Chapter 7

18 1 0
                                    

Who's that?

"Eunice! Wait lang!" Sigaw ni Jude ang nagpatigil sa akin sa akma ko nang pagpasok sa loob ng nasunog na bahay.

"Jude? Bakit ka nandito?!" Mahinang sigaw ko.

Nagmamadali siyang bumaba sa kaniyang bike at tumakbo palapit sa akin. Tinanggihan ko kanina ang pag-alok niya sa paghatid sa akin, dahil ayokong malaman niya kung saan ako pupunta. Hindi alam ni Jude ang tinitirhan ko, matagal niya na akong kinukulit na ihatid pero palagi ko lang siyang tinatakasan. Pero hindi ko alam kung paano niya ako nasundan ngayon dito sa Palmera.

"Sabi ko na nga ba at meron kang tinatago, mabuti na lang sinundan kita! Anong ginagawa mo, Eunice?! Bakit ka papasok sa nasunog na bahay?! Nag-iisip ka ba?!"

Hinila niya ako paalis doon malapit sa pintuan na akmang bubuksan ko na kanina, nagbaba lang ako ng tingin sa kaniyang mga sapatos na ngayon ay puro uling na. Ano kaya ang sasabihin ng magulang ni Jude 'pag nakita nila ang sapatos niya? Pagagalitan ba siya? Bubugbugin din ba siya?

"Hindi ka dapat nagpunta rito, Jude!" Mahinang sabi ko.

"No, Guinivere! Ikaw ang dapat hindi nagpunta rito! Delikado itong kakasunog na bahay! Binalita pa kagabi at pinaghahanap kung sino ang nagsunog dito, paano kapag ikaw napagbintangan?" Aniya sa galit na tono.

Tumingala ako sa mukha ni Jude, mas matangkad din siya sa akin pero kung ikukumpara kay Reyster ay mas matangkad si Reyster. Ang mga mata ni Jude ay malikot na tumitig sa akin, hinahanap ang nakakubli kong emosyon. Pero maya-maya ay lumamya iyon at napalitan ng pag-alala.

"Gwen, I'm worried about you. You didn't talk an hour, lutang ka sa klase kanina na usually hindi mo ginagawa kahit anong problema pa ang meron sa pamilya mo. I told you, pwede mo ilapit sa akin at kahit ano pa 'yan, dadamayan kita." Ang boses niya ay gumagaralgal, papaiyak na hindi ko maintindihan.

He talked like an adult, he cared for me, he would be there if I wanted, just like Reyster did. But what if iwanan niya rin ako?

Ang dami kong gustong sabihin kay Jude, pero hindi ko kayang ilabas. Ibubuka pa lang ng bibig ko ang mga dapat kong sabihin, naluluha na ako. Hindi na ako nagsalita, pero tumingin ako sa bahay na haliging semento na lang ang natira. Natupok lahat ng gamit at kisame, mabuti na lang hindi nadamay ang mga kabilang bahay kung 'di magbabayad pa kami.

Dito ako lumaki, dito may ala-ala ang tatay ko at si Erise. Kaya kahit diablo ang bahay na ito para sa akin, inaamin kong sobrang sakit pa rin.

"Bahay niyo 'toh?" Siguro ngayon ay nag-sink in na sa utak ni Jude, kung bakit ako nandito sa tapat ng bahay. Hinila niya akong muli, saka niyakap ng mahigpit. Ramdam ko ang mabilis niyang tibok na puso, at ang paghaplos niya sa likuran ko. Dinadamayan niya ako, na hindi ko inaasahan na magiging kumportable ako.

Hindi ako nagsalita, umiyak lang ako nang umiyak sa dibdiban ni Jude. Wala naman siyang sinabi, hinahaplos niya lang ang likuran ko. Pagkatapos inakay niya ako sa gilid para maupo, akbay niya pa rin ako sa balikat at marahang binubulungan na "magiging okay din ang lahat."

"I'm sorry, nabasa ko ang jersey mo," paghingi ko ng paumanhin. Nakita ko kasi ang sando niya na basa ng luha ko.

"It's okay, Guinevere. Saan ka na nakatira ngayon? May iba ka pa bang pamilya?" Sunod-sunod niyang tanong.

Suminghot muna ako ng sipon, bago sinagot ang tanong niya.

