Third POV
"Mahal na Hari. Mahal na Reyna. May kailangan kayong malaman" sigaw ng kanang kamay ni King Karl na si Knight Luke, isang pinuno ng mga kawal o tinatawag na chief pagkatapos nitong pumasok at yumuko para sa paggalang.
"Habulin mo muna ang iyong hininga" kalmadong sabi ni King Karl
Nasa loob sila ng kwarto ng reyna at hari dahil sinasamahan ng mahal na hari ang kaniyang buntis na asawa na nagpapahinga sa kama habang siya ay may trinatrabaho sa kanyang lamesa na nasa loob ng kwarto. Ang pagbubuntis ng mahal na reyna ay nasa kabuwanan na niya.May sariling opisina area ang Hari sa loob ng kwarto ngunit hindi iyon ang totoong opisina niya.
Nasa kabilang wing ang opisina ng mag-asawa. May sariling lamesa sa kwarto dahil gustong bantayan ng Hari ang kanyang asawa habang nagtratrabaho. Gusto niya siya mismo mag-alaga habang buntis ito sa bunso. Ang kanilang mga anak ay nasa kani-kanilang kwarto o kaya nasa ibang bahagi ng palasyo.
"Andito si Headmaster Kio, ang may kakayahang makakita ng kinabukasan. Upang ibalita sa inyo ang mangyayare" sabi ni Knight Luke
"at kung maari kayo po, ako at si Kio lamang ang makakarinig sa ibabalita niya." Dagdag pa ni Knight Luke
"Sige papasukin mo siya. Lumabas muna kayong lahat at lumayo sa kwartong ito" utos na may autoridad ng Hari sa mga kawal at mga katulong na agad naming sumunod.
Pinapasok ni Knight Luke ang headmaster ng Lumar Academy na si Kio.
"Mahal na Hari." Bati ni Kio habang yumuko ito bilang paggalang.
"Kani-Kanina lang ay may nakita akong vision mula sa kinahaharap. Ayon doon ay may sampo na isisilang ngayong araw na magtataglay ng malalakas na kapangyarihan. Nakatanggap din akong sulat mula sa oracle ni Goddess Magia. At kumpirmadong may sampo na isisilang ngayon at sila ang magproprotekta sa ating lahat mula sa mga Envilians dahil sa binigay niya. Kasama sa sampo ang iyong bunsong anak. Ngunit ang mahikang tinataglay niya ay mas delikado kaysa sa iyong anak na si Princess Jandara at ang nakakagulat ay dalawa ang kapangyarihan ng bunso niyong anak. Kung ang kaniyang kapangyarihan ay kayang tirisin ang lamang loob ng isang tao o hayop, ang iyong bunsong anak ay may kakayahang ubusin ang dugo ng isang tao o hayop ng isang pitik lamang. Maari din niyang gamitin ito na parang ginagawa ng isang water. ang kaniyang isa pang kapangyarihan ay blue fire manipulation. Ang kaniyang mga abilidad naman ay hole manipulator at power mimicry. At ngayon mukhang alam na ng Envilians ang tungkol sa kapangyarihan ng inyong anak ay gusto nilang patayin ang bunsong anak niyo. Dahil ang bunsong anak niyo ay siyang nakatakdang wawakas sa kasamaan nila. Siya at ang siyam pang kasama niya ang nakatakdang patayin silang lahat at ang hari ng mga Envilians sa ikatlong digmaan na mangyayari mahigit dalawampu't dalawang taon. Ayon sa oracle na si Faustina ay binigyan ng Diyosa ng dalawang kapangyarihan ang iyong bunsong anak at binigyan ng malalakas na kapangyarihan ang siyam na isisilang ngayon para tulungan at manalo tayo sa kasamaan. Nalaman ng dyosa ang binabalak ni God Zero at ang Envilians na lulusobin tayo at natatakot ang Diyosa na baka sa ikatlong digmaan ay matalo tayo dahil nararamdaman niyang lumalakas ang kabilang panig." Sabi ni Kio
Matagal munang nag-isip isip ang Mahal na Hari. Makikita naman sa mukha ng Mahal na reyna ang pagkagulat at pag-alala sa kaniyang anak na nasa loob ng kaniyang tiyan.
"At nakita ko din sa vision ko ay maaring lumusob ang kalaban ngayon para patayin ang bunso niyong anak sa oras na nakapanganak na ang Mahal na Reyna" dagdag pa ni Kio.
"Kung ganon, Luke. Sa oras na makapanganak ako ay siyang pag-alis niyo upang magtago sa mortal world na kung saan may higher chance na hindi kayo matatagpuan. At kung maari ay itago niyo ng anak ko ang inyong aura, energy ng inyong kapangyarihan at barrier na din upang hindi kayo matunton ng kalaban. Alagaan at itrain mo ang aming anak. Ipinagkakatiwala ko sayo ang bunso kong anak. Sa oras na itraydor mo kaming lahat, ay siyang ikakamatay mo. Ang iyong ipapangalan sa aking anak ay Kalisha Jace Mendez kung babae o Kalisho Jave Mendez kung lalaki. Para matago siya ay gamitin mo ang iyong apelyido kapag nagenroll sa mga paaralan. Ngunit ibilin mo sa anak ko sa oras ng kaniyang pagbabalik sa mundong Lumar ay tanging nickname niya lamang o ang napiling pangalan lamang ang ipapakilala niya upang hindi malaman agad ng kalaban" seryosong sabi ni Queen Jacelyn.
"Masusunod Kamahalan" sabi ni Knight Luke.
Biglang dumaing ang mahal na reyna sa sakit nararamdaman. Unti unting nagpapakita na ang mga senyales ng manganganak na ang isang buntis. Agad na tinawag ni Kio ang taga-panganak ng kastilyo at ang ilang mga katulong upang tumulong. Ang mahal na hari ay tumakbo sa kanyang mahal na asawa upang alalayan o tulungan ng kaniyang makakaya upang maibsan ang sakit na nararamdaman ng mahal na reyna.
Makalipas ng dalawang oras na paglalabor ay siyang paglabas ng sanggol. Babaeng sanggol. Tanging iyak ng sanggol ang maririnig sa loob ng kwarto. Kasabay ng pag-iyak ng sanggol ay siyang pagbukas ng pinto ng malakas. Ang isang kawal ang may kagagawan ng pagbukas ng pinto ng malakas.
"Mahal na Hari. Mahal na Reyna. Patawad kung malakas kong naibukas ang pinto ngunit nagmamadali akong sabihin sa inyo na nilulusob tayo ng mga Envilians!" sabi ng kawal.
Nagkatingginan ang mag-asawa, Kio at Luke. Agad na gumawa ng portal si King Karl.
Nagbilin ang mag-asawa habang nililinis ang kanilang anak ng katulong. Matapos ng pagbibilin ay agad na umalis sila Luke upang tumakas at magtago.
Natapos ang paglusob ng Envilians na siyang ikinatalo at walang nauwing sanggol.

BINABASA MO ANG
Doom
FantasyOnce upon a time In a place where magic is real, In the Lumar world full of magic, where what is only in a mortal human's fantasy is real. Various mythical creatures and people with powers live here. In the center of the Lumar World lies the city o...