CHAPTER 9

7 1 0
                                    


THIRD PERSON'S POV:

Pumasok si Ligaya sa kwarto niya para makapag pahinga na. Nang humiga siya at naramdaman n'yang nasusuka siya kaya tumakbo siya papunta sa Cr.

Laking gulat niya nang sumuka siya ay dugo ito at sunod sunod s'yang napaubo.
"Omg! Bakit dugo?" tanong niya sa sarili.
Inayos niya ang sinukahan at bumalik na ulit sa kama niya ngunit hindi pa rin siya tumitigil sa kakaubo.

Kinabukasan, pinuntahan niya ang tita niya.
"Ligaya, what brings you here?" bungad ng Tita Anna niya.
Ngumiti si Ligaya. "Tita, sumuka po kasi ako ng dugo kagabi"
Napatango ang Tita niya. "Okay, come here. Let's check you"

Nang matapos s'yang tignan ng Tita Anna niya ay nakita n'yang nakasimangot ito.
"Tita, ano pong meron?" tanong niya.
Huminga nang malalim ang Tita niya. "Ligaya, hindi kaba nakakainom ng gamot mo on time?"

Umiling si Ligaya. "Nakakalimutan ko po, Tita" nakayukong sabi niya. "Naging busy din po kasi ako this few days eh"
Iniangat ng Tita niya ang mukha niya. "Ligaya, sinabi ko naman sa'yo na 'wag na 'wag mong kakalimutan ang mga gamot mo" sambit ng Tita niya.

"This is our way para hindi agad lumala ang sakit mo!"
Tumango si Ligaya. "I'm sorry, Tita"
Nagbuntong hininga rin ang Tita niya. "Stage 2 na ang sakit mo Ligaya, 'wag mo na antaying lumala pa ito lalo"

After niya sa Clinic ng Tita niya ay dumiretso siya sa 1Z.
Naabutan niya ang interview nina Kuya Yani and Pablo kaya tahimik lang s'yang pumasok sa loob.
Naabutan niya ang mga kaibigan na nasa Office lang na nag aantay rin na matapos ang interview.

Pumasok si Ligaya. "Kanina pa sila sa labas?"
Tumango si Ken. "Oo, matatapos na rin siguro 'yon"
Hindi niya muna sasabihin sa mga kaibigan ang nangyari sa kanya kagabi at kung ano na ang lagay ng sakit niya.

Nilapitan siya ni Fate. "Kamusta ka?"
Ngumiti lang siya. "Okay naman ako"
Si Maria naman ang lumapit. "Nakakainom ka nang gamot mo?"
Tumango siya. "Yap, actually galing ako kay Tita kanina"

Sumingit si Ann. "Anong sabi? Kamusta daw?"
Ngumiti si Ligaya dahil nararamdaman n'yang mahalaga siya sa mga kaibigan niya. "Okay naman daw, maintain lang ang pag take ng meds ko"

Lie more Ligaya. Alam niya sa sarili n'yang hindi na siya okay. Sa tuwing nauubo siya ay lumalayo siya sa mga kaibigan niya para lang hindi ito marinig.
"Wala pa si Josh?" pagbabago niya nang usapan para makaiwas sa mga tanong.

Umiling silang lahat. "Wala pa dito" sagot ni Stell.
Nang matapos ang interview ay lumabas na sila sa Office.
"Congrats COO and CEO" nakangiting sabi ni Ligaya kina Pablo at Yani.

Ngumiti ang dalawang lalaki. "Salamat Ligaya"
Ngumiti si Stell. "Let's party!"
"Ayan ang maganda mong ginawa" sambit ni Maria.
Sumimangot si Stell. "Parang wala naman akong magandang ginagawa n'yan"
Tumawa si Maria. "Joke lang"

JOSH'S POV:

Nang makarating ako sa 1Z ay naabutan ko silang nag hahanda para sa party.
"Bakit ngayon ka lang?" bungad ni Ligaya sa'kin.
Ngumiti ako at niyakap siya. "May inasikaso lang ako, kamusta ka?"

Ngumiti siya. "Okay naman, galing ako sa Clinic kanina"
"That's good!" nakangiting sabi ko. "Mag sabi ka kapag may nararamdaman ka ha"
Tumango siya. "Yes!"
Biglang nakisingit si Ann. "Naks, anong level na kayo?"

Natawa ako sa tanong niya. "Ano nang balak mo sainyo ni Ken? Halos lahat kami okay na kayo na lang hindi"
Inirapan niya ako. "Bakit? Ako ba manliligaw? Tsaka friends lang kami ni Ken 'no"

Napangiti ako sa sinabi niya. Sinabi ko rin 'yan dati, sinabi naming lahat pero tignan mo ngayon, masaya na kami dahil kasama na namin ang mga taong mahal namin.
Nang matapos silang mag handa ay pinalapit nila kaming lahat.

"This party is for us! Enjoy lang kayo, Guys!" sigaw ni Kuya Yani.
Tumingin ako kay Ligaya. "Opss, bawal uminom"
Tumawa siya. "Hindi naman talaga ako iinom eh"
"Mas maganda nang alam mo" sagot ko.

Kumain muna kami bago nag decide na uminom. After lahat ng ganap nakapag enjoy rin kami ulit.
Habang umiinom ay napatingin ako kay Heart na pinapanood lang kami sa malayo.

"Lapitan mo" utos ni Ligaya nang makita akong nakatingin sa babae.
Agad akong napatingin sa kanya. "Huh?"
Ngumiti siya. "Sabi ko lapitan mo tapos ayain mo maki enjoy sa'tin, kesa naman nandoon lang siya sa sulok"

Nagtaka ako. "Okay lang sa'yo?"
Tumango siya. "Oo naman, sige na lapitan mo na siya"
Tumayo ako para puntahan si Heart. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya nang makita akong palapit sa kanya.

"Uhmm, Sir Josh" nahihiyang sambit niya nang makalapit ako.
Ngumiti ako. "Let's go, join ka samin"
Umiling siya. "Hindi na po, uuwi na rin po ako mamaya"
Umiling rin ako. "Let's go, si Ligaya ang nagsabi"

Tumayo siya kaya hinawakan ko ang braso niya at hinila palapit kina Pablo.
"Yeah, Heart join us!" utos ni Pablo.
Nahihiya s'yang tumingin sa'ming lahat. "Hindi na po siguro Sir Pau, may work pa po tomorrow eh"

Umiling si Pablo. "'Wag mo muna isipin ang trabaho bukas, part kana nang 1Z so kasama ka sa dapat mag enjoy ngayong araw"
Tumango si Heart at nahihiya s'yang tumingin sa'kin. "Uhmm Sir Josh, yung braso ko po"

Saka ko lang namalayan na nakahawak pa pala ako sa braso niya kaya agad ko itong binitawan at tumabi kay Ligaya.
Ngumiti si Ligaya. "Nakikita ko sarili ko sa kanya"
Pinakalma ko ang sarili dahil sa nangyari kanina. "Bakit naman?"

Tumingin siya kay Heart na ngayon ay nakikipagtawanan na sa mga kaibigan namin. "Ganyan rin ako eh, mahiyain nung una"
Tumango ako. "Yeah, nasusungitan pa kita dati pero tignan mo ngayon, gusto na kita"

Humarap siya sa'kin at tinarayan ako. "Nasali mo pa 'yan ha"
Natawa na lang kami parehas sa napaguusapan namin.
Hindi ako masyadong uminom ngayon para maihatid ko pa si Ligaya sa kanila.

Nang matapos ang party ay nag paalam na ang lahat.
"Uuwi na kami ha" paalam ni Stell sa'min.
"Ingat kayo, gawa na kayo baby, thanks!" sigaw ni Ann sa kanila.
"Gusto mo na rin umuwi?" rinig kong tanong ni Ken sa kanya.
"Malamang, ano pa bang gagawin ko dito?" sagot ni Ann sa lalaki.

Natawa na lang ako. Ito talagang si Ann hindi marunong mag seryoso, kaya siguro hanggang ngayon ay walang ganap sakanila ni Ken dahil iniisip ng lalaki na nagbibiro lang si Ann.

"Heart, uuwi na ako ha. Ihahatid daw ako ni Yani eh" paalam ni Xi-Anne kay Heart.
Ngumiti si Heart at kumaway kay Xi-Anne. "Ingat kayo!"
Napatingin kami ni Ligaya kay Heart na mag isa na lang ngayon.

"Isabay na kaya natin siya" sambit ni Ligaya.
Napatingin naman ako sa kanya. "Are you sure?"
Tumango siya. "Yap, anong oras na rin delikado na sa daan"
Tumango ako at nilapitan si Heart.

"Heart!" tawag ko sa kanya.
Tumingin siya at ngumiti. Damn, nakikita ko talaga si Ligaya sa kanya. "Yes po, may iuutos po ba kayo?"
Umiling ako. "No, sumabay kana samin ni Ligaya umuwi"

Umiling siya. "Hindi na po, nakakahiya"
Lumapit si Ligaya. "Let's go na, delikado sa daan anong oras na rin eh"
Tumango naman si Heart kaya umalis na kami.

Nag paalam na rin kami kina Aki at Pablo na nasa Office ngayon.
"Una na kami, Pau" paalam ko sa kanya.
Ngumiti siya kahit halata ang hilo. "Ingat kayo, balik kayo bukas may goodnews kami"
Tumango ako. "Iuwi mo na 'yan, Aki mukhang lasing na"

UNTIL WE MEET AGAIN🍢Where stories live. Discover now