"THANK you," nakangiting sabi ni Lei sa cashier ng coffee shop kung saan bumili siya ng pastry para kay Carter. Bumili na rin siya ng paborito nitong kape na palagi nitong ino-order.
Mula doon ay naglakad siya pabalik ng opisina.
"Lei!"
Nang lumingon ay napangiti siya nang makita si Hagen. Huminto siya sa paglalakad at hinintay ito.
"Saan ka galing?"
"Doon lang sa kabilang building, may inutos si Ma'am Camila."
"Paakyat ka na rin?"
"Oo."
"Tulungan na kita," prisinta nito saka kinuha mula sa kanya ang isang plastic na may laman na dalawang kape.
"Thank you," sagot niya.
Habang naglalakad ay nagsalita ito. "Masaya ka ba?"
"Saan?" kunot-noo na tanong niya.
"Sa relasyon n'yo ni Sir. Are you happy?"
Napangiti siya. "Yes, super."
Marahan itong tumango. Napansin ni Lei na may bahid na lungkot ang ngiti nito.
"Are you okay?" tanong pa niya.
"Ha? Oo naman. Naisip ko lang kasi na sayang, hindi man lang ako nabigyan ng chance."
"Chance saan?"
"Na ligawan ka."
Natigilan siya sa paglalakad. Alam at ramdam ni Lei noon pa na may gusto sa kanya si Hagen. Ngunit dahil hindi naman ito nagsasalita sa kanya ay nawala na iyon sa kanyang isip. Kaya hindi niya inaasahan ang biglaan nitong confession.
"Hagen."
"I like you, Lei. I like you a lot. Matagal ko nang gustong sabihin 'yan sa'yo pero nawalan ako ng pagkakataon. Grabe kasi kung makabakod sa'yo si Sir. Iyon pala may gusto din siya sa'yo. Sinubukan ko na pigilan ang nararamdaman ko dahil alam ko rin naman na wala akong pag-asa. Pero hanggang ngayon, ikaw pa rin talaga."
Huminga siya ng malalim. "Hag... I... um... thank you. Thank you for liking me. Hindi ko alam kung bakit mo ako nagustuhan pero salamat dahil binigyan mo ako ng espesyal na atensiyon. Pero alam mo naman na—"
"Don't worry, I know. Alam ko na siya ang mahal mo. Alam ko naman na hindi mo kailan man masusuklian ang nararamdaman ko. Gusto ko lang talaga masabi ito sa'yo para maka-move on na rin ako."
Napangiti si Lei. "Thank you, Hagen. Friends pa rin?" tanong niya sabay lahad ng kamay.
"Oo naman," natawang sagot nito sabay tanggap ng kamay niya.
"Halika na sa taas, baka naghihintay na si Sir sa'yo."
Papasok na lang siya sa lobby nang matigilan matapos may mahagip ang kanyang paningin na pamilyar na mukha. Nang muling lumingon nawala sa di kalayuan ang lalaking namataan niya.
"Lei, okay ka lang?" tanong pa ni Hagen.
"Ha? Oo."
Lumingon ito sa kanyang tinitignan. "May problema ba?"
"Wala naman, para kasing may napansin ako na kakilala nakatayo banda doon. Eh paglingon ko wala naman, baka namalikmata lang ako."
Matapos iyon ay tuluyan na silang pumasok doon. Habang nasa elevator ay bigla itong nagsalita ulit.
"Nga pala, malapit na ang birthday ni Dylan. Nabasa mo ba sa gc natin? Nagyayaya siyang mag-bar. Sabado 'yon ng gabi. Invited daw tayo nila Katie."
"Ay hindi ko pa nababasa, teka," sagot niya sabay bukas ng group chat nila.
"Oo nga. Sige, tanong ko sa boss ko kung papayag," sabi niya.
Hanggang sa makarating sila sa kanilang department ay magkasabay pa rin sila ni Hagen. Palapit pa lang siya sa workstation nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Carter. Agad lumipad ang tingin nito kay Hagen. Nang makalapit sa table ay nilapag nito ang kape na kanyang binili.
"Thanks, Hagen."
"You're welcome. Sige, dito na ako. Saturday night ha? You should be there," paalala pa nito.
"Oo, sige," sagot niya.
Lumapit sa kanya si Carter at pumwesto sa likod niya habang ang isang kamay ay nakahawak sa desk niya.
"And what was that?" pabulong nitong tanong.
"Huh?" maang niyang tanong din sabay lingon.
"That Saturday night thing, what was that? Did he ask you again on a date? Hindi ba niya alam na boyfrie—"
Natatawa na bigla niyang tinakpan ang bibig nito sabay lingon sa paligid. Buti na lang at busy lahat ng tao doon, ang iba naman ay nasa break pa rin.
"Tumahimik ka nga. Hindi date 'yon, tamang selos ka naman."
"Then, what is it?"
"Doon nga tayo sa loob," sabi niya saka tinulak ito pabalik ng opisina.
"Saan ka ba kasi galing? Bakit mo kasama 'yon? Kung makatingin pa sa'yo, ikaw naman ngumiti ka pa doon sa lalaking 'yon," masungit na sabi nito.
"Hala, nagseselos na naman siya."
Tumalikod ito mula sa kanya at humarap sa glass wall. Natatawa na napailing si Lei. Pagkatapos ay yumakap sa bewang nito.
"Gusto mo ba talaga malaman ang totoo?" tanong niya.
Tumingin ito sa kanya. "Ano nga kasi 'yon?"
"Promise ka muna na hindi ka magagalit?"
Bumuntong-hininga ito. "Okay. I promise."
"Nagkasabay kami sa baba kanina. Galing ako sa coffee shop kasi binili kita ng favorite coffee at pastry mo. Tapos ayun nga, nagkita kami. Habang naglalakad, Hagen confessed to me. He told me that he likes me. And—"
"Aba, g*go 'yon ah!" bulalas agad nito at akmang lalabas.
"Hep! nag-promise ka na hindi magagalit!" awat niya. "Patapusin mo muna ako, please."
"Fine," inis na sagot nito.
"Nagconfess siya sa akin hindi dahil gusto niya manligaw. Alam niya na ikaw ang mahal ko. He confessed because he wants to finally move on from me. Dahil alam niya na wala siyang pag-asa sa akin."
"Kung ganoon, ano 'yong sinasabi niya na saturday night?"
"Birthday ni Dylan, naimbitahan kami na mag-bar sa Sabado."
"Sigurado ka iyon lang?"
Tumango siya.
"Ako pa rin ang baby mo?"
"Ikaw lang ang baby ko."
Napangiti si Lei nang sa wakas ay ngumiti ang nobyo at yumakap sa kanya ng mahigpit.
"Hay, mahal na mahal talaga kita. Hindi ako papayag na may umagaw sa'yo sa akin."
"Ipanatag mo ang puso mo, babe. Hindi kita ipagpapalit kahit kanino."
Bumuntong-hininga si Carter pagkatapos ay hinalikan siya sa ulo.
"Mamimiss ko 'to ng two weeks. Hindi ko alam kung paano ako doon na malayo sa'yo."