Chapter 119

17 4 0
                                    

Chapter 119

20 years ago...

LAHAT ng klase ng ulat tungkol kay Xiao Ji ay agad nalalaman ni Shu. Hindi mahirap na makakuha nito dahil kilala ng lahat ang pangalan nito. Kahit batang paslit ay alam pangalang Zhan Dou Ji. Si Xiao Ji ngayon ay isa nang jiangjun ng hukbo ng Yu. Hinahangaan at kinagigiliwan ng marami. Ngayon ay itinuturing itong bayani dahil sa pagtuklas nito sa dalawang manggagamot sa kabundukan ng Shiti. Napatay nito ang mga iyon at iniligtas ang ilang mga bata pang naroon. Limang taon din na ginamit ng dalawang manggagamot ang mga pulang bulaklak para lang sa ekspiremento ng mga ito at ngayon ay tuluyan nang nasugpo ang mga ito. Mga magulang niya ang napatay nito pero wala siyang maramdaman na lungkot dahil sa umpisa lang ay mali na ang gawain ng mga ito at kahit siya ay nasusuklam. Ayaw niyang may makaalam na anak siya ng mga ito.

Ngayon ay nasa isang bayan siya sa kaharian ng Chu. Dito siya dinala ni Tian Chang para makapagsimula ulit. Nakakuha siya ng trabaho sa loob ng kampo ng hukbo ng Chu bilang tagalaba ng mga damit ng mga kawal at tagaluto ng mga ito. Mababang posisyon pero tinanggap niya dahil sa kampo siya tinalaga. Plano niyang pumasok din sa hukbo tulad ni Dou Ji at ito ang unang hakbang niya.

Ang ministro ng pakikidigma ay nagustuhan ang mga inihahain niya nang minsang magtungo ito sa kampo para kumustahin ang mga kawal kaya naman kinuha siya nito at dinala sa sariling tahanan. Tuwang-tuwa siya noon dahil akala niya ay aampunin siya nito pero hindi, ginawa siya nitong pampalipas-oras. Tumanggi siya sa gusto nito pero nalaman nito ang tungkol sa mga bakal niyang binti, ginawang panakot sa kanya na patatalsikin siya sa palasyo at wala siyang nagawa kung hindi ang pumayag sa gusto nito. Nang dahil sa mga putol niyang binti ay nagkaroon ito ng kakaibang interes sa tuwing makikipagtalik sa kanya.

Nasusuklam siya sa ginagawa nito, balak niya itong patayin nang may matuklasan siyang katiwalian nito kasabwat ang ministro ng pananalapi. Ginagamit ang pondo para sa rasyon ng mga pagkain at armas ng hukbo dahil may balak ang mga ito na gamitin ang salapi sa pansariling interes. Nangalap siya ng ebidensya habang nasa loob ng tahanan ng ministro at ibinigay iyon sa jiangjun nang makita ito. Ang mga nalaman niya ay sinabi sa jiangjun ng hukbo pero hindi nito sinabi na siya ang nakatuklas ng anomalya ng dalawang ministro. Ang papuri ng hari at ng mga tao ay inangkin nito habang siya ay naiwan sa isang tabi habang pinapanood ito. Ang dalawang ministro ay hinatulan kamatayan ng hari.

Bakit ba napakamalas niya? Bakit kailangan na kaya-kayanin siya ng mga taong tulad nito? Nagagalit siya pero wala siyang magawa. Nasa mababang posisyon siya at walang masyadong kakayahan. Minsan ay nawawalan na siya ng pag-asa para magkaroon ng mataas na antas. Ngayon ay bumalik siya bilang tagaluto at tagalaba sa loob ng hukbo.

Nang bumalik siya sa tinitirhan nila ni Tian Chang ay ikinuwento nito na patutungo ito sa Jianhuang dahil kailangan nitong kumuha ng ilang bakal na kakailanganin nito sa ginagawang armas. Si Tian Chang kasi ay naging panday naman na umaayos sa mga sirang armas ng mga kawal. Sumama siya sa pagpunta nito doon, hinanap niya si Xiao Ji pero nalaman niyang nasa dalampasigan ito at hinarang ang mga dayuhan na nagbabalak na pumasok sa kaharian.
Agad siyang nagtungo doon pero may napansin siyang isang tuta na nakabalot sa isang tela, nasa gilid lang ito at umiiyak. Kinuha niya iyon at saglit na pinakain. Nang matapos ay sinama niya ito patungo sa dalapasigan. Doon ay nakita niya si Xiao Ji na nakikipaglaban kasama si Liu Xue at iba pang kawal. Mag nakikita siyang kaunting sugat dito pero iniinda nito ang sakit. Si Xiao Ji lang ang pinapanood niya kaya naman hindi na niya naoansin ang tutang dala niya na nakawala sa kanyang kamay at nagtungo sa mga patay na katawan ng mga dayuhan. Hindi pa napansin ni Xiao Ji ang tuta kaya ang naoatay nitong dayuhan ay bumagsak sa tuta. May impit siyang iyak ng tuta na narinig, gusto niya itong tulungan pero makikita siya ni Xiao Ji at Liu Xue.

Hanggang sa natapos ang laban ng mga ito. Paalis na ang mga ito nang marinig ni Xiao Ji ang iyak ng tuta. Agad nitong hinanap iyon at nakita niya ang magandang ngiti nito nang makita ang tuta na nagkulay pula na dahil sa dugo. Napangiti siya nang ipagtanggol nito ang tuta kay Liu Xue na balak itong patayin sa pag-aakala na tuta ito ng dayuhan. Mas lalo pang lumukso ang puso niya nang tuluyan na nitong ampunin ang tuta na iyon.

