23

10.1K 536 387
                                    

ian (@ddamnianv): musta exam


Napapikit na lang ako nang mariin dahil 'seen' lang ulit natanggap ko. Nak ng tokwa! 'Pag kay Alex, nagrereply naman kahit walang kwenta sinasabi ko. Tapos kay Ian, ayaw?

Nakakapanghina!

Kung galit siya o may nagawa ako, sana sabihin man lang niya. Nago-overthink na ako rito oh.

Napatingin ako kay Saf at Earl na busy maglaro ng bilyar, "May tanong ako." Pag-agaw ko sa atensyon nila.

"Kung itatanong mo rin anong sagot ko sa number 27, hindi ko na maalala. Tama na, pre, kalimutan na natin yung exam—"

"Imagine may kaibigan ka pero hindi ka nire-replyan, anong gagawin mo?"

Saglit silang nagkatinginan bago tumawa, "Wala, gago. Madalas kang 'di nagrereply sa 'min, may ginawa ba kami?"

Oh—kay, point taken. Usapang gc naman 'yon, iba 'yon. Tsaka ako talaga yung tipo ng tao na tamad mag-reply 'pag gc.

"Hindi, imagine pala-reply yung tao tapos bigla na lang 'di nag-reply. Hindi mo mahagilap gano'n. Anong gagawin mo?" Paglinaw ko sa tanong ko.

"Pupuntahan..?" Sagot ni Earl pero mukhang 'di pa siya sigurado.

Ilang beses ko na naisip puntahan si Raizen, baka ito na yung sign para gawin? Tama, doon tayo sa paraan na 'di niya ako kayang i-seen lang.

Tinapik ko si Earl sa balikat bago kinuha yung bag ko, "Sige, salamat. Umuwi na kayo 'pag tapos niyo d'yan, adios!"

Alas singko na, nakauwi naman na siguro si Raizen? Kahit 'di siguradong may madadatnan ako, dumeretso pa rin ako sa condo niya. Usually, pwede naman umakyat agad 'pag ganitong oras pero hinarang nanaman ako ng front desk attendant.

"I need permission? It's 5pm, since when do people need permission for 5pm visits?"

"Sorry, sir. New policy. Kindly take a seat first and I'll call Mr. Serrano for you."

Policy raw eh, anong magagawa ko riyan. Sa tapat niya ako naghintay at nakinig sa tawag. Based sa mga sagot ni Ms. Attendant, walang balak si Raizen na babain ako.


Raizen Serrano (@raiserrano_): Go home, I have no time to entertain any guests.

ian (@ddamnianv): oh marunong k pala mag type

Raizen Serrano (@raiserrano_): What do you need this time? It's too early for you to be drunk.

ian (@ddamnianv): babain mo ko

Raizen Serrano (@raiserrano_): I said I have no energy to entertain anyone.

ian (@ddamnianv): iniiwasan mo ba ako?

Raizen Serrano (@raiserrano_): lol Why would I?

ian (@ddamnianv): patunayan mo

Raizen Serrano (@raiserrano_): I don't have to.


Hindi ko siya maintindihan pero wala rin akong balak pilitin siya. Umuwi na lang ako. Nakakainis.

Sometimes I feel like I know Raizen better than anyone, but moments like this make me question if I truly understand him. Pasensiya lang siguro kailangan ko.

Gusto kita, lahat ng ikaw.

That was true, I hope I could also tell him that as Damian. Kahit anong ugali, pagkatao, o pagpapanggap niya sa iba.. iintindihin ko.

How To Trust A LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon