CHAPTER X
SA MARANGYANG bulwagan ay isang itim na uwak ang lumapag sa makintab na marmol sa sahig. Sa isang iglap ay naging isang makisig at magandang lalaki ang itim na ibon. Bagama't puti ang suot nitong polo at pants, maging ang belt at sapatos, ay kulay itim naman ang makintab na long coat nito na abot hanggang sahig. Nakaluhod habang nakayuko ang lalaki, paharap sa gawi ng isang sagradong larawan. Kagagaling lamang nito sa misyon na ibinigay rito.
Isang babae ang nasa harapan ng sagradong larawan at matamang nakamasid roon. Nakasuot ito ng mahaba at malambot na kulay itim na bestida. Sa magkabilang gilid at sa gitna sa likuran mula sa baywang pababa ay kulay pula. Hapit ito sa makurbang katawan ng babae kaya nagmistula iyong lastest fashion design ng mamahalin na fashion brand.
"Pagbati sa iyo, Pinuno," magalang na bati ng lalaki.
"Kumusta siya?" Malamig na tanong ng babaeng nasa harapan ng larawan. Libong taon na ang babae, ngunit bata ang hitsura nito. Mapagkakamalan itong nasa edad tatlumpo lamang.
Nanatiling nakaharap ang babae sa malaking mural. Ang painting ay binubuo ng full moon, sa likod ng full moon ay isang malaking espada na nag-letrang S na kulay ginto na may smoky background. Ito ang simbolo ng lahi nila. Sa laki ng mural ay ukupado na nito ang malawak at mataas na pader ng bulwagan na kinaroroonan nila.
"Nag-aalala ako na baka nahihirapan siya." Maya-maya ay malamig ang tinig na mahinang panaas ng babae, sapat lamang para umabot sa sarili nitong taynga, tanda ng tunay na pagpapahalaga sa tinutukoy.
"Maayos po ang kalagayan niya, Pinuno." Puno ng paggalang na sagot ni Damon sa kanilang leader.
"Ilang buwan na ang nakararaan, pero wala pa ring balita sa kanyang misyon," patuloy ng Styxcian leader habang nakamasid pa rin sa mural na simbolo ng kanilang lahi, partikular sa espada at sa bilog na buwan.
"Ang ilang buwan sa ating mundo ay katumbas lamang ng ilang araw sa mundo ng mga tao." Paliwanag muli ng binata. "Sa ngayon ay ilang araw pa lamang niya sa mundong iyon. Ang guardian ay nagsisimula pa lamang sa pagsasakatuparan ng kanyang misyon sa ngayon."
Humarap ang babae sa nakayuko pa ring binata. Bagama't malamig ang mata, hindi maipagkakaila na napakaganda nito. Lumapat ang tingin nito sa binatang nakaluhod habang nasa sahig ang tingin. "Sa susunod na kabilugan ng buwan, kung wala pa ring balita mula sa mundo ng mga tao, magbalik ka sa akin at may misyon ulit akong ibibigay sa iyo." Pagkasabi niyon ay tumalikod na ang babae. Kasunod niyon ay ang pagkuyom nito sa palad at pag-ipon ng enerhiya upang maglaho.
"Masusunod, Pinuno,"
Bago pa tuluyang mawala ng Styxcian leader ay umabot pa sa pandinig nito ang sagot ng binata.
Nang sa wakas ay wala na ang kanilang leader ay tumayo na rin si Damon. Pero hindi pa siya nakakahakbang palayo sa kinatatayuan, mayroon nang tinig ng lalaki ang nagsalita sa kanyang likuran.
"Ginoong Damon,"
Hinarap ng binata ang nagsalita. Isa ito sa mga katiwala ng kanyang ama na si Lucio. Si Lucio ay isa sa mga Styxcian Elders. Hawak nito ang pangalawang pinakamataas na kapangyarihan, kumbaga sa mundo ng mga tao, ito ang vice president ng bansa.
Walang ngiti siyang nagtaas ng noo. "Ano ang kailangan mo?" Malamig niyang tugon sa kaharap.
Nagyuko ng ulo ang lalaki. "Nais kang makausap ni Amo, Ginoo," magalang nitong wika.
Napaisip si Damon. Ano ang nais pag-usapan nila ng kanyang ama? "Magtutungo na ako sa kanya," sabi niyang nagpatiuna na sa paglalakad palabas ng maranyang bulwagan.
BINABASA MO ANG
The Guardian
FantasyShe is a loyal subject and would do everything to save her demon world...but would she succeed when she is finding herself slowly falling in love deeply with human race instead?