SEVENTEEN

5 0 0
                                    

Eevi's Point Of View

Sa labas palang ng arena ay kita ko na ang maraming taong nagtatakbuhang palayo sa lugar na iyon. Ang karamihan ay sugatan na at umiiyak dahil sa takot.

"AAAHHHH!!! LAYUAN MO AKO!!"

Sigaw ng isang ginang na ngayon ay pinaibabawan ng babaeng gusto siyang kagatin. Pero mabilis pa sa isang segundo akong tumakbo palapit sa kanila para hawakan sa kaniyang buhok ang babae at malakas na sinuntok sa mukha dahilan para tumalsik siya sa malapit na kotse. Nayupi iyon sa lakas ng impact ng suntok na ginawa ko.

"Miss ayos ka lang?"

Tanong ko sa babae. Pero imbis na sumagot ay takot na takot siyang tumakbo palayo sa akin. Nang lingunin ko ang repleksyon sa bintana ng sasakyan na malapit sa akin ay doon ko lamang napagtanto kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya.

I've transformed.

I look like a monster kaya naman pati sa akin ay natakot siya.

"Eevi!"

Pagsigaw na sigurado akong boses ni Ate Rhiane kaya naman kaagad kong hinanap ang kinaroroonan nila. With my transformed body, my senses are sharper than it normally is. It was ten times before but now I can feel that it is more than ten.

Mabilis akong nagbago pabalik sa normal kong anyo nang matagpuan sila ilang segundo lang ang lumipas. Tumakbo ako papunta sa pwesto nila at halos maluha nang makita ko ang senaryo doon.

"R-Rhein...."

Panay ang pag-iyak ni Arethea at ganoon din si Rhoan na hawak hawak niya para pigilan na lumapit sa uncle niya. Si Ate Rhiane naman ay pinipilit lang na pigilan ang mga luha niya habang pinipigilan ang pagdurugo ng sugat ni Rhein sa kaliwang dibdib niya.

"I'm sorry Eevi....Vin and Rhein...they are trying to protect us...."

Hagulgol ni Arethea habang nanginginig ang mga labi. Hindi ko magawang makapagsalita. Rhein looks like he is conscious of his surrounding pero mukhang bibigay na rin ang katawan niya anong oras mula ngayon. And Vin, I don't see Vin anywhere.

"Nasaan... nga pala si Vin?"

Pinilit ko na magsalita. At nang mas lalo lang lumalim ang pag-iyak ni Arethea ay doon ko lang napagtanto ang nangyari.

He's dead?

Did he die protecting them?

"Nahiwalay lang siya sa amin. Pinauna niya kaming umalis at naiwan siya sa loob."

Sagot sa akin ni Ate Rhiane na ikinatango ko. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa lalamunan matapos iyong marinig.

"Mayroon ba sa inyo ang mayroong kotse na dala?"

Tanong ko habang pilit na pinipigilang pati ako ay magsimulang umiyak katulad ni Arethea. Hindi pupwedeng lahat kami rito ay panghinaan ng loob. I need to do something. I can still save Rhein.

My parents said that my blood can cure right? Maybe I can help Rhein. But I need Rhoan, Ate Rhiane and Arethea out of here first.

"I-I have our car key."

Sabi ni Arethea. Niyakap ko siya at ganoon din si Rhoan na kasama niya. Pareho kong hinaplos ang likuran nila para patahanin sila.

"It's okay. I'll find Vin, you get out of here first. Stay safe okay. Stay strong Arethea."

Tumatango siya habang umiiyak pa rin. I don't know how hard this is for her pero kailangan niyang magpakatatag. She is not safe here kaya kailangan nilang umalis sa lalong madaling panahon.

You'll also like

          

"Hi baby."

Pagpunas ko naman sa luha ni Rhoan. Tinitingnan niya ang uncle niya at para bang mayroong gustong sabihin pero hindi niya magawang makapagsimula dahil sa mga luha.

"Uncle will be fine Rhoan. Sumama ka na kila Ate Arethea okay? Go somewhere safe. Everything will be fine."

Niyakap ko siya at muling pinatahan. Pagkatapos ay sunod ko namang nilapitan si Ate Rhiane.

"Leave Rhein here Are Rhiane. Unahin mong samahan sina Arethea sa koste. I'll give Rhein a first aid."

I gave her an assuring look to calm her. I know that she is also terrified, nanginginig ang kamay niya kanina pa pero pinipilit niya lang na magpakatatag para sa kapatid at sa kaniyang anak. I am glad that she's with them. She helped a lot lalo na sa pagpapabagal ng pagdurugo ng sugat ni Rhein.

Tumango siya at tinulungan na makatayo si Arethea para puntahan na ang kotse nila. Nang makaalis sila ay doon ko naman binigyang pansin si Rhein. Lalo pa nang maramdaman ko siyang pigain ang kamay ko.

"Hey,"

Nanghihinang pagtawag ko sa kaniya.

"Yo, Eevi."

I couldn't hold my tears back and started crying.

Magmula ng mga bata kami ay magkasama na kaming dalawa kaya naman nakita ko na ang lahat ng version niya. Yung maingay, yung makulit, yung pasaway, yung matakaw, yung malambing, yung mahilig mag-alala, yung mapang-asar, yung committed sa paglalaro niya ng baseball, yung may sakit, yung nabalian ng paa, at yung Rhein na nasa coma.

Pero sa lahat ng iyon, ito ang sitwasyon na pinakanakapagpadurog ng buong pagkatao ko. Dahil nagkalat ang maraming dugo sa katawan niya. May malaking sugat siya sa dibdib at halos hindi na makapagsalita pa. He is barely conscious. Para bang ano mang oras ngayon ay bibigay na ang katawan niya.

Naramdaman ko ang pag-haplos niya sa ulo ko kasabay ng mga katagang, "Huwag kang umiyak."

Tumingala ako para salubungin ang mga mata niya. Ni-hindi ko siya matingnan ng maayos sa mga mata.

"Baliw ka....bakit mo....hinayaan na....masaktan ka."

And this idiot managed to smile after hearing that.

"Eevi, I love...you."

Hindi ko magawang sumagot. Mas lalo lang na lumalim ang pag-iyak ko matapos iyong marinig.

He's a real idiot. Why did he say that in this situation. He shouldn't have said that. Because I feel like he is already saying his goodbye to me.

Piniga niyang muli ang kamay ko bago magsalita.

"You... love me too, right?"

Paulit-ulit kong itinango ang ulo sa kaniya.

I love you Rhein. I love you so much. I love you more than anything in this world. So don't die. Please don't die.

"I will....I will save you okay? So don't...give up. Don't fall asleep Rhein. Remain conscious okay?"

Since I can't inject my blood to him right now, the only choice is to feed it to him.

Rhein is slowly closing his eyes and letting go of my hand kaya kaagad akong kumilos at mariing kinagat ang labi para paduguin iyon at ibigay sa kaniya ang dugo ko.

He'll be fine. You'll be fine Rhein. You'll be okay now.

Pagbalik ni Ate Rhiane ay tapos ko ng ibigay ang dugo ko kay Rhein. His lips are all red because of the blood I gave him but at least....he'll be fine.

DISASTROUSWhere stories live. Discover now