"May tinitirhan na ako ngayon," maikli lang ang sagot ko dahil wala pa akong tiwala para sabihin sa kaniya ang lahat. Simula nang trinaydor ako ng matalik na kaibigan, nahihirapan na ulit akong magtiwala sa iba. Sobrang sakit at nahirapan akong ibangon ang sarili ko noon, kung hindi lang sa turing ni Reyster, hindi na sana ako muling makakabangon pa.

Speaking of him, tumingin ako sa bahay nila sa kabila. Hindi naman inabot ang kanilang bahay, pero ang court nila ay nadamay. Malawak ang lupain ng bahay nila Reyster pero ang mismong bahay ay two stories type lang, samantalang sa amin ay kalahati lang nang sa kanila. Bakod lang ang pagitan ng court, kaya nasunog ang parte ng basketball board.

"Diyan ba nakatira 'yong Reyster?" Natigilan ako sa pagiisip, nang magtanong si Jude.

Tumingin ako sa kaniya, nakatingala rin pala siya sa kabilang bahay. Naalala ko, nakuwento ko na rin pala sa kaniya si Reyster, noong tanong siya nang tanong kung sino 'yong lalaking sumusundo sa akin sa kanto ng palmera.

"Oo, diyan nakatira ang bestfriend ko," sagot ko kay Jude.

Natagpuan kong kinukwento ko na kay Jude ang buong istorya namin ni Reyster, nakikinig naman siya all the time. Ganoon lang ang nangyari sa amin, sa loob ng halos isang oras. Habang tinitingala ang bahay namin na sunog.

Natigil lang kami ni Jude magkuwentuhan nang may tumawag sa palayaw ko na iisa lang ang tumatawag.

"Gwen."

Mabilis akong tumayo at hinarap ang lalaki na matagal ko nang inaasam na makita ulit, nakatingin lang ako sa kaniya at hindi pumipikit dahil baka mawala siya bigla.

"Reyster!" Masayang tawag ko. Pero hindi siya agad lumingon, na kay Jude ang kaniyang buong atensyon. Napansin kong umiigting ang panga niya, bahagya akong kinabahan sa kaniya dahil kakaiba ang tingin na tinatapon niya kay Jude.

Lumapit ako sa kaniya, hindi ko alam kung bakit nandito siya at kung sino ang kasama niya na bumalik dito sa Nueva Ecija. Ang mahalaga ay nandito siya, mapapanatag ako.

"Reyster," tawag ko ulit, pero sa mahinang boses.

Doon lang siya nagbaba ng tingin sa akin, ngumiti siya pero hindi abot sa mata. Gumanti ako ng ngiti, ngiting masaya dahil nandito na siya, hindi na ulit ako mag-isa.

"Guinivere," bati niya sa akin at hinaplos ang buhok ko.

Akmang magtatanong ako kay Reyster kung sino ang kasama niya, nang tumikhim si Jude sa likuran namin. Lumingon ako sa kaniya, nakita ko naman na sumulyap din sa kaniya si Reyster.

"Aalis na ako, Eunice. Mag-iingat ka!" Paalam ni Jude sa akin at walang lingon na sumakay ng kaniyang bike saka umalis.

Nagkaroon ng kaunting awkward moments sa amin ni Reyster, pero saglit lang dahil bumalik ang sigla sa kaniya nang tanungin ko siya.

"Sino kasama mo na pumunta rito?" Tanong ko.

"Iku-kuwento ko sayo mamaya, kain muna tayo kanila mang isaw!" Pag-aya niya.

Inakbayan niya ako at nagpatangay naman ako. Nakangiti akong tumingala kay Reyster na ngayon ay may kakaibang kislap sa mata, pero nawala ang ngiti ko nang may masulyapan ako sa loob ng bahay.

Mapapatigil pa nga sana ako sa paglalakad, pero malakas ang hatak ng akbay ni Reyster kaya hindi ako makahinto.

Muli kong sinulyapan ang bulto na nakita ko kanina, nandoon pa rin iyon at ang mas nakakatakot ay ramdam kong nakatitig ito sa akin.

Small Update! Pero umabot ng 7 days sa pagtapos ng isang chapter.
Hope you understand po! Malapit na tayo sa exciting part. hehe.

CONGRATULATIONS!
#HORI7ON!

KPOP ACT OF THE YEAR!!!! 2024

05-26-2024

Solemn in your arms (REYSTER YTON)Where stories live. Discover now