CAYDEN
Matapos ang aming makabagbag damdaming na pag uusap, yiehhhh! Char! Makabagbag amp! Napagalitan kami ni Ma'am Celine dahil baka daw magkasakit kami sa ginawa naming dalawa na mag moment sa gitna ng ulan na parang tanga. Pero syempre, dahil kasama ko ang reyna hindi kami masyado nasermonan.
Dahil nga araw araw at bente-kwarto oras kong kasama si Cayden, medyo natututo na din ako sa paraan niya ng pananalita kaya minsan, you know.. I'm getting to be English speakerist wow!! HAHAHA Kahapon kami nagpaulan at wala pa kaming napag uusapan na gagawin namin ngayong araw.
Ayaw niya naman bumisita sa opisina niya dahil nandon yung Tita niya na nakasalubong namin kahapon. Medyo natakot nga ako don eh! Napagdesisyonan kong mag luto nalang ng umagahan tutal pag nakaamoy yon ng pagkain, lalabas na yon ng kwarto niya.
Ganyan yang babaeng yan! Kahit gising na siya, mag seselpon lang ng mag seselpon tapos lalabas pag kakain na hay nako! Para tuloy akong naging katulong niya dito. Ano naman kaya ang lulutuin ko ngayong umaga? Chicken? Beef? Pork? Goat? Tiger? Lion? char! Kala mo talaga eh haha.
Nag search ako sa internet ng pwedeng lutuin at napagpasyahan ko na pork cutlets nalang ang main dish tapos mag lalagay nalang ako ng mga side dish galing sa ilang leftovers. And then I started cooking. Gaya ng sinabi ko, maya maya ay lumabas na siya sa kwarto niya. Naka pajama at flip-flops siya. Syempre may damit din.
Wag kayong ano haha! "Good morning!" Ever since I met her, hindi ako nag mimintis na batiin siya ng good morning. As in araw araw talaga! Pero siya never pang nag respond-
"Good morning." muntik ko nang mabitawan ang sandok na hawak ko nung marinig ko yon mula sa kanya. May tutuli ba ako sa tenga o talagang.. nag respond siya!? Dahan dahan akong umikot para tingnan siya na ngayon ay busy sa kanyang phone.
"You look so surprised.. bawal ba akong mag greet din sayo?" sabi niya ulit pero hindi naman sa akin nakatingin. Binalik ko nalang ang tingin sa niluluto ko habang pangiti ngiti. "What do you think we should do today?" narinig kong tanong niya kaya tumingin ako sa kanya kasabay ng pag iisip..
Hmm.. "Maglakad lakad tayo pagkakain?" suggestion ko sa kanya at umagree naman siya. "Are you interested in cinemas?" tanong niya ulit. Napag isip isip ko na simula pagkabata hindi pa ako nakakapasok sa sinehan. Sa mga picture ko lang lagi nakikita. "Mahilig akong manood ng mga pelikula pero hindi sa sinehan. Sa cellphone lang hehe"
"Horror films?" sa pagkakataong to napaisip ako ng onti. Hindi naman ako mahilig manood ng mga nakakatakot pero kaya ko naman yon! ako pa ba? HAHAHA "Oo ba! basta wag kang titili mamaya sa sinehan pag natakot ka ha. Nakakahiya sa mga katabi at kasama natin." paalala ko sa kanya and she just smirked at me.
Hinanda ko na ang lamesa at niyaya siyang kumain na. "Pano ka natutong mag luto?" tanong niya sa akin habang kumakain kami. Okay haha this is my time to shine!! Mag papakitang gilas ako sa kanya.
"Kagaya ng alam mo, Hindi ako totoong anak ng mama ni Chase. Anak ako sa labas hehe. Anak ako ng Papa ko sa ibang babae at ang babaeng yon ay pinabayaan lang ako kagaya ng pagpapabaya sa akin ng Papa ko kasi nga anak ako sa labas HAHAHAH parang ipinamukha na nila sa akin na aksidente lang ang pagkaka gawa sa akin. Parang di nila sinasadya ganon HAHAHAH" Pag kekwento ko sa kanya at napahinto naman siya sa pagkain at halatang nagulat at nalungkot na rin.
Tumatawa ako pero sa tuwing binabahagi ko sa iba to, sinasaksak ang puso ko, ng bread knife para di masyado masakit haha!
"Ayaw sa akin ng parehong magulang ko kaya yung ninang ko- pero di ko talaga siya ninang, sabi niya pag aaralin niya ako tsaka aalagaan tutal wala naman daw siyang anak. Eh ang problema, nagkasakit siya eh kaya ako ang nag asikaso sa kanya. Naging instant nanay ako sa ninang ko kaya natuto akong gumawa ng mga gawaing bahay hehe. Pinangako ko sa sarili ko tsaka sa kanya na ipapagamot ko siya kaya mag aaral akong mabuti para sa aming dalawa." Hindi ko maiwasan na pumatak ang luha ko habang nag kekwento ako nang nangyari lalo na pag naaalala ko si Ninang.
YOU ARE READING
Underneath the Rain
Teen FictionRaine, an unbreakable woman which is often described as a monster meets Cayden, an affable guy from Rizal that can hurt nor make everyone happy. The short het memorable journey starts through the first time they laid eyes on each other. Maybe it'll...