V: Kisses For A Trouble

99 3 0
                                    

Kisses For A Trouble

Tatlong magkakasunod na katok ang nagpamulat sa aking mata. I groaned in annoyance while searching for the clock resting at the side table, only to find out it's already 7 am.

"Shit." I murmured before making my way to the door.

Wala akong nadatnang tao sa labas ng silid. But I'm pretty sure someone just knocked earlier, or am I only dreaming?

Inilibot ko ang paningin sa paligid at natigil iyon sa katabing pinto ng sariling kwarto.

Had she already left for school?

It's been five days since that she-devil moved here. As per my mother's command, I'm the one who accommodated her to choose a room to her liking. But she didn't even let me say a single word dahil pagtaas palang namin sa ikalawang palapag ay pumasok na agad siya sa pintong katabi ng kwarto ko.

Oh diba? Feel at home ang beshy niyo. Akala mo naman alam na alam ang pupuntahan, eh.

Limang araw na siyang nandito pero hindi ko man lang siya nakita o nakasalubong man lang sa loob ng bahay. Hindi naman gano'n kalaki ang tinitirhan namin, sadyang hindi ko na siya naaabutan sa umaga. Masyado itong maaga kung umalis at kung uuwi naman ito ay nasa loob na ako ng sariling kwarto. Saang University ba siya nag-aaral at parang 'di na makatarungan ang schedule. It's either LanFord or Velmort, those universities are known for being strict to the highest level.

I shook my head trying to divert my attention to what I'm supposed to do at this very moment. I'm running late again.

Naabutan ko ang matanda sa kusina at agad ko itong binati.

"May pasok ka?"

"Opo, 8 am." I reach for my mug para sana magtimpla ng kape.

"Late ka na, alas siete na. Ang tagal mo pa namang kumilos." sermon nito sakin at kinuha ang baso sa kamay ko. "Ako na rito." Hinayaan ko nalang din siya at umupo nalang sa stool.

Nakakairita at bakit ngayon pa ako na-late magising kung kailan may quiz kami sa unang schedule ko.

"Heto." After niyang ilapag ang bagong timplang kape ay agad ko iyong sinimsim.

I should've just skip my morning coffee if I wanted too, especially if I'm running late already. Pero ayoko kasing maligo nang hindi pa naiinitan ang tiyan dahil sumasakit ito. Ayoko namang mag-suffer mamaya habang nagsasagot.

"Jusko namang bata 'to at nakuha pang tumulala, eh late na nga siya." litanya niya. "Ba't di mo gayahin si Ysahella na alas cuatro palang ay gising na gising na at nagjo-jogging na sa labas." Agad na nagsalubong ang kilay ko sa narinig.

"At bakit naman nasali sa usapan ang babaeng yun?"

"Wala naman, baka lang naman gusto mong mag-jogging o mag-exercise man lang." Aniya. "Ay alam mo may iki-kwento ako sayo." Her voice were filled with excitement, as if she really had an interesting story to tell.

"Okay?" Aga ng chismis ah.

"Nung unang araw nitong si Ysahella dito sa bahay, may naririnig akong kalansing ng mga gamit dito sa kusina. Akala ko ikaw lang na may pagkamagaslaw kumilos kaya hindi ko pinansin." Napasimangot ako sa tinuran nito kaya natawa siya.

"Pero nung ikalawang-araw ay nakita ko siya rito, alas sinco ng umaga. Bagong gising ako no'n tapos siya abala sa paghahanda ng mga sangkap sa pagluluto. Nagpresinta akong ipagluto siya kaso ang sabi niya ay siya nalang daw. Tapos dumaan ang dalawang araw ay gano'n lagi ang naaabutan ko tuwing madaling umaga. Palagi siyang nagluluto pero kapag naabutan ko siya ay halata sa mukha niya ang pagkagulat at pagkailang, namumula pa ang kanyang pisngi. Kay ganda nga namang bata no'n, Leina." Kita ko sa mukha niya ang sobrang paghanga habang tila inaalala ang mga pangyayaring iyon, I shook my head.

YELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon