CHAPTER TWENTY ONE(LAST CHAPTER)

261 2 0
                                    

NAKIPAGSIKSIKAN sila ni Myra sa sinehan nang ipalabas ang pelikulang ginawa ni Paul.

Maganda ang istorya, Fantasy talaga ng isang babaing tinedyer. Dahil nagkatuluyan ang fan at ang idol.

Pero alam na naman ng lahat na hindi totoo iyon. Dahil bago pa man umalis si Paul ng Plipinas, sinabi na nito sa
nag-interview na 'na-outgrown' niya ang
pag-ibig dito.

Pinalabas ni Paul na binasted nga níya ito pero isinalba rin
ang pride sa pagtukoy
na minsan ay nainlab siya rito.

Isang bagay na posible namang totoo,naisip niya. Siguro nga'y pag-ibig din ang
naramdaman niya noon para sa lalaki.

At tama, na-outgrown lamang niya.

Pumapasok na siya uli sa eskuwela. Tumigil na ang mga pangungulit ng
reporters nang matiyak na wala talaga siyang
intensiyong mag-artista.

Balik-normal na naman ang buhay niya.

"SUPPOSE you have a bag of groceries that weighs 8.5 newtons. How much work do you  do if you lift it to a height of 0.3 meters?"  tanong ni Miss Villarico.

Nagpakauklu-uklo siya sa kinauupuan para hindi matawag ng titser. Kung bakit naman sa kanya pa ito napatingin.

"Okey, Hilda. What's the answer?"

Tumayo siya, kakamut-kamot sa noo. Ang hina niya talaga sa Science, naisip niya.

"I.... I don't know, ma'am."

"Ma'am, ako na lang, Mam." ani John na  nagtaas ng kamay.

Tiningnan niya nang masama ang lalaki, inirapan. "Siya na lang, ma'am. " inis na sabi niya.

"Okey, John," sabi ni Miss Villarico.

Magilas na tinungo ni John ang blackboard at nag-solve. París ng dati, nasa mga galaw
nito ang pagyayabang.

Però hindi na naiinis si Hilda ngayon.

Lihim nga siyang natutuwa na parang nabalik na ang dating pagtingin sá kanya ng kaklase.

VACANT period.

Absent si Myra kaya nag-iisa siyang bumaba ng hagdan patungo sa kantina.

Napansin niyang sumusunod sa kanya si John.

Nagmadali siya ng pagpanaog.

Kahit hindi siya naiinis sa lalaki,gusto niyang iparamdam dito na
naiinis siyang paris ng dati.
Dahil parang nababalik sila sa dating pattern ng pagtitinginan nila at ini-enjoy niya iyon.

Sa pagmamadali ay natalisod slya, kung hindi sa maagap
na pag-aalalay ng  nasa ikuran niya ay nadapa na sana siya at nalagay sa kahiya-hiyang sitwasyon.

"Para kasing me humahabol sa yo, e," paninisi ni John na
hindi inaalis ang pagkaka
hawak sa braso niya.

Hindi naman siya nagmamadaling bawin
iyon. "Talaga namang meron, a," pinipigil ang ngiting sabi niya. "Ikaw."

"Wala si Myra. Sasamahan kitang magmeryenda."

Hindi hinihingi ni John ang pagpayag niya.

Talagang sinasabing sasamahan siya ke pumayag siya o hindi. Dati-rati'y ikaga-
galit na niya iyon agad. Pero ngayon, parang kiniliti pa nga ang puso niya sa authoritative na tono ng kaklase.

Pero siyempre'y nagpakipot pa rin siya kahit paano. "Mamaya mo'y mag selos pa 'yong Sabrina mo."

Idiniin niya talaga ang mo.

"Wala' yon, ha?" seryosong sabi ni John. "Nagpapaturo lang lagi sa 'kin' yon ng
lesson."

"At gustung-gusto mo naman?"

"At least, alam ko kung saan ako mayroong pag-asa o wala. Hindi paris ng iba riyan, nagpapakamatay sa imposible,"

"Oy, hindi ako gano'n, ha?" namumulang sabi niya.
"Nakita mo naman, nanligaw din sa kin si Paul at binasted ko,"

"Alam ko. Nagbabasa rin naman ako ng movie magazines, lalo na no'ng
maging star ka, 'no? Ang ibig ko lang sabihin, ako. Praktikal ako. Pag alam kong wala akong pag-asa sa isang tao, tumitigil na ako."

"At....... s-sinimulan mo kong isnabin nang maisip mong wala ka talagang pag-asa sa
'kin?" direkta nang tanong. niya.

“Biruin mo naman, itinaya mo pang sariling buhay mo para lamang mailigtas ang
Paul na yon," parang nagtatarmpong sabi ni John.

"Kahit naman siguro sino e gagawin ang ginawa ko pag nakitang nasa panganib
ang ibang tao. Reflex
lang 'yong naging kilos
ko."

Tinitigan siya sa mukha ni John na parang sinasalamin ang katotohanan ng sinabi niya

"Tena na nga," ang nangingiting sabi pagkuwan saka biglang hinawakan ang
kamay niya bago humakbang uli pababa ng hagdan.

"A-ano ba, 'oy!" namumulang sabi niya habang hinihila ang kamay. "Pagtutudyuhanan tayo niyan."

"Maano?" ani John na lalong humigpit ang pagkakahawak sa kamay niya. "Biruin
mo naman, ang bigat ng naging karibal ko si Paul O' Neil!" Napa-tsk pa si John.

Natatawang sinabayan na niya sa pagbaba ng hagdan ang kaklase.

Naramdaman niya ang pagpisil nito sa kanyang palad. "Pero ako naman ang nanalo, 'di ba?" ang sabi.

"Oo."maligayang-maligayang tugon niya.

"Pero bitiwan mo na'ng kamay ko at baka masermunan na naman ako sa amin kapag me nag-report nito."

Binitiwan ni John ang kamay niya pero sa anyo naman nito niya nabasa ang emosyong nais ipadama sa kanya.

Napabuntunghininga siya sa kaligayahan  habang kaagapay nito sa paglakad.

Sino'ng nakaaalam kung sa pagdaan  ng panahon ay magbago pa rin ang
damdamin nila sa isa't isa?

Hindi nga ba't ang
nararamdaman niya noon para kay Paul ay napalitan?

Pero ngayon, habang nararamdaman niyang ang lalaking itong katabi niya
sa paglakad ang matimbang sa puso niya, i-enjoy-in lamang niya ang mga emosyon dulot-niyon.

Pero nungkang gumawa siya ng pagkakamali na posibleng pagsisihan nila pareho balang araw.

Ang pagtatapos pa rin ng pag-aaral ang pinakatiyak na paraan para marating nila ang mga pangarap. Kung
sa pagsapít doon ay
magkaagapay pa rin sila, ikatutuwa niya.

Sa ngayon, gagawin na lamang muna nilang inspirasyon ang kaalamang espesyal sila sa puso ng isa't isa.

WAKAS











ANG HIRAP MONG MAHALIN - HELEN MERIZ (COMPLETED) Where stories live. Discover now