PART 1

3 1 0
                                    

I grew up living in mansion, surrounded by rich people and luxury life because I am a maid's daughter at nakatira ako sa bahay ng mga Guevarra kung saan namamasukan si nanay.
I am very close with Guevarra's younger son; Hermes. We're best of friends but secretly.
“Vina, gusto mo sumama sa 'min?” I shook my head to Hermes' question. Gusto ko man um-oo kaso umiiiwas na lamang ako sa mga posibleng mangyari na maaaring ikapahamak ko.
“Marami pa kaming gagawin ni nanay, next time na lang siguro Mes.” With a disappointment, he nodded.
Umalis na rin naman sila pagkatapos at naiwan akong nakatitig sa sasakyan nilang papalayo. Kaagad akong pumasok sa kusina kung saan naabutan kong nagluluto si nanay.
“Nay,” she looked at me with a stoic expression.
“Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yong itigil mo 'yan Vina?” I looked away. I know what she's talking about pero ayaw ko lang pakinggan ang sinasabi nya. Hindi ko kayang iwasan si Hermes dahil alam kong mahal ko siya, higit pa sa pagkakaibigan.
“Sinasabi ko sayo Vina, kapag ikaw nasaktan.” Ngumiti na lang ako at pumasok sa kwarto para ipagpatuloy ang asignatura ko.
Lumipas ang ilang taon, nasa ikalawang taon ko na sa kolehiyo at si Hermes naman ay nagsisimula na sa profession na pinili nya. He took care of their company and he's doing great. I'm so proud of him, habang sya nasa tuktok ako nama'y nananatili pa 'ring nasa ilalim at isang simpleng babae na nangangarap maipagmalaki ng lalaking mahal ko.
“Mes, can we talk?” isang araw nang makita ko siyang nakaupo sa harap ng hardin. Maraming nakatambak na mga papeles sa harapan nya.
“Anong pag-uusapan natin Vina? Look, i'm busy.” I bit my lower lip to suppress my pain.
“Mes, I need you.” His forehead knotted.
“What do you mean?”
“Mes, I uhm I f-”
“Hermes! You're here! I'm looking for you sa company.” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil dumating si Tatiana. Nakanguso 'to at animo'y nagtatampo. Kaagad akong napaatras nang dumaan 'to sa harapan ko. She rolled her eyes at me bago umupo sa harap ng upuan ni Hermes na ngayo'y bakas ang paghanga sa mga mata habang nakatingin sa dalaga.
“Tati, I'm sorry I just need some air that's why I chose to work here.” Tatiana smiled and looked at me.
“Vina right? You're a maid's daughter here so basically you're also a maid. Get me some water, I'm thirsty.” I don't know what came in my mind pero tila napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa nakita ko.
Tatiana has a diamond ring to her ring finger. Halos mapatalon ako nang marinig ko ang matinis nitong sigaw.
“Hey! Get me some water can't you see that i'm thirsty?!” Ilang ulit akong humingi ng paumanhin sa kanya bago pumasok ng bahay.
Hindi na nagbago ang pakikitungo sa akin ni Tatiana at dumalas ang pagpunta nito sa mansion ng mga Guevarra. Hindi ko alam kung anong meron sa kanila ni Hermes pero ramdam kong hindi ko gusto ang naiisip ko. Huminga muna ako ng malalim at nilapitan ang boyfriend kong tila nagbago na sa pagdaan ng panahon.
“Mes...can we talk?”
“You know that i'm busy Vina.”
“Can you at least give me some time Hermes?” I know i sounds like demanding but hell I can't help it anymore.
“What?”
“What's with you and Tatiana?” He looked away.
“Why'd you asked Vina?” I smiled bitterly.
“I just want to know. Hermes, I can't feel your love anymore.” Again, he looked away.
“V, I'm sorry. I just need to do this for the company and to our family's reputation.” Nilapitan nya ako at hinawakan ang balikat ko.
“Tati and me are engaged.” Tila napaso ako sa kaniyang isinawalat at biglang napaatras.
“W-what? Are you kidding me? Hermes we're in a relationship!” Hindi ko na napigilan pang sumigaw at magalit. He fooled me! He cheated on me! Nanlalabo na ang aking paningin dahil sa nagbabadyang pagtulo ng aking mga luha. The pain is killing me.
“I love you V! Pero wala akong choice kundi ang sumunod sa lolo ko. Pinagkatiwala nya na sa 'kin ang kompanya at nararapat lamang na pangalagaan ko 'to. I'm sorry. Let's break up.” I laughed bitterly at kasabay nito ang pagtulo ng mga luha ko.
“H-hermes don't. Please don't break up with me.” I kneeled down and hugged his knee. I can't lose him. I just can't. Habang pilit akong kumakapit at nagmamakaawa s'ya namang pagmamakaawa n'ya sa 'king palayain ko na s'ya. Pero hindi ko kaya.
“Can't you see Vina?! Hindi tayo bagay! I have a good reputation to keep and being a maid's boyfriend is such a shame!” Tuluyan na akong nanghina at napabitiw sa kanya. Hindi ko alam na all this time, kinakahiya n'ya ako. Hindi ko alam na all this time, mas iniisip n'ya ang sasabihin ng iba.
“Please let me go.” The pleading of his voice made me nodded my head. Directly looking at his eyes, I saw a tears fell. I hugged him and whispered.
“Please be happy.” Pumasok na ako ng kabahayan nang walang lingon-likod.
Sobrang sakit makita na kinakasal sa ibang tao ang taong mahal mo. Sobrang sakit makitang sa iba nya na tinutupad ang mga plano at pangakong binuo nyo. Sa bawat hakbang ng mga paa ni Tatiana ay s'ya ring pagkawasak ng puso ko. Malapit na. Konting minuto na lang, hinding-hindi na kami pwede ni Hermes.
Habang nakatayo sa pinakadulo ng upuan sa simbahan namalisbis ang mga luha sa aking mukha. Si nanay naman ay umismid sa akin at mas pinagtuunan ng pansin ang seremonya ng kasal.
Hindi ko na kinaya pa ang eksena ng hinalikan ni Hermes si Tati. Napatakbo na ako papalayo kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ay ang pagkadurog ng puso ko. Wala na. Kasal na ang lalaking mahal ko. Habang ako'y naiwan at buntis sa anak naming dalawa. Paano ko haharapin ang buhay ng mag-isa?
“Nanay, may lalaki po sa labas hinahanap kayo.” I looked at my handsome son, Hades.
“Hmm sino daw anak?” Hades smiled and said.
“Hermes Guevarra.”

The World Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon