Who wouldn't?
Isang linggo na ang lumipas simula nang tumira ako dito, sa totoo lang ay hindi padin maalis sa isip ko ang lahat ng nangyari. Pakiramdam ko ay isang panaginip lang 'to at ano mang oras ay kailangan ko na muling gumising at harapin ang masakit na reyalidad.
Pero alam kong totoo ang lahat at alam ko ding ano mang oras ay kailangan kong harapin ang problemang pilit kong tinatakasan.
Sa buong isang linggo kong pag s-stay dito ay napansin kong kung gaano kalaki ang bahay nila ay ganoon naman ito katahimik. Ang alam ko ay ang nakakatanda nilang kapatid ay hindi dito naka tira, sa pagkaka-alam ko ay nasa ibang bansa 'yon nag aaral. Habang ang mga magulang naman ni Lava at Caleb ay palaging wala.
Parang si Lava at Caleb na nga lang ang nakatira dito kasama ang mga maid nilang tahimik lang din. Pansin ko din sa kainan ay hindi sila nag s-sabay.
Malungkot. 'Yan ang una kong naramdaman ngunit ano nga bang pakealam ko kung ganoon din naman ako. Katulad nila, sanay akong kumain mag isa.
Sanay akong mag-isa.
Napalingon ako sa pintuan nang kwarto na ginagamit ko nang may kumatok. Lumapit ako rito at binuksan 'yon. Bumungad sa akin si lava na naka suot ng pink dress habang naka braid ang buhok.
"Hi atih! Samah ikaw, bilih tayoh iskol supplays!" She said happily.
Natatawa akong tumanggo at sumama sa kaniya pababa. Hindi na ako nag-abalang mag palit nang damit. Naka suot lang ako nang itim na pants at oversized na damit. Maayos naman 'yon tignan kaya hinayaan ko na lamang.
Pagkababa namin ay nakita ko si rye- I mean, Claleb na hinihintay kami, nakasuot lang din ito nang simpleng maong shorts at puting Tee shirt. May suot din itong face mask na ipinag taka ko.
Inuubo ba siya? Tinignan ko si Lava at tinanong kung may sakit ba ang kuya nito.
"Wala naman po. Lagi naman poh siya nag susuot niyan kapag lalabas, ihh." Napatango na lang ako bago kami nag patuloy sa paglalakad at huminto sa harapan ni caleb.
Sinulyapan niya kami ng isang besses bago tumalikod. Sumunod naman kami sa kaniya papuntang garahe nila. Napatigil ako nang makitang ang kanilang itim na SUV.
Wala akong alam sa mga sasakyan pero base sa nakasulat sa may harapan ng sasakyan ay montero sports 'yon. Napalingon ako kay caleb nang makitang binuksan nito ang pintuan sa may driver's seat at pumasok doon.
Siya ang mag d-drive? Ibinaba niya ang bintana sa passesnger seat at sumilip sa amin sa labas.
"Ayaw mong pumasok?" Kunot noong tanong nito sa akin nang makitang ako na lang ang nasa labas.
"Ikaw mag d-drive?" Nalilito kong tanong.
Hindi ba't minor palang 'to? Kung hindi ako nag kakamali ay isang buwan lang ang agwat namin sa isa't isa. Mas matanda lang siya ng isang buwan.
"Don't worry. I have my parent's permission as long as I'll be careful."
Nag dadalawang isip kong binuksan ang pintuan sa likod kung nasaan si lava ngunit agad din natigilan nang marinig ang sinabi nito.
"Dito ka sa tabi. Hindi niyo ako driver." Masungit na saad nito.
Napabuntong hininga na lamang ako at lumapit sa pintuan nang passenger seat upang buksan at doon maupo sa tabi niya.
"Seatbelt."
