Apart
April 28, 2022Call off? Dalawang salita na ngayon ko lang naranasan. Pero sa bagay first boyfriend ko si Kirby. Hindi ko akalain na heto ako ngayon nagiisa, walang nangugulo sakin at wala akong good morning at bulaklak na natanggap.
May parte sakin na nasasaktan ng sobra at may parte rin na sinisisi ang sarili. Wala sa sarili kong hinawakan ang magkabilang pisngi. Umiiyak na pala ako.
Sana naman hindi to makaapekto sa exam namin. Ngayon ko lang din naalala na ngayon pala ang opening ceremony. At malas nga naman ako ang napiling kumanta sa section namin. Ito kasing pinsan ko, pahamak.
Sinubukan ko naman siyang kausapin na baka hindi ako makapresent pero sabi niya advantage daw yun para ramdam sa lahat ang emosyon ng kakantahin ko.
Wala naman kasing category ang kantang ipepresent namin kaya malaya kaming makapili.
Napabuntong hininga nalang ako at pumunta sa cafeteria. Wala kasi ang dalawang kasama ko ngayon dahil si Ayara tumutulong sa pagpeprepare si Stella naman ay hindi ko mahagilap balita ko rin naghahanda din ito sa pageant na sasalihan.
Tahimik kung nilakad ang hallway patungong cafeteria. Hindi pa naman ako tuluyang makarating ay rinig ko ang malakas na tawanan at pangungutya ng bully sa isang babae.
"Oh, here is the mangaagaw, take advantage traitor bestfriend" nakatingin lang ako sa kanila habang pinalibutan si Calli. Masama ang binigay na titig ng kababaihan sa kanya.
Hindi ko alam kung tutulungan ko ba siya o hindi. Galit parin Kasi ako dito pero sa sitwasyon niya ngayon naaawa ako.
Akmang lalapitan ko na sana sila nang may humila sakin at dinala ako sa library.
"Wag ka ng mangi-alam Xuri" sambit ng isang babae.
"Bella" ngumiti lang ito sakin at tinapik ang balikat ko.
"You did well, raising a snake Xuri. Hindi ko akalain na ipagpapalit mo kami sa isang tao na tatraydurin ka lang sa huli" napayuko ako sa sinabi niya. Yes, sina Bella at iba pang kasamahan nito ang circle of friends ko noon. Tama sila pinagpalit ko sila sa isang taong traydor. Hindi ko naman kasi kasalanan na mabait ako e.
"Silly girl wag kang umiiyak diyan. Kung tutuusin kaibigan ka parin namin e, nagcall off ngalang tayo tulad niyo ng jowa mo ngayon" aniya.
"Thank you Bella, nasaan pala ang iba?" Malawak na ngumiti si Bella sa sinabi ko.
"I guess makokompleto ulit ang Asuna Squad. Halika dadalhin kita sa kanila" aniya at hinila ako. Bumalik kami kanina sa hallway kung saan ang mga bully at si Calli. Pero nagtaka ako dahil wala namang mga ito roon.
"Kung nagtataka ka kung bakit wala na Sila baka dumating ang dati mong prince charming" nakaramdam naman ako ng lungkot. Kung tutuusin iba kami ng kwento ni Calli. Kahit kailan hindi dumating si Kirby upang sagipin ako. Dahil kabaliktaran ang nangyayari. Sa aming dalawa siya ang mas sakit sa ulo at laging lapitin sa gulo.
"It's okay beh, dahil kung kayo talaga maaayos din ang lahat" aniya. Tumango nalang ako.
Pumunta kami sa dulong bahagi ng cafeteria. Nandon nakaupo ang lima pang kasama Bella. Si kathryn, Liam, Jace, Cassie at Caspian and dalawang magkambal.
Napangiti ako ng maalala ang kalukuhan namin noon. Hindi pa dumating si Calli.
"Guys look who's here!" Bati ni bella na nasa likuran ko. Agad naman silang napalingon.
Awkward akong ngumiti. It's been a year since nalapitan ko Sila Ng ganito kalapit.
"Oh, ang inagawan" tumayo si Kath at lumapit sakin.
YOU ARE READING
First Heartbreak
Teen FictionNo one's life is perfect. Kahit nasa sayo na ang lahat ng bagay ay hindi ito basehan na tuloy tuloy na ang saya. Hindi natin alam, habang patagal ang panahon ay padami ang tyansa na mawawala ang kung anong mayroon ka. A Love triangle story between...