na nasa tapat namin.
“Sumunod kayo.”
Tahimik lang si Karel. Para siyang maamong aso ngayon. Ibang-iba sa Karel na nakilala ko noon.
Pagbukas ko ng gate namin ay nabungaran ko ang anak ko sa pintuan na parang may hinihintay.
“Mama!”
Gumuhit agad ang ngiti sa labi ko. Tumakbo siya papunta sa akin. Lumabas naman si Xiander Glenn pero natigilan siya nang nakita ang kasama ko. Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon niya nang nakita ang bata. Mas lalo akong nasaktan. Mas naramdaman ko ang galit.
Hindi kaya… kaya niya ako sinamahan para takbuhan ang responsibilidad niya kay Karel? Ang saya.
“Hey, are you okay? How's the interview?” salubong sa akin ni Xiander nang nasa pinto na ako.
Gustong gusto ko siyang saktan pero hindi ko magawa dahil nasa harap namin si Cian. Kinubli ko ang bigat ng dibdib. Nakikita ko lang ang mukha niya, naaalala ko kung pa'no ako dinugo noon dahil sa babae niya. Gusto ko siyang pagmumurahin. Nasasaktan lang ako lalo sa pagpipigil ko kaya nilampasan ko lang siya.
“Xiander…”
“Karel, pumasok kayo. Siya na ba si…”
“Oo, Xiander…” narinig ko ang pagkabasag ng boses ni Karel.
“I'm sorry…”
Dahil sa sinabi niyang iyon, lalo akong nasaktan. Dahil alam ko, sinasabi niya lang ‘yon kapag may nagawa siya na ikinasakit ng iba. He's sorry because he ran away from his responsibility to his son with Karel.
“Mommy, sino po ‘yong bisita natin? Kaibigan niyo po?”
Sasagutin ko na si Cian nang natigilan sa pagsulpot ng isang batang lalaki.
“Hi! Wow! It's your birthday?” mangha itong nakatingin sa mga palamuti.
“Uhm….yes.”
“Kabi-birthday ko lang din last week!”
Mukhang nagkasundo agad ang dalawa dahil nagpatuloy na sila sa paglalaro ng mga lobo. Nasalubong ko ang tingin ni Xiander nang nilingon ko sila. Habang si Karel ay tahimik na umiiyak sa harap niya.
“Cian, magpapalit lang si Mama, ah,” paalam ko sa anak.
“Okay, Mama!”
Gusto ko sanang magtagal sa banyo pero hindi p'wede. Kailangan kong gawing masaya ang birthday ng anak ko, kahit ang bigat-bigat ng dibdib ko.
How could they? Matapos nila akong gano'nin? Ano? Harap-harapan na naman nila akong gagaguhin?
“Juana? Your friends are here.”
Pinahid ko ang luha at tinuyo ko ang mukha ko. Huminga muna ako nang malalim bago binuksan ang pinto. Bumungad si Xiander. Hindi ko siya matingnan.
YOU ARE READING
My Dangerous Gentleman (Secret Marriage Series #3)
RomanceSecret Marriage #3: complete Sohailah.