Chapter XC- The Chase

212 6 4
                                    

"Maybe forever is a word meant for memories and not people."

-unknown


_______________________
Silveria, Nevotta
Dawn

Hindi na kami nagtagal sa Nevotta at agad ding umalis pagsapit ng madaling araw.

"Wala ba kayong nakalimutan?" huling paalala ni Mikael.

Nagsi-iling kami. "Wala."

Tumalikod na siya. "Tara—"

"Teka!"

Sabay kaming napalingon kay Navis na may hinuhukay sa ilalim ng niyebe. Nagising siya kagabi pagkatapos naming kumain na parang walang nangyari. Agad naman siyang niyakap ni Sabrina no'n at naiiyak na humingi ng tawad sa kaniya.

"Hehe, tignan niyo!" tuwang-tuwa niyang sabi sabay angat nito.

Nanlaki ang mata ko. Isang sleigh!

"At sinong hayop naman ang hihila niyan?" sarkastikong tanong ni Mikael. "Ikaw?"

Nagtawanan kami.

Bumusangot siya sabay lingon kay Phiri na nakayakap ngayon sa binti ko. "Phiri, hindi ka ba makatawag ng mga cute animals para dito?"

"Hoy!" sita ko sa kaniya. Aba, bata pa 'to, abusado siya ah?

Nagulat nalang kami nang makarinig kami ng alulong bago nagsisulputan ang mapuputing lobo mula sa kagubatan.

Akmang aatake na sina Hirian nang magsalita si Phiri.

"Will they do?"

At ayun nga, sumakay kami sa sleigh.

"Wieee!" hiyaw ni Navis na parang bata. Dalawang malalaking sleigh ang nahanap nila kaya nagkasya kaming sampu.

"What's our next stop?" rinig kong tanong ni Sabrina sa tabi ko.

"Glacier Town up ahead," sagot ni Yuuri.

"Malayo pa ba ang Winterfrost?" tanong ko naman.

"May isang bundok pa tayong aakyatin. Sa tuktok nito ay ang Winterfrost na," sagot niya.

Napangiwi kami ni Sab. Bundok nanaman.

Maya-maya ay natahimik kami at kaniya-kaniyang nagsi-tulog. Malayo-layo pa ang biyahe.

It was late in the afternoon when we arrived in the quiet town of Glacier. Like in Nevotta, the houses made of cobblestones are all covered in snow and icicles. But unlike in the abandoned village, their chimneys are sprawling with smoke, a proof that people are living there.

Agad naman nilang pinakawalan ang mga lobo at pinaalis sa bayan para wala itong atakehing mga sibilyan.

"What now?"tanong ni Hirian.

"We'll climb up the North Mountain over there." May tinuro si Mikael mula sa malayo.

Pagtingin namin doon ay sabay kaming namutla. The mountain he's pointing was so tall that it reached the clouds and beyond.

A Villain's Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon