Paano kung isang araw nabuhay ka muli sa isang panahon, hindi mo maalala ang nakaraan ngunit dama mong may kulang sa iyo, anong gagawin mo? Anong gagawin ko?
"Dalliana, ayos ka lang ba? Ilang araw ka nang gumigising ng ganyan" Tinignan ko ang mukha ni Ate Cecilia at puno ng pagaalala ang kanyang mga mata, ako'y tumango lamang at kinuha ang tubig na kanyang inabot sa akin. "Sigurado ka bang maayos ka lang, sandali tatawagin ko si Lazarus." Lumabas si Ate Cecilia mula sa aking silid at tumingin lang ako sa bintana ng aking kwarto. Ano bang nangyayari sa akin, simula nung nagtrabaho ako sa mga Santiago ay paulit ulit ko nalang napapaniginipan ang mga bagay na ito.
"Dalliana" Daling dali pumunta sa akin sa Lazarus at umupo sa tabi ko. "Napapaniginipan mo parin ba ang mga ikwinento mo sa akin noong nakaraan" Tumango lang at muling humiga. "Wag mo nang aalahanin iyon, kahit man mapaniginapan ko iyon ay hindi parin naman iyon mangyayari" Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at ako'y kanyang tinabihan.
"I am so disappointed in you Nica! Hindi ka naman ganito dati" Tears are falling down from eyes. "Sorry Ma, mataas parin naman po ang nakuha kong mga score hindi ko lang po talagang kayang malamangan si Kyzer" Kitang kita ko sa mukha ng mama ko kung gaano siya ka nanghihinayang sa akin. "Hindi, kaya mong malamangan si Kyzer! You're an Alcantara for f*ckingsake Nica! Hindi pwedeng nasa Top 2 ka lang! You are not doing your best that is why hindi mo malamangan iyang Sanchez na iyan!" Umalis sa harapan ko si mama. Tumakbo ako papunta sa kwarto ko at nagmukmuk doon. Hindi ko na napansin na nakatulog sa kakaiyak.
"Hindi! Hindi ako papayag! Kahit anong gawin niyo hindi ko iiwan si Alejandro!" Naramdaman ko ang masakit na pagsampal sa akin ng aking ama. "Dios mío, Luciana! Estás arruinando tu vida con Alejandro" Damang dama ko ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. "Kahit ano pa ang gawin niyo sa akin ay hindi ko siya iiwan!" Ako'y umalis sa kanilang harap at tumakbo palabas ng aming tahanan. "Luciana!" Dinig ko ang pagtawag sa akin ng aking ina ngunit hindi ko ito pinansin.
"Saan si Dalliana?"
"Saan niyo siya dinala, Dalliana!?" Naramdaman ko ang masakit na sampal mula sa mga kamay ni Maria. "Maria! Kumalma ka!" Sinubukang ilayo ni Donya Pia si Maria sa Harapan ko ngunit siya'y nag pumiglas. "Bakit ba kailangan mo pang hanapin si Dalliana? Hindi mo ba talaga akong kayang mahalin, Lazarus?" Kita ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata, muntika na siyang matumba ngunit siya'y na alalayan ni Andres. "Paano naman kita mamahalin kung ang ugali mo ay mas masahol pa sa isang demonyo!" Napatulala lang si Maria sa aking sinabi.
"This painting looks so mesmerizing!" Tinignan ko si Kyzer at nakitang nakatingin lang siya sa painting. "It was painted back in 1920 by Lazarus Sanchez. He was 72 years old, but he still remember how he saw the woman he loved the most. He first saw her when people celebrated his return to the Philippines at their home, on their asotea. I found out that the girl in the picture was named Dalliana." Huminto siya saglit at mas tumutok ako sa painting, I notice na merong maliit na bagay na kumikinang sa floor. "Kahit nakatalikod siya ang ganda niya parin" Natawa ako nang kaunti sa sinabi niya and I jokingly said. "Paano mo naman nasabi na maganda siya, eh nakatalikod nga siya eh." Natawa kami sa sinabi ko. "Btw, bakit may maliit na bagay na kumikinang sa floor, ano yan?" I asked him, kaso nakatingin lang siya sa akin.
"Hindi mo ba talaga maalala?" He looked at me and I saw the sadness in his eyes. "Ano bang ibig mong sabihin" I got confused from what he said. Naramdaman ko na sumakit ang ulo ko and everything went dark.