THIRD PERSON POV
"YOU CRAZY.PSYCHO.BITCH! AHHHHHH!!!"
Pagwawala ng binata, ngunit napagod na lamang ito sa pagpupumiglas at nanlambot. Napabuntong hininga naman ang dalaga at tamad na pinagmasdan ang binata.
"Nakarating na ba sayo ang balita tungkol sa kaibigan mong si Jong Dae?" Walang ganang tanong ng dalaga.
Napanganga naman si Otis ng marealize kung ano ang gustong ipahiwatig ng dalaga sa kanya.
"The fuck? Y-You are the executioner?" Hindi makapaniwalang tanong ng binata.
The girl slowly nodded her head. "Tama ka at wala akong ititira sa inyong lima."
Dahan-dahan naman itong naglakad patungo sa pwesto ng binata at kinuha ang panyo nito sa bulsa niya. Nataranta naman ang binata sa ginawa ng dalaga.
"A-Anong g-gagawin m-mo?!" natatakot na turan nito.
"Sampu." Maiksing sambit ng dalaga.
Nagtaka naman ang binata sa sinabi ng dalaga. "Sampung beses mong sinaksak ang ina ko sa katawan nito."
"Sampung beses din kitang patatamaan nito." dagdag niya pa.
Nanginig na lang ang buong katawan ng lalaki ng maglabas ng isang handgun na may silencer ang dalaga at itinutok ito sa sintido ng dalaga habag nakatitig sa mata ng binata.
"SHIT!! SHIT!! SHIT!"
"DON'T! PLEASE!!"
Halos maihi na sa takot ang binata ng makita ang baril na parang laruan lang kung hawakan ito ng dalaga.
"Please! Pakawalan mo na ako! Hindi mo ba alam na uncle ko ang emperor ng bansang tinatapakan mo ngayon?!"
"Wala akong pakialam, kahit anak ka pa ni satanas."
Marahas na binusalan ng dalaga ang binata gamit ang panyo nito. Halos masuka-suka ang lalaki sa ginawa ng dalaga. Nang makontento ito, dahan-dahan itong umatras at pinagmasdan ang binata. Mas lalo namang natakot ito ng ikasa na ng dalaga ang baril at itinutok ito sa katawan ng lalaki.
"Isa ka pa ding mamamatay tao sa paningin ko."
Sa isang iglap tatlong magkakasunod na tama agad ang tumama sa katawan ng binata. Tag-isa sa magkabilang hita nito at isa sa kanang balikat. Walang humpay sa pag-sigaw ang binata sa sobrang sakit na nararamdaman nito. Hindi pa doon natapos ang lahat ng patamaan nito ang kaliwang balikat ng binata. Sunod sa magkabilang braso at dalawa ulit sa hita nito. Tanging palahaw lang ng binata ang maririnig sa mga oras na ito at dahil may busal ang bibig nito, hindi makasigaw ng maayos ang binata. Natapos lang ang dalaga ng barilin ulit nito ng dalawang beses ang binata sa hita nito. Sinadya ng dalaga na hindi patamaan ang vital parts ng binata dahil wala pa itong balak na tapusin ang buhay nito.
Nang manghina ang binata, wala na itong lakas para sumigaw, para na itong lantang gulay na nakatali sa likod ng lumang truck. Kung hindi lamang nakatali ito ng maigi ay marahil kanina pa ito nabuwal sa kinatatayuan nito.
"Kulang pa ang sakit na 'yan sa binigay mong sakit sa ina ko."
Lumapit ang dalaga at kinalagan ang binata sa pagkakatali nito sa likod ng truck. Kusa na lang bumagsak ang katawan nito sa sementong daan, habang naliligo sa sarili nitong dugo. Nang matanggal ng dalaga ang tali sa katawan ng binata, itinali niya ang lubid sa dalawang paa nito. Nang matapos siya sa pagtatali, sinulyapan nitong muli ang binata na naghihingalo na ngayon. Pumulot ang dalaga ng isang matulis na bubog at minarkahan ng number two ang braso nito.
"Subukan mong humingi ng tawad sa mga magulang ko, baka sakaling mapatawad pa kita."
Huling sabi ng dalaga bago pinaandar ang makina ng sasakyan. May kinulikot lang ito saglit sa loob at lumabas din agad. Pinanood ng babae kung paano umandar ng mag-isa ang truck habang kaladkad nito ang binata.
"T-Tulong... T-Tulungan niyo ko - "
Hindi na natapos ng binata ang sasabihin nito ng kusa na lang humarurot ang truck pabagsak sa ilalim ng dagat tangay-tangay ang katawan ni Otis. Muling sinulyapan ng dalaga ang pinagbagsakan ng binata bago itapon ang baril sa dagat. Naglakad na ito pabalik sa pinaradahan ng sasakyan nila at sumakay sa loob para paandarin ito. Hindi alam ng dalawa niyang kaibigan na umalis itong mag-isa habang natutulog ang mga kaibigan nito. Ayaw niyang masaksihan nito ang pagpapahirap na ginawa niya ngayon sa lalaki. Matapos kasi nilang makauwi sa inuupahan nitong bahay, nag-intay lamang ito na makatulog ang dalawa bago siya pumuslit palabas ng bahay.
May nakahanda ng plano si Esmeralda para kay Otis, kaya naging mabilis na lang para sa kanya ang lahat. Dumiretso ito sa bahay ni Otis na nagkataon namang mag-isa lang ito sa bahay niya dahil inutusan nito ang lahat ng tauhan niya na hanapin ang dalawang magnanakaw ng pera niya. Sa sobrang galit ni Otis, hindi na nito napansin na wala itong kasama sa bahay niya, kahit pa ang personal driver nito. Pero kahit nagawa na nito ang plano kay Otis, kulang pa din ito para kay Esmeralda. Hindi sapat ang dugong nakita niya kay Otis para pakalmahin ang demonyong ginising ng mga hangal na mga lalaki.
Nang makauwi ito sa bahay nila, dumiretso ito sa banyo para maligo at magtanggal ng bakas mula kanina. Inilagay na din nito ang mga damit na labahan sa washing machine para matanggal ang black powder na dumikit sa damit nito galing sa putok ng baril niya kanina. Nang matapos itong maligo at magpatuyo ng buhok, bumalik na ito sa kwarto nila ni Dolores at nahiga sa pwesto nito. Mabuti na lang at napagod ang mga ito kanina, kaya ang himbing ng tulog nila ngayon. Nang makahiga ito, doon lamang bumalik ang lahat ng pangyayari kanina. Tatlo na lang ang nasa listahan niya, matatapos din ang lahat ng ito.
BINABASA MO ANG
Secret Of Esmeralda (Secret #2)
ActionHighest Rankings: #1 Blood #2 thewattys #2 Hottie #4 killings #8 action-thriller #10 guns Warning: Mature Content (R-18) Read at your own risk. Esmeralda Bekham lives a normal life like everyone else. She has a complete and loving family that she a...