Kabanata 1

108 3 0
                                    

Deserve

"Vince!" Tinakbo ko ang pagitan namin ni Vince kahit on-going pa ang rally. Wala akong pakialam kung hindi pa pumipito ang referee. Kailangan ko siyang daluhan.

"Ano'ng nangyari, pre?" tanong ko sa nakalupasay na teammate. Kahit may ideya nang pumasok sa isip ko ay nagtanong pa rin ako. Hindi ko kayang tanggapin.

"Pre, 'yong paa ko..." Vince winced in pain while touching his right knee with both hands. While doing so, the repetitive whistles of the referee echoed around the venue. 'Di nagtagal ay nilapitan si Vince ng mga medical personnel, at inilayo kami, ako, mula kay Vince na hanggang ngayon ay iniinda pa rin ang pinsalang natamo. Dumating ang stretcher pagkatapos ay pumito muli ang referee. Nagpatuloy kami sa laro na parang walang nangyari.

Everything was a blur. It all happened quickly. Every rally, every point, I don't even remember anymore. Nakapaglaro pa rin ako pero ang utak ko ay tinangay na ng katotohanan. Nalaman ko na lang na matagumpay naming nairaos ang semis nang wala si Vince. Like the past years, pasok na naman kami sa finals.

"The doctor advised na 'wag piliting maglaro si Vince sa finals."

Hearing what Coach said, I wonder if winning the semis game and qualifying for the finals are worth it if they come at the cost of Vince's injury. Definitely not. Kahit huling Regional Meet ko na dahil graduating na ako ng elementary, finishing as a bronze medalist with a healthy Vince would actually already suffice.

Pero ngayong andito na ako, I might as well give it my all. Babawiin ko hindi lamang para kay Vince, kundi para rin sa sarili ko. This is my sixth final appearance sa Cagayan Valley Regional Athletic Association (CaVRAA) kasi grade 1 pa lang ay kasali na ako sa lineup ng Quirino Province. Iyong kaso, palagi kaming kinakapos sa finals. Ikaw ba naman, 'yong kalaban n'yo mga taga-Tuguegarao City na pare-parehong branded ang mga sapatos tapos iyong trainors mga propesyunal na mula pa sa Manila. Talagang suportado ang mga gago.

Habang nakaupo sa bleachers ay inabot ko 'yong disposable cup at sinalinan ito ng tubig mula sa water jug ng team namin. Hindi pa game namin pero pinagpapawisan na ako dahil sa init ng araw. Tumatagos kasi ito hanggang dito sa bleachers dahil sa covered court na venue dito sa Ilagan, Isabela, na siyang host ng CaVRAA ngayon taon.

Nang makarinig ng hiyawan ay nilingon ko ang pinanggagalingan nito at natanaw ang mga kupal na kakalabanin namin mamaya sa finals. Bawat isa ay may sukbit na duffel bag sa balikat at dala-dalang flask. Nangunguna sa kanila ang kilalang kilala ko na feeling artista kung makapaso. Tss.

Bukod sa suportado, andiyan pa 'yong ace spiker nilang nakakairita. Pikang pika ako sa kaniya hindi dahil magaling siya. E, magaling din naman ako. I-headshot ko pa siya diyan, eh. Naiinis ako kasi hindi ko siya matalo-talo magmula grade 1 dahil sa mga oportunidad na mayroon siya. 'Yong tipong halos magkapantay lang naman kami ng skillset sa volleyball pero ang kaibhan namin ay babad ang team nila sa maraming mga liga, kaya lahat ng teammates niya ay may maibubuga. Maayos din ang sistema nilang mga taga-siyudad. Kami na mga taga-probinsya, limitado lamang ang suporta. Idagdag mo pa ang injury ni Vince na outside hitter din tulad ko at katuwang ko sa pag-iskor.

Nananalo ka lang naman sa'kin dahil teamsport 'to. Kung one-on-one 'to baka hindi pa nagsisimula ang laro naiyak ka na sa takot!

"May balak ka bang kainin 'yang baso, Keno?" Napabalikwas ako sa sinabi ng assistant coach ng team namin na si Coach Danny na kakaupo pa lamang sa tabi ko.

Hindi ko namalayang kanina ko pa pala kinakagat nang mariin 'tong cup na 'to dahil sa kupal na 'yon. Nilayo ko 'yon sa bibig ko at piniga ito gamit ang aking kamay habang sinusundan pa rin ng tingin ang gagong sintangkad ko lamang.

Echoes of the Court (Game, Set, Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon