Chapter 20

5 0 0
                                    

Friday na ngayon, ngayon rin gaganapin ang overnight sa school. Maaga akong nagising at pumunta sa school, walang pasok ngayon. Kaya mag isa akong naglakad patungong school ayaw din naman kasing sumali ni haya at zinnia sa overnight. Boring daw kasi, si lila at cherry ay hindi rin sumali. Hindi na rin dapat ako sasali kaya lang hindi rin sumali si iris kasi may pupuntahan siya, walang mag le lead sa mga classmates ko na sasali para sa overnight at isa pa ako yung president ng classroom kaya talagang dapat andon ako.

Hindi na ako dumaan sa hideout.  dumiretso ako sa banyo ng makarating ako sa school. Inilapag ko ang bag pack na dala ko sa may sink, kumuha ako ng tubig sa drum saka ko hinugasan ang paa kung puro putik, umulan kasi kagabi.

Nang matapos ako ay nag ayos ako ng sarili ko, tiningnan ko yung repleksyon ko sa salamin. Nakasuot ako ng puting tshirt at itim na jogging pants, inilabas ko ang dala kong itim na doll shoes na Iniyikan ko pa kay papang dahil nasira na yung tsinelas  na ginagamit sa school at nahihiya na rin akong gumamit ng tsinelas kapag papasok. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam na ako ng hiya na dati rati ay hindi naman.

Kumuha muna ako ng papel at pinunas ko sa aking paa bago ko isinuot ang doll shoes , inilagay ko ang ginamit kung tsinelas sa pinang lagyan ko ng doll shoes.

Ibinalik ko ang suklay at polbo sa bag at muli kung tiningnan ang sarili ko sa salamin bago naglakad papalabas.

Napatalon ako sa gulat nang tumambad si nick sa harap ko pagkabukas ko ng pinto,  katulad ko ay hindi rin siya nakasuot  ng uniform.

Nakasuot siya ng maong short at black sando. Black sando? Napaangat ang tingin ko sa kaniya, nang hindi siya umalis sa pintuan. Katulad ng una ko siyang makita ay nakatingin lang siya sa akin,  Ngayon ko lang rin na realize na sobrang tangkad pala ni nick. Hanggang dibdib niya lang ako.

Umatras ako para makapasok siya mukha kasing wala siyang balak na padaanin ako. Nanlaki ang mata ko nang i lock niya ang pinto nang makapasok siya, nagsimula na akong nag panic. Tumakbo ako pa pintuan, subalit bago ko pa mahawakan ang door knob ay hinablot niya ang braso ko. Sapilitan niyang hinubad  ang suot kung bag pack, pilit akong nagpupumiglas subalit wala rin akong nagawa dahil mas malakas siya sa akin.

"Anong ginagawa mo?" Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba. Ipinatong niya sa sink ang bag ko.

"Let's talk" lumapit siya sa akin, umatras ako, huminto siya sa paglapit.

"Why are you avoiding me stephanie?" Hindi ako nakakibo kahit tingnan siya ay hindi ko ginawa. Napatitig ako sa kamay kong bahagyang nanginginig sa takot.

"I don't understand, you're avoiding me like ahm I was some kind of a virus" napatingin ako kay nick nang pagak siyang tumawa. Nakatingin siya sa pintuan. Nakalagay sa magkabila niyang bulsa ang kaniyang kamay. Bahagya ring nakaigting ang kaniyang panga.

Umiwas ako ng tingin ng lumingon siya. Hindi ako makapagsalita tila umuurong ang dila ko, katulad niya ay hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.

"Did I do something wrong? Did I offended you in some way" hindi pa rin ako kumibo.

"Fine. If you really don't want to talk then, I won't force you anymore". Hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko kahit pa nakalabas na si nick. Mariin kong ipinikit ang aking mata habang pinapakalma ang aking sarili. Unti unti naring nawawala ang panginginig ko sa takot.  Subalit, Dumaloy sa aking isipan ang panahon na naabutan namin siya ni lila dito kasama si roro. Napahawak ako sa aking dibdib para bang may kumukurot dito sa tuwing naalala ko iyon.

"Oh my gosh, stephanie" Napamulat ako ng mata. Nakatayo si romrom sa pintuan habang nakatakip ang kaniyang kaliwang kamay sa kaniyang bibig, nanlaki rin ang kaniyang mata na akala mo nakakita ng multo.

When Will You Be MineWhere stories live. Discover now