Magugustuhan mo rin ang

          

Xiao Ji... hindi ka pa rin nagbabago...

Sa tuwing may pagkakataon ay dumadalaw si Shu sa kapitolyo. Nakabalat-kayo siya para hindi makilala, nakikita niya si Xiao Ji na palaging dala ang tuta na pinangalanan ntong Qingxing. May mga bago na rin itong kaibugan na sina Xiao Er at Wenrou. Si Wenrou, hindi maganda ang pakiramdam niya sa taong iyon kaya naman sa tuwing makikita itong kasama ni Xiao Ji ay binabato niya ito. Pero ang pagdalaw niya sa Yu ay may hangganan din. Nalaman niya kasi na ang jiangjun ay may tinatago rin palang lihim. Ito ay nakikiapid sa reyna ng Chu. Ang nalaman niya ay agad niyang sinabi sa hari.

Nagalit ang si Haring Xiang Kui sa inukat niya. Agad nitong ipinatawag ang espiya para manmanan ang kilos ng reyna at ng jiangjun. Matapos lang ng ilang araw ay nagbunga ang ginagawa ng espiya at napatunayan ang relasyon ng dalawa. Hinuli sa akto ng hari ang kanyang reyna at kalaguyo nito na lihim pa lang nagkikita sa likod ng tahanan ng jiangjun. Nagpapanggap na lalaki ang reyna para malayang makagalaw. Matapos niyon ay hinatulan ng kamatayan ang reyna at jiangjun sa pamamagitan ng pagpalo ng tabla habang nakabalot sa isang banig.
Dahil sa ginawa niyang pagsumbomg ay binigyan siya ng isang kahilingan ng hari. Kahit ano daw ang naisin niya ay ibibigay nito. Hiniling niya na pumalit sa pwesto ng dating jiangjun pero tinawanan lang siya nito. Hindi siya pinagbigyan sa kahilingan niya pero tinanggap siya nito nilang personal na tagapagsilbi. Ayaw niyang sa posisyong binigay nito pero nagtiis siya. Hindi madali ang buhay, alam niya iyon. Kailangan niya lang maging masigasig at mahanap ng pagkakataon kung paano makukuha ang posisyong gusto niya dahil iyon lang angg paraan para maging pantay sila ng antas ni Xiao Ji. Ilang taon din ang ginugol niya at ngayon na ang hinihintay niyang pagkakataon.

"Sigurado ka ba sa binabalak mo, Shu? Ang hinahangad mong mataas na posisyon ay mahirap abutin, lalo na at putol ang mga binti mo. Sa oras na malaman nilang may artipisyal kang binti ay siguradong patatalsikin ka sa palasyo. Pareho nating alam na ang mga taong may kapansanang tulad sa atin ay hinding-hindi maaaring pumasok sa hukbo. Maswerte ka dahil wala pang nakakaalam ng tungkol sa kapansanan mo."

Napabuntong-hininga si Shu matapos marinig iyon. Ngayon ay nasa tahanan siya ni Tian Chang at pinapalinis dito ang kanyang artipisyal na binti, pinapatibay niya rin dahil balak niyang sumama sa hari sa paglalakbay nito sa isang bayan sa Chu para mangaso. Isa kasi sa hilig nito ang mangaso sa tuwing darating ang tag-init.

"Mula nang matutunan ko nang gamitin ang mga artipisyal na binti na ito ay hindi ko na itinuring ang aking sarili na may kapansanan." Kinuha niya ang isang bakal na binti at ikinabit iyon sa kaliwa niyang binti. "Walang sinuman ang dapat makaalam ng lihim kong ito."

"Ang ministro ng pakikidigma, hindi ba—"

"Hindi na makakapagsalita ang patay."

"Alam ko pero nalaman niya ang tungkol sa mga binti mo, hindi malayong may iba pang makaalam nito kaya hindi mo maiaalis sa akin ang mag-alala sa 'yo." Binigay na nito sa kanya ang kanang binti na tapos ng linisin at ayusin.

Ngumiti si Shu sa sinabi ng kaibigan. "Maraming salamat sa pag-aalala mo, Tian Chang." Kinabit na niya ang artipisyal na binti pagkuway matikas na tumayo. "Ang huling nakaalam na aking lihim ay patay na at kung may iba oang makakaalam ng lihim ko ay kailangan din mamatay. Simula sa araw na ito ay hindi na ako papayag na may umapak sa akin. Aabutin ko ang mataas na antas at babalikan ko ang umabuso sa akin noon. Makikipagkita ako kay Xiao Ji at tutuparin namin ang pangarap na selebrasyon para sa kaarawan niya."
Naiiling na inayos ni Tian Chang ang mga gamit nito. "Matagal na panahon man ang lumipas ay hindi pa rin nawawala ang pagmamahal mo kay Xiao Ji. Hindi ka ba napapagod?"

"Tss, ginagawa ko ito para sa kanya kaya hindi ako mapapagod. Nahihirapan ako sa sitwasyon ko pero hindi ako susuko."

Napangiti na lang ito at hindi na sumagot. Ilang sandali pa ay umalis na siya. Sa durasyon ng paglalakbay ay palagi lang siyang nakadikit sa hari, kahit pinagbabawalan siya ng mga personal nitong tagapagbantay ay pilit pa rin siyang lumalapit para makapagpakitang-gilas dito. Sa huli ay hindi niya nagawa ang kanyang plano. Umuwi siyang bigo pagkatapos ay masamang balita pa ang nakarating sa kanya.

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon