"Mum?"
Chase entered the house while holding Cyrene's hand. They walked past the old woman who is still kneeling on the floor.
"I'm sorry if we followed you Mummy but Colet is crying. She's looking for you."
Pagtingin ko sa ginang, kita ko ang kalituhan sa mga mata niya habang palipat lipat ang tingin sa mga bata. Kita ko ang sakit at pagsisisi at walang ampat ang pagtulo ng mga luha niya. Pagkatapos nagtatanong ang mga mata niyang tumingin sa akin. "Sky?"
Sumulyap ang mga bata sa kanya pagkatapos binalik nito ang tingin sa akin. Si Chase, masungit ang anyo at magkasalubong ang mga kilay.
"Are you okay Mummy?" May halong pag-aalala ang boses ni Chase pero si Cyrene ay hindi inaalis ang tingin sa ginang na ngayon ay lumalakas na ang mga hikbi.
Mabilis kong pinunasan ang luha sa aking pisngi pero nag-uunahan pa rin ito. Tumango ako, pinantay ko ang katawan sa kanila at pinatingin sila sa akin.
Lalong kumunot ang noo ni Chase. Binalingan niya ng tingin ang ginang na ngayon ay lalong lumakas ang mga hikbi.
"I'm sorry,Sky. Oh God, what have I done? I'm really sorry."
"Why are you crying Ma'am?" Hindi na napigilan ng bata na magtanong. "Is there any problem? Why are you saying sorry to our Mum?"
Hindi sumagot ang ginang sa kanya kaya binalik ni Chase ang tingin niya sa akin.
"Mummy what's wrong? Why is she crying? Why are you crying. Are you okay Mum?"
Chase is very observant. He's a quiet kid but smart. Sa tono ng tanong niya at sa paraang ng tingin niya sa ginang parang may ideya na ito kung sino ang ginang sa harapan nila.
"I'm okay babies." Sagot ko sabay yakap sa kanilang dalawa palapit sa akin. "Nanay Val is outside. We'll just see hi to Nanay and we'll leave, okay?"
Hindi ito sumagot sa akin at muling binaling ang mga mata sa ginang. Marahan kong hinawakan ang mukha niya at pinaharap siya sa akin. "Chase, listen to Mommy, we need to leave now." Bagama't nakakunot ang noo niya ay dahan-dahan itong tumango sa akin.
Hinawakan ko ang mga kamay nila at lalabas na sana kami pero marahang tinanggal ni Cyrene ang kamay kong hawak ang kamay niya bago ito dahan-dahang lumapit sa ginang.
Walang sabi-sabi, maingat niyang pinunasan ang mukha nito pagkatapos ay walang pagdadalawang isip na yumakap sa matanda. Nakita ko pa ang marahang pagtapik niya sa likod nito na tila ba pinapatahan niya ito. Yumakapa pabalik ang ginang sa kanya at lalong humagulhol. "Apo ko, I'm sorry. I'm very sorry."
Walang salitang lumabas kay Cyrene pero nanatiling itong yakap ang ginang.
"Colet, come here." Tawag ni Chase sa kanya. Sinubukan pa nitong hilahin ang si Cyrene pero tinapunan lang siya ng tingin nito.
Hindi ko na napigilan ang mga luha kong muling mag-unahan sa aking pisngi. Ayaw bumitaw ni Cyrene sa pagkakayakap sa senyora. At ang ginang naman ay mahigpit ang pagkakayakap sa kanya. Humahagulhol ito at yumuyugyog ang katawan habang yakap ang anak ko.
"Cy, princess, let's go." Tawag ko sa anak ko sa mababang boses. Tumingin ito sa akin at sa pagkakataong ito luhaan na ang mga mata niya.
Naninikip ang dibdib ko habang nakatingin sa anak kong umiiyak na. Minsan lang ito nangyayari dahil madalas tahimik lang si Cyrene. Si Cy ang batang mailap ito sa mga tao. Hindi ito basta lumalapit kahit na kilala niya pa. Hindi rin ito basta nakikipag-usap at nakikipagkaibigan.
Sa kanilang dalawa ni Chase ito ang hindi palasalita. Magaling itong magtago ng nararamdaman niya na kaya hanggang ngayon sa edad niyang apat hindi ito gaanong nagsasalita.
BINABASA MO ANG
Sandoval Series #6 : Rhythm of the Troubled Sky (Hunter Cole Sandoval)
RomanceWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY Cold and reserve, that's what people used to describe the billionaire grandson of Wintle Empire, Hunter Cole Wintle Sandoval. He got everything, the looks, the money and the fame...