Kinuha ko ang seatbelt at isinuot 'yon. Pansin ko ang pag tingin nito sa rearview mirror upang tignan kung maayos naba ang pagkakaupo ni lava sa kaniyang baby car seat, nang makitang maayos naman na ay sunod na bumaba ang tingin nito sa akin upang tignan ang seatbelt ko. Nang makasiguro na siya at pina-andar niya na ang sasakyan palabas nang kanilang garahe.
Buong byahe ay tahimik lang kaming tatlo. Si Lava ay abala sa kaniyang pinapanood sa likod habang ako naman ay inabala ang sarili sa pag tingin ng mga malalaking gusali na nadadaanan.
Hindi ko alam kung napuntahan ko na ba ito noon, Hindi naman kasi kami madalas lumuwas pa manila dahil madami namang pasyalan sa bulacan... Hindi din pamilyar sa akin ang lugar na ito kaya siguro nga ay hindi pa ako nakakapunta dito kahit noong bata pa ako. Ngayon ko nga lang narinig ang lugar na ito. BGC, Taguig...
Mukhang malayo nga ito sa bulacan, pero sa pagkaka-alala ko ay halos dalawang oras ang inabot namin. Hindi ako sigurado.
Hindi din naman ako masyadong lumalabas sa bahay noong nasa bulacan pa ako. Bukod sa tutok ako palagi sa pag-aaral ay wala namang dahilan kung bakit ko kailangang lumabas. Wala akong kaibigan, kaklase lang ang itinuturing ko sa kanila dahil ganoon din naman sila sa akin.
Walang nag iimbita sa akin kapag may birthday ang ibang kaklase o kung gusto nilang gumala sa mall. Walang nag hihintay sa akin kapag ako na lang ang natitira sa loob ng room. Wala akong kasabay umuwi.
Sa buong pagkabata ko ay si caleb lang talaga ang tinuring ko na kaibigan noon kaya wala lang sa akin ang hindi pakikipag-kaibigan sa mga kaklase kasi alam kong andyan naman si caleb pero ngayon parang kahit siya ay ayaw na din akong maging kaibigan.
Naalala ko nanaman ang sinabi sa akin ng kamag-anak ni daddy. Sabi nila walang mag tatagal sa akin na kaibigan. Lahat ay iiwan lang ako katulad nang pag iwan sa akin ni daddy.
Walang kakaibigan sa isang katulad mo.
Para kang pating! Ang hirap mong lapitan.
Bida-Bida.
Pabigat!
"Hey," Napalingon ako sa katabi ko nang marinig ko itong nag salita. Ngayon ko lang napansin na nakapark na pala kami. "Let's go."
Tahimik lang akong bumaba nang sasakyan kasama silang tatlo. Mabilis na lumapit sa akin si Lava upang hawakan ang aking kamay. Naunang mag lakad si caleb kaya agad kaming sumunod.
"Let's eat first," anito.
Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto din kami, nilingon niya kami at saglit na nag tagal ang tingin niya sa akin bago ito umiwas ng tingin at nilingon si Lava.
"Where do you wanna eat?"
"Jabi!" Excited na sagot ni lava.
Tumango naman si caleb kaya nag patuloy na kami sa paglalakad.
"I'll order, You two find a seat." Tumango ako at mag lalakad na sana ngunit agad akong napatigil nang tawagin ako nito.
"What would you like?" He asked.
"Uhh. Ikaw nang bahala." Saad ko at agad na siyang tinalikuran upang mag hanap nang mauupuan.
Hindi din nag tagal ay dumating na si caleb kasabay ang order namin.
Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa napagdisesyonan kong putulin ang katahimikan.
"Kailan pala mag sisimula ang pasukan?" I asked.
"Next week," My eyes widen because of shock.
Agad-agad?! Ang bilis nang bakasyon! Wala panga akong nagagawa... kaya pala sila bibili ng school supplies.
Next week, simula na din ang pag p-protekta ko sa kaniya, sa totoo lang hindi ko alam kung paanong protekta ang gagawin ko. Narinig ko noon na minsan ay napapa-away ito sa kanto-kanto. Ayon siguro ang ibig sabihin ni Tita na protektahan siya.