40

7 1 0
                                    

A/N: Unedited

-

"Okay! Good job!" Pumalakpak si Direk Lirana.

Kumalas si Macs kay Calv at pasimple pang iniripan si Calv.

Maysumundot sa tagiliran ko kaya nakakunot ang noo kong hinarap ito.

"Ano?"

Napalabi si Jigz at tumingin doon sa dalawa habang nakangisi.

"May napapansin ako," tumaas ang kilay ko.

Sabi na eh, kaya tahimik 'tong tarantado na 'to kanina pa.

"Ano?"

Tumingin siya saakin. "Puro 'ano' ang lumalabas diyan sa bibig mo."

"Ano naman sa'yo?"

"Oh diba! Diba!" A–alisan ko sana siya pero pinigilan niya ako at pinirmi ulit sa tabi niya.

"Joke lang kasi. Pero, eto na nga.." Ibinulong niya saakin ang kung anong napapansin niya kanina pa at oo, parehas nga kami ng napansin.

"Oo, ayon nga rin napansin ko." Pagsang-ayon ko.

He smirked.

"Okay, nasaan na 'yong dalawa? Si Zia at Reylohr?" Narinig kong tanong ni Direk Lirana.

"Direk! Andito kami!!" Kumaway si Jigz. Nakita ko kung paano bumaling sa amin si Direk at ngumiti.

"Punta na kayo dito, kayo na ang next." Sabi ni Direk at mas lumawak pa ang ngiti.

Sumunod kami at nag retouch lang ng kaunti ng make up habang nirereview ni Direk ang mga photos kanina mula kina Calv at Macs.

"Hindi ka nabibigatan sa make up mo?" Boses ni Jigz ang narinig ko.

Hindi ko siya makita dahil nag-a-apply 'yong make up artist ng eyeshadow saakin.

"Hindi naman, bakit?"

"Wala lang, hindi ka kasi sanay mag make up eh."

Sumenyas na yung make up artist na pwede nang buksan ang mata ko kaya ginawa ko, nakita ko agad ang mukha ni Jigz at mukang confused pa.

"Bakit ganyan mukha mo? Pangit ba?" Tanong ko.

"Hindi, ngayon lang ulit kita kasi nakitang nag make up. Bagay sa'yo." He complimented me.

Ngumisi ako at tumayo. "Ako lang 'to, tara na." Aya ko at sumunod naman siya.

Direk Lirana went on our direction and gave us heads up. Taimtim lang kami ni Jigz habang nakikinig at minsan ay may mga tinatanong pa siya.

Nag explain rin si Direk kung paano ang mga posisyon at concept ng shoots.

"Okay, team! They are good to go!" Direk announced when she finished talking to us.

Tumalikod na kami ni Jigz at sabay na pumwesto sa harap ng cam.

"Kinakabahan ako," bumulong siya saakin.

"Bakit? Kase baka natatae ka?" Inuunahan ko na siya, tumango naman siya at muka ngang kinakabahan.

I chuckled and gave him a pat oh his back.

"Chill, kaya mo 'to. Baka pagpawisan ka diyan sige, hulas make up mo." Bulong ko rin sakanya.

Mukang nag-aalangan siya pero he manage to keep his posture, naka ngisi akong humarap sa harap at nag antay kung paano ang pose na gagawin namin.

"Jigz, can you put your arms around her shoulder? Akbay ka, then mag lean ka sa front para mag mukang magka–height kayo but still dapat mag muka ka pa ding mas matangkad sakanya, tapos ang facial expression mo ay parang you won kasi you made her annoyed." She instructed and Jigz followed.

Passenger Prince (Cousin Series #1)Where stories live. Discover now