22

162 7 0
                                    


Renon

“Thank God at lunch na rin! Naubos ’yung energy ko sa mga teachers! Gosh!” Pagrereklamo ni Akiro habang papalabas kami ng room.

Kanina pa ’yan nagrereklamo eh, kahit kaninang may teacher pa, pero siyempre hindi niya pinaparinig kung kanino. Sa’min lang ni Echo.

Sino ba naman kasi ang hindi magrereklamo eh halos tambakan na kami ng mga activities ng mga teachers kanina. Pati nga ako hindi mapigilang magreklamo sa isipan. Pati na rin ’yung iba naming mga kaklase.

Pero ano pa nga bang ini-expect namin? Nasa senior high na kami kaya normal lang ’yon para sa iba. Mas malala pa nga yata kapag nasa college kana. Kahit no’ng grade 11 ako gan’to na ’yung ginagawa ng mga teacher eh, tinatambakan kami ng mga activities. Akala mo mga robot kami eh.

Pero siyempre hanggang sa isipan lang namin ’yung reklamo namin. Pero kung may lakas ka ng loob, sige magreklamo ka.

Para kaming mga lantang gulay habang naglalakad, naunang maglakad ’yung dalawa habang nakasunod lang ako sa kanila. Naubos ’yung energy namin sa sunod-sunod na pinagawang mga activity kanina.

Feeling ko pati ’yung natitira kong brain cells napagod din.

Huh?

Nakaramdam ako ng pagtataka nang mapansin kong papunta sa ibang direksyon ang tinatahak namin. Imbis na papuntang cafeteria, naglalakad sila patungo sa gate ng university.

“Hoy sandali!” Tumakbo ako papalapit sa kanila, “Saan tayo pupunta? Nandoon ’yung cafeteria oh!” Sabi ko nang makalapit sa kanila at itinuro ang direksyon kung nasaan ’yung cafeteria.

Huminto ’yung dalawa. Napansin ko ang pagngiwi ni Akiro sa’kin sabay baling sa kaniyang katabi.

“You didn't tell him?” Pabulong nitong tanong kay Echo na narinig ko naman.

Napangiwi ako sa inasta ni Akiro. Bubulong-bulong pa, rinig ko naman. Hindi ko alam kung sinadya niya bang iparinig o talagang natural na mataas lang ang boses niya.

Nakita ko ang pag-iling ni Echo na ikina-hinga nang malalim ng isa.

Ano bang problema ng dalawang ’to?

“We bought a lunch,” saad ni Akiro habang nakahalukipkip.

“Ano?” Tanong ko nang marinig ko ang sinabi niya. Nagbaon sila? Tapos hindi sinabi sa’kin? Pinaglilihiman na ba nila ako ngayon?

Kaya pala may dala-dala siyang maliit na bag na pa-square na kasyang-kasya ang baunan.

Inirapan naman ako nito, “Ang sabi ko, nagbaon kami ng lunch. It's tagalog na ah, baka hindi mo pa ma-gets.” Sinamaan ko ito ng tingin bago binatukan.

Anong akala niya sa’kin hindi nakakaintindi ng english? Mukha ba akong bobo? Mukha lang pero hindi ako bobo ’no. Hmp.

“Ouch!” Maarte nitong daing at lumayo sa’kin.

“Ang arte mo ah! Saka alam ko ’yung tagalog no’n ’no, nakakaintindi ako ng english. Ang ibig ko lang sabihin, bakit hindi niyo sinabi sa’kin e ’di sana nagbaon din ako,” saad ko rito nang may halong pagtatampo.

Pinaglilihiman na nila ako. Hindi na ba nila ako tinuturing na friend?

Muli akong nakatanggap ng irap kay Akiro habang tinawanan naman ako ni Echo. Mukha ba akong nagbibiro? Nagtatampo ako!

“You're being dramatic na naman, accla. Bakit ka pa magbabaon if you have a credit card naman? Duh.” Konti nalang talaga makakatikim na ’to ng kurot sa singit si Akiro.

His Forbidden Desires (Forbidden Series #1)Where stories live. Discover now