UNO

5 0 0
                                    

     Tanghali na ng ako'y nagising dahil sa kalalaro ko ng Roblox kagabi. Hindi ko na kasi namalayan na hating gabi na pala at pagkatingin ko sa aming bintana ay maliwanag na. Agad akong bumangon at inayos ang hinihigaan ko da kadahilanang ako'y nagugutom na.

     "Wow naman señorita, magandang umaga ha!" Bumungad sakin ang napaka lakas na boses ng aking nanay. "Good morning din hehe." Sagot ko naman at binatukan niya ko ng malakas.

     "Ma, aray naman!" Pagmamaktol ko pa at medyo masakit naman talaga. "Aba eh anong oras na ba ha? Kalaki mo nang bata, isip bata ka parin!" Napakamot nalang ako sa ulo.

     'Eh sermon lang pala ang aabutin ko, huhu kasalanan ko rin naman.' sabi ko sa isip ko.

     Dumiretso nalang ako sa kusina at maka-kain na. Matapos nito ay naligo at nagbihis na ko dahil may usapan kami ng kaibigan ko na magkitq sa mall ngayong hapon.

     "Oi, may gcash ka ba? Parobux nga!" Galing! Kakakita palang namin sa isa't isa ganyan agad ang bungad. Napaka galing! Awesome! "Jusme te, gandang miryenda yan ha, lakad kaya muna tayo no?"

     Mga ilang saglit pa ay napag isipan na naming umuwi na ni Yasmine, pagkarating ko sa aking tahanan ay agad akong nagtungo sa palikuran upang gawin na ang aking nightly ritual. "Salamin salamin, sabihin mo kung ano ang pinaka magandang theme sa dti." Feeling yata ni ate ay may sasagot dito.

     Nagtungo na ako sa aking silid at mamahinga na. Maya maya ay naalimpungatan nalamang ako ng may marinig akong kung anong musika

     'Shems why does it sounds familiar?' Nakapikit parin ako. Napamulat nalamang ako bigla nang nagiba ang aura ng paligid.

"ANONG NANGYAYARI?! WHY AM I HERE?!"

I Isekai'd in Roblox?!Where stories live. Discover now