October
Zephanie Lynn
Inis kong binato kay Hayden ang paper ko na may score. "Ano ba naman eh! Maayos na sana pero minsan talaga may pagka monggoloid ka!"
Napakamot naman sa ulo si Hayden bago pulutin ang papel na binato ko sakaniya.
"Naisipan ko lang naman palitan yung answer. Kutob ko kasi na tama ang isa. . . Kaso mali pala hehe."
Napabuntong hininga na lamang ako.
"Sa susunod 'wag kang padalos dalos, Hayden,"
Inayos niya ang pagkakagusot ng papel bago sumagot. "Oo tatandaan ko, Pres."
"Good."
Bumalik ako sa pagsusulat ng kung ano-ano dahil tapos na rin naman na ang pasahan nang by partner na project na'min. Haizz, sometimes i wish Scarlett and I would be together in the same section para naman hindi nakakaboring. Puro meetings ang mga teacher ngayon at busy rin ang mga supreme students. Maraming free time today dahil tapos na ang exam at ilang araw nalang ay sem break na namin sa wakas. Yumuko ako sa aking upuan at akmang ipipikit ang mata nang may kumalabit sa akin.
"Pres may naghahanap sa'yo." Rinig kong sabi habang kinakalabit ako ng isa sa mga classmate ko.
Napaangat naman ako ng tingin sa pintuan nang makitang si Maki iyon.
One of the presidents ng ibang section.Inayos ko muna ang gamit ko bago tumayo patungo sa pintuan ng classroom.
"Anong meron, Maki?" Tanong ko.
"May symposium daw bawat presidents every grade level."
"Tungkol saan naman ang symposium na 'yan?"
He shrugged.
"What time ba?"
"Ngayon na daw."
"Zeph! Saan ka pupunta?" Narinig kong tanong ni Hayden sa likuran ko.
"May symposium. Presidents lang pwede, bawal ka dun." Babala ko sakaniya at napasimangot naman ang gunggong.
Magkasabay kaming naglalakad ni Maki patungo sa auditorium ng school nang may sumagi sa isipan ko.
Azrythior.
Hindi ko na siya napansin dahil sa pagiging busy nitong nakaraang mga araw. Posible ding makikita ko siya mamaya dahil president rin pala siya.
Hayyst! Hayaan ko na nga at isa pa hindi kami nagkikita sa personal kaya hindi naman siya importante sa'kin 'yon.
Pagkarating na'min ni Maki sa auditorium ay dumiretso na kami kung na saan ang mga ibang president ng batch na'min every section.
Nang maka-upo ay napansin kong bakante ang upuan ko sa left side ko. Narinig kong nagsalita ang isang teacher bago ibigay ang isang papel every grade level sa amin. May attendance paper kaming pipirmahan.
Habang pinipirmahan ang papel ay napansin kong blanko ang nasa itaas ng name ko. Mukhang late yata makakarating ang isang 'yon kaya pinagpatuloy kona ang pagpipirma at pagsagot sa other details.
Maya-maya ay may naramdaman akong umupo sa bakanteng chair sa left side ko at alam ko kung sino iyon.
Hindi ako lumingon o maski umimik man lang pero amoy na amoy ko ang mabango niyang perfume.
Hindi ko alam kung bakit parang nakikipag karera ang puso ko sa tibok nito. Hindi naman ako ganito noong nakaraan nakakaasar.
Abnormal na yata ako?
YOU ARE READING
I Got A Wrong Number
Romancezephanie & azrythior •discontinued an epistolary | June 2024