Chapter 32

601 9 2
                                    

Chapter 32







Sandra







KASALUKUYAN kaming nasa bahay ng kaibigan kong si grace. Dahil request ni shiloh and napag usapan namin ni tj, na sasabihin na rin namin ang tungkol sa pagbubuntis ko.





Si shiloh wala parin idea na magkakaroon na sya ng kapatid. Parang never ko pa ata na open up sa kanya ang pagkakaroon ng kapatid. Hindi naman namin plinano, medyo tanga ako sa part na hinayaan kong may mangyare sa amin ni tj. Pero andito na to. Kaya tatanggapin ko kagaya ng pagtanggap ko kay shiloh noon.






"Ano bang meron? Bakit andito tayong lahat?" Tanong ni vernon. Kararating lang reklamo na agad ang bungad.




"Hoy! Request ni shiloh toh! Kaya wala kang karapatang mag reklamo!" Sabi naman ni grace.




Wala pa si path and for sure kasama nya si gab. Angtagal na rin since hindi ko na sila nakakasama. Napansin ko rin na nagkaroon na kami ng kanya kanyang buhay. Lalo na si grace na palaging kami nalang lagi ni shiloh ang inaasikaso. Sa ngayon masaya ako dahil mukhang binibigyang oras na ni grace ang sarili nya.





"Babe! Overnight kayo here?" Tanong ni grace habang kumakain ng mansanas.




"Pwede? Ang hassle kasi pag balikan."




"Oo naman! Kahit dito na kayo tumira! Hindi ko kayo pipigilan."



Napangiti ako sa sinabi ni grace kahit si vernon ay napatawa rin.




"Hoy! Gracia! Kain ka ng kain! Naka dalawa kanang mansanas oh! Buntis ka ba?"





Biglang tanong ni vernon. Halos sabay naman kami ni grace na nasamid. Si grace ay dahil sa kinakain nito, at ako naman nasamid sa sariling laway.




"Oh? Ba't pareho kayong nagkasakit ngayon?? Sabay pa talaga kayong inubo."




"What the hell! Vernon! I'm pregnant!! Ok! The hell are you thinking?!"


"Excuse muna akyat muna ako sa taas. Ayusin ko muna gamit namin." Pagpapalusot ko.




Pagkapasok ko sa kwarto ay naabutan ko si tj na nakatutok sa laptop nito. Work siguro. Naagaw ko ang atensyon nya dahil sa pagpasok ko. Isinarado nya ang laptop at agad na lumapit sakin.




"You need something? Are you sleepy?" Magkasunod na tanong sa'ken ni tj.




"No. I'm fine just continue your work. Dito lang muna ako."




"Uhhmm.. hon! Can i ask something? Ahh... About sa baby?"




"What is it?"


"Nagpa check-up kana?"




"Yeah! Noong araw na nag try ako mag pregnancy test at nakita kong may two lines. Nagpunta agad ako sa OB ko."




"How about the gender?"



"Wala pa! Three months palang ako tj!" Excited? Actually pwede na pero nakapag desisyon na ako na sa six months nalang aalamin ang gender ni baby. "Sa six months natin malalaman."




"How about shiloh? Kailan natin sasabihin? I mean... I remember noong nagtanong ako sa kanya kung, okay lang sa kanya magkaroon ng kapatid."



Can We Go Back? [ "SINFUL" Series #1 ] UN-EDITED Where stories live. Discover now