CHAPTER 1

25 4 48
                                    

𓆝 𓆟 𓆞 𓆝 𓆟

Did you ever like someone who has the same gender as yours?

Just a curious friend asking, because… I do.

And let me tell you how we guys started and how our story ends.

____

“Tubig daw! Kung may barya pa kayo, ambangan na lang. Galit na si pres do’n sa gilid, oh!” si Martin.

Napakamot na lamang ako ulo saka kinapa sa loob ng bulsa ng palda ko ang natitirang 10 pesos ko na pamasahe ko na lang sana pauwi.

Iaabot ko na sana ito ng may kamay na pumigil sa akin. Nagtataka akong napalingon kay Arabella na siyang ipinatong ang kamay niya sa kamay ko.

She winked at me bago niya inabot kay Martin ang buong 50 pesos saka umayos ulit ng upo sa tabi ko. Kita naman ang saya sa mukha ni Martin bago ito kumaripas ng takbo palabas ng classroom namin.

“Para saan naman ‘yon?” tanong ko sa kaniya. Instead of answering me, she then he fix her bangs, sumandal pa siya sa inuupuan niya na parang nabored bigla. “Wow, nasaan ang thank you?” balik na tanong niya sa akin.

Inabot ko sa kaniya ang hawak kong pamaypay, kita kong hindi na siya komportable sa kinauupuan niya. Mainiting tao kase ‘tong si Arabella pero nag pumilit pa rin siyang sumama sa practice namin para patimpalak sa school namin.

“Edi thank you. Paano ka uuwi niyan? Hindi ba, hindi ka susunduin ng daddy mo?” tanong ko.

She froze. Nagulat pa ako sa biglang pag ayos niya ng upo saka pag hawak niya sa balikat ko.

“What the hell, Xan! Hindi ko naalala!” hiyaw niya na nakaagaw pa sa atensyon ng ibang sa kaklase namin.

I chuckled.

“Parang sira naman kase, e. Lakad tayo pauwi?” aya ko sakaniya. She pouted saka marahang nag isip, maya-maya pa ay sumilay ang ngiti sa labi niya. “Sige!” masiglang aniya kaya napatango ako.

Sabay naman kaming natigilan nang biglang may sumigaw mula sa pinto na naka-agaw ng atensyon namin.

“Arabella! Xanna! Tawag kayo sa principal’s office!”

Kaagad naman kaming napalingon doon at nakitang  nakasilip mula sa pinto si Lloyd, ang kaibigan namin sa kabilang section. Nakasilip lamang ang ulo nito sa awang ng pinto, pawis ang mukha niya na mukhang galing pa sa pagtakbo.

Ano na naman ba ‘to? Wala naman akong naalala na may ginawa akong kasalanan--- kami rather.

“Tara.” sambit ko saka hinila na si Arabella paalis, hindi naman siya nagpumiglas at nag padala na lang sa paghila ko.

Nga pala, ako si Xanna. At siya si Arabella. We are best friends simula pa nung kinder and we’re currently a grade 10 student. And to add a little twist, I have actually liked Arabella ever since grade 5 pa lang kami.

Pero kaya ko bang sabihin sa kaniya? Nope!

Hindi masiyadong malayo ang Principal’s Office sa building ng classroom namin kaya kaagad kaming nakarating doon.

“Wait, kinakabahan akong pumasok, Xan. Ikaw na kaya mag bukas?” aniya nang tumigil kami sa harap ng pinto ng Principa’s Office, lumakad pa siya papunta sa likuran ko na parang nag tatago.

Natatawa naman akong napalingon sa kaniya. Umaarangkada na naman ang puso ko sa pagpaparty sa loob ng dibdib ko. I mean, who wouldn’t like Arabella? She’s just so damn cute. She’s above the word beautiful; she’s simple, smart, humble and really appreciative. I also like her curly dark hair that dances along the wind with her every move and the mole on her right cheek that added to her captivating look.

Rain, rain, Go away Where stories live. Discover now