raining in manila

6 0 0
                                    

It was a gloomy day in mid-August. Rain fell as the mournful news echoed through the halls. The somber toll of church bells rang out in mourning, soon did the school bells 



Diego didn't attend half his classes. He couldn't bring himself to focus... sheer, crushing guilt took over.



He went to the spot and saw the bloodstains where the body was found. He was no stranger to blood; he had done dissections multiple times. It wasn't the sight of blood that unnerved him but the feeling that he was the very reason for it.



---



Sa gabinete ni Domingo Moriones y Murillo, ang bagong hinirang na gobernador-heneral ng Maynila noong 1877... siya'y kakaupo pa lamang sa pwesto ngunit mayroon nang nakaabang na suliranin na kailangan agad maayos. Marahil kaba ang nakapalibot kay Sebastian noong siya'y ipinatawag nito upang pag-usapan ang mga nalalamang mga aktibidad ng mga estudyante. Tumitindi na ang mga pag-aalsa at pagkakaroon ng malawakang aktibismo sa syudad na nais niyang mapuksa.



"Umupo ka." Nanginig ang balahibo ni Sebastian sa gitna ng malamlam na ilaw ng silid, ang anino ng heneral ay tila dambuhalang halimaw na nakapaligid sa kanya.



"Ang padre... wala akong pagkabalisa sa anumang sinapit niya," sambit ng heneral habang tinatasa ang tabako. "Pero ang hindi mawatas sa aking isipan... kung bakit naroon ang isang batyaw sa eksena." Tumingin ito kay Sebastian na para bang tinatagos ang kanyang kaluluwa.



"Sabihin mo, ikaw ba ay nakikipagsabwat sa mga aktibista na kumakalaban sa amin?"



"HENERAL! HINDI KO PO MAGAGAWA YON!" Ang boses ni Sebastian ay puno ng panginginig at takot.



"At dapat lang, carino, sa estado ninyo, mawari hindi kayo tatanggapin ng sarili niyong dugo pag-ibunyag namin ang pagkasangkot ninyo sa mga pagtatahimik ng mga nauna." Ang banta sa tinig ng heneral ay parang matalim na kutsilyong nakatarak sa dibdib ni Sebastian.Sa pagbabala ng heneral, naipit si Sebastian... marahil totoo na manipis na lamang ang sinulid na kinakagalawan niya.



"Alamin mo ang kinalalagyan ng babaeng iyon at ipaalam mo sa amin bago lumaki ang ulo ng mga indio."



Sebastian didn't know what to do... he barely recollected the girl's face, he was no policeman. Why me? Bakit parang ako ang pinaghihinalaan ninyo na may sala?



"Isa pa, carino... mayroon kaming nakalap na intel... may mata sa loob ng kabinete, isa ding babaeng indio... hanapin mo at patunayan mo ang katapatan mo sa España."



"Ang babaeng naka-bandana?!" napaisip ito.

          



"Umalis ka na at gawin ang inuutos ko."



---


To whom do your loyalties really lie? No one can serve two masters. Either you will hate the one and love the other, or you will be devoted to the one and despise the other.



---


Habang pauwi si Sebastian, nakita niya ang kanyang kaibigan sa tapat ng simbahan. Malumbay at nakatitig pa rin sa pinto ng kapilya. Nang siya'y lumapit, he heard his friend mumbling to himself,


"im sorry ..." paulit-ulit niya itong sinasabi.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


 Ang ulan ay patuloy na bumubuhos, ang malamig na patak nito'y humahalo sa mga luha na umaagos sa kanyang mukha. Marahan niyang hinawakan ang kanyang kaibigan sa balikat nito, puno ng pag-aalala at pagiingat ang kanyang paghawak. 


"Diego?!" habang bahagya itong niyuyugyog. "Diego, anong nangyari sa'yo?!"


Dagli niyang hinubad ang kanyang sariling amerikana[coat] at ipinantakip kay Diego, upang siya'y maprotektahan mula sa walang humpay na ulan. Pinayungan niya ito, inilapit sa ilalim ng kanyang saklaw, Ang init ng kanilang lapit ay kabaligtaran ng malamig na ulan,sa ingay ng ulan tila'y naharangan na ang lahat ng tunog sa paligid parang sila lamang ang naroroon sa gitna ng bagyo. Ang mga mata ni Diego, puno ng pighati, ay tumingin sa mga mata ni Sebastian. Mukhang matagal na siyang nakababad sa ulan, naaawa na sya ...nasasaktan sa pagkakita ng kaibigan sa ganitong kalagayan.



"Diego, naririto ako. Pakiusap, sabihin mo sa akin," mahina niyang bulong, ang kanyang tinig ay nanginginig sa pag-aalala .



Ang ulan ay bumuhos nang mas malakas sa kanilang paligid, ngunit sa ilalim ng payong ng kanyang pag-aaruga, pansamantala silang napoprotektahan mula sa kalupitan ng mundo.

...

"Ang babae... nagnakaw lamang siya ng gamot para sa kanyang amang may sakit..." Ang boses ni Diego ay mahina at puno ng hinagpis, ang bawat salita'y tila isang latay sa kanyang kaluluwa.


"Nang hindi siya nakauwi kagabi... natagpuan siyang patay sa kanto ng Tolentino." Tumingala si Diego kay Sebastian, nanginginig at luhaang mga mata. Ang bigat ng kanyang sinasabi ay bumabalot sa kanila, tila ba ang ulan ay isang alingawngaw ng kanilang kalungkutan.

illustradoWhere stories live. Discover now