PROLOGUE

2.8K 51 13
                                    

prologue dedicated to:
JonalynYanStories

prologue dedicated to:JonalynYanStories

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ZACHIDA

Have you ever sensed a lingering void within you?


Kahit na napupunan naman iyon ng ibang tao ay pakiramdam mo may kulang sa pagkatao mo. Parang palaging may missing piece sa buhay ko at kailangan ko pang hanapin.


“Achi, gising na! Aba hindi ka prinsesa rito sa bahay porke’t nag-iisa kang anak!” bulyaw ng nanay ko mula sa labas ng pintuan ng kwarto.


Napahikab naman ako habang dahan-dahang minumulat ang mga mata ko. Halos mapaigtad ako sa gulat nang makita ang mukha ng ina ko na magkasalubong ang kilay at nakaismid na.


“Anong oras na at hindi ka pa rin nag-aasikaso! Dalian mo at magbebenta ka pa ng puto.”


“Nay, bakasyon na po. Gusto ko munang matulog nang mahaba,” reklamo ko kaagad.


Kaagad siyang humawak sa tainga ko kaya napanguso ako lalo. “Opo, ito na kikilos na po,” sabi ko.


“Susunod din naman pala, eh,” kalmado niyang saad at bumaba ng kama.


Humakbang na rin siya papunta sa pintuan bago tuluyang lumabas. Dali-dali naman akong bumangon dahil kapag hindi ay bubungangaan na naman niyan ako malamang. Ayoko kasing masiyado siyang nagagalit sa akin.


She’s been suffering since we were here according to her siblings. Kaya hangga’t maaari ay magpapakabait ako. Isa pa, magpapaalam kasi ako dahil sa Maynila ako mag-aaral ng kolehiyo. I will gain her trust until the start of our class.


I took my entrance exam secretly. Sakto rin kasi no’n dahil pumunta si ina no’n sa isa pa niyang kapatid sa Tineg. Nagkasakit kasi si tiyo at walang mag-aalaga sa kaniya. So my mother insisted. Ilang araw rin siya roon and I manage to go home safely. Kasama ang isa kong pinsan at kaibigan.


Ang nakaaalam lang na nag-take kami ay si tiya, ina no’ng nakasama ko. Mabuti nga at pumayag siya dahil delikado rin talagang bumiyahe na kami-kami lang. Although, nasa legal age naman na kami pero siyempre as their belief na bata pa rin ang nineteen.

Zachida | √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon