Chapter 16
Captivated
***
Charlotte Misumi
Halos ikulong na ako ni Arceo sa kwartong ito. Dadalhan ako nito ng pagkain at kakamustahin pero ang makalabas sa kwartong ito? Hindi niya pinahihintulutan. Hinang-hina pa rin ang katawan ko pero walang araw na hindi ako gumawa ng paraan upang makaalis sa lugar na ito.
Nalaman ko din na may naglagay muli ng virus sa inumin ko, kaya nagkaganito muli ako.
"PAKAWALAN NYO AKO DITO! PAPATAYIN KO TALAGA KAYO KAPAG NAKAWALA AKO RITO!" banta ko sa mga KNIGHTs na alam kong nasa labas lang. Nakikinig.
Nakasandal na ako sa pintuan ng kwarto habang nakakabit sa akin ang dextrose. Dahil sa sobrang kainisan sa mga tao dito, ang dextrose ang napagbuntungan ko ng galit. Natanggal ito sa balat ko at naramdaman ko ang pag-agos ng dugo ko roon.
Nabasag din ang pinagbagsakang vase noon. Dumalsik ito sa akin at nasugatan din ako. Wala akong paki-alam!
Halos murahin ko na ang taong kumakatok ng malakas sa pintuang sinasandalan ko. Pilit nitong binubuksan ito at ako naman itong nakaharang, naiipit. Bakit ba ako dito umupo?
"D*mn! Misumi, open this door! What happened in there?" boses ni Gaizon.
Kahit nahihirapan at wala akong lakas ay umusod ako. Ayoko pang mamatay dahil sa pinto.
Nang bumukas na ang pinto. Ang una nitong nakita ay ang basag na bubog at dugo sa balat ko. Halos magdikit na ang kilay nito at ano iyon? Umiiyak ba siya?
Pumasok sina Ice, Neil, Ezekiel, Khale at Tyron sa loob. Pati sila ay nag-aalala sa kalagayan ko noong makita ang paligid ko.
Agad naman akong binuhat ni Gaizon pabalik ng kama sa kabila ng nagkalat na basag na bubog. Para siyang haring naglalakad sa basag na bubog sa paligid. Porket naka-sapatos siya.
"Khale linisin mo ang kwartong ito!" utos nito sa kaibigan.
"Hindi naman ako-" rereklamo pa sana ito pero siniko ito ng kakambal.
"Sumunod ka na lang."
Ang isa namang ito ay ginagamot ang nagdurugo kong kamay at mga sugat. "May masakit pa ba sayo? Anong nararamdaman mo?" May pag-aalala ang boses nito.
Hinaplos ko ang pisngi nito dahil ayaw kong nagkakaganto siya sa babaeng paubos na ang oras. Hindi ko kayang makita siyang naghihirap dahil sakin. Dapat ay namumuhay siya ng ayos. Dapat hindi na lang sana ako bumalik. Hindi sana ay namumuhay siya ng ayos at hindi ako inaasahang mabuhay ng matagal.
***
Matapos ang pagkukulong sakin ni Gaizon ay hinayaan na ako nitong makalabas ng kwarto. Makaka-usap ng tao. Pati ang mga gamit ko ay pinahawak na rin niya sa akin pero ang bilin nito ay hindi ako pwedeng lumabas.
"Akala ko ba ay hahayaan mo akong lumaban?"
"Kapag kasama ako pero sa lagay mo ngayon, kailangan mong magpalakas kasi hindi natin kakayanin ang Santillan na iyon kapag ganyan ang kalagayan mo." Bilin ni Gaizon habang may kung anong ginagawa sa file na binabasa nito.
Tingnan ko sina Ice at Neil. Tumango ang mga ito.
"Tama si Boss, Madam Charlotte. Ang kaligtasan mo ang top priority namin." si Khale.
Napabuntong hininga na lang ako at habang nag-uusap kami. Wala naman akong magagawa dahil mas malakas sila ngayon sakin. Pinoprotektahan lang nila ako.
Ilang minutong nakalipas at naalarma kami ng may naghagis ng kung ano sa loob ng HQ. Nawalan din ng ilaw sa loob at ang buong KNIGHTs ay nagkakagulo. Mukhang may kalaban sa paligid. F*ck!
"G-Gaizon? *cough*" hindi ko ito maaninag at ang usok. May kakaiba rito. Nararamdaman ko.
May humablot sakin. Akala ko ay si Gaizon ito pero hindi pala. Iba ang reaksyon ko dito dahil hindi ganito humawak ang isang iyon. Maingat si Gaizon sakin habang ang isang ito. Mahigpit.
"Misumi! Asan ka? D*MN THIS!" narinig ko pa ang nabasag na mga gamit sa loob ng HQ.
May nagtaklob sa aking bibig. Bago pa ako makasigaw at maka-laban ay nawalan na ako ng malay. May kung anong nakalagay sa panyong iyon.
"BOSS! DALA NILA SI MADAM CHARLOTTE!" boses ni Khale ang narinig ko.
***
Gaizon Kaizer
Halos basagin ko ang mga gamit dito sa HQ nang makuha nila si Misumi sa poder namin. Alam naming may kinalaman ang mga Santillan dito dahil nabalitaan ko sa mga magulang ni Misumi ang pagbabanta sa kanila ng tauhan ni Lazaro.
"Maduming makipaglaban ang mga Santillan, Kaizer. We need to be more careful in saving Misumi." Paalala ni Ice sakin. Tama siya, napakadumi nilang makipaglaro. Talagang kinuha nila ang bagay na napaka-importante sa amin pero hindi ko hahayaang magtagal si Misumi sa poder ng mga demonyong iyon lalo na doon sa Simon na iyon. Papatayin ko muna siya.
Oo, nakilala ko siya. Bitbit niya ito kanina at naiinis ako sa pagkakahawak niya! Agh!
"Naka-usap ko na rin si Dad, handa niya tayong tulungan para maligtas si Misumi kay Lazaro. Naka-abang ang buong tauhan namin sa utos mo kapag nakabuo na tayo ng plano, Kaizer." si Neil.
Humanda ka, Lazaro. Papatayin ko kayo ng kapatid mo. Wala na kaming ititirang buhay na Santillan dito sa mundo. Hindi ko hahayaan na huminga pa dito sa mundo ang mga katulad ninyo. Mata sa mata, ngipin sa ngipin!
"KNIGHTs! Prepare everything. May angkan tayong ibabaon sa hukay!" Ang angkan na pumatay sa ina ko. "Ang Santillan na dapat matagal ng wala dito sa industriyang ito."
Gusto nilang makakita at makaharap ang demonyo ng Arceo? Pwes, humanda sila. Ipapakita ko kung anong hinahanap nila, basta siguraduhin nilang walang nangyaring masama sa babaeng iyon. Kasi kapag tuluyang nawala siya, si Satanas ang makakaharap nila sa labang gusto nila. Papatay ako!
***
Charlote Misumi
Nagising ako na nakagapos ang kamay at paa ko. May busal din ako sa bibig at ang mga nasa harapan ko ay ang demonyong katingkati ko ng patayin. Sabik na sabik na akong maramdaman ang dugo nila sa kamay ko.
"Gising ka na pala, Misumi!" si Simon habang humihithit ng kanyang sigarilyo. "Mabuti at nagising ka pa." humalakhak pa ito.
"Gigising pa ako, demonyo. Hindi ko pa kayo nahihila pa-impyerno!" buong lakas kong sigaw rito.
Halos iwan naman ako ng kaluluwa ko noong may malakas na sumuntok sa tagiliran ko. Pagtingin ko, si Lazaro. Paano ko nalamang siya? Pinakita na sa akin noon ni Gaizon ang pagmumukha ng hayop na ito. May nag-send kasi ng email dito at pinakita ang pangit na mukha ng Lazaro na ito.
Napa-ubo ako ng dugo sa ginawa niyang iyon. Pakiramdam ko ay nabaliaan ako ng buto dahil sa bakal na nakasuot sa kamao na sinuntok nito sa akin kanina.
"It's good that you can still felt that!" Humalakhak ang demonyo sa lupa. "Huwag kang mag-alala, madami pa tayong activities na gagawin, para naman may baon ka kapag tuluyan ka ng nawala."
Tumingin ito sa isang tabi, kung saan may mga nakasabit na kulay itim na likido. Apat na bag ito at may upuan sa gitna. "Tama ka, Reyes. Iyan ang magdadala sayo sa impyerno. Those bag contains DV106 virus at kapag ang apat na iyan ay dumaloy sa katawan mo. Pasensya na pero hindi ka na makakapag-paalam pa sa batang Arceo."
Dinaluyan ako ng takot habang nakatingin sa lugar na iyon. Hindi maaari.
"KNIGHT's Angel is now afraid to die, brother!" sabi nitong si Simon na sa umpisa pa lang, alam kong may binabalak na talaga at hindi mapagkakatiwalaan.
Isang malakas na sampal ang nagpadugo sa labi ko. "Angel my ass! Hindi Angel ang babaeng iyan. Pwe!" dinuraan pa ako nito.
Titiisin ko ito. Kapag ako talaga, nakatakas dito. Sa kanila ko itatarak ang mga karayom ng DV106 virus na iyan. Ipalalaklak ko pa!
Nginisihan ko sila, "Ganoon talaga kapag maganda, Angel ang tingin sakin." Pagmamayabang ko.
"Oh well, tingnan natin kung maging Angel ka pa rin sa mata ng anim na KNIGHTs na iyon!" ramdam ko ang galit at bagsik sa mga mata nito pero hindi ako-
"ACK~F*CK YOU!" daing ko habang dumadaloy ito sa buong katawan ko. Hindi ko kayang tiisin ang sakit.