ZEYRIELLA
"Ang dami mo atang bitbit pauwi? Maglate night work ka pa?." tanong ni Pablo sakin.
"Hindi naman ako agad nakakatulog so tapusin ko nalang to." sagot ko habang inaayos na ang mga gamit na bibitbitin ko.
"Nag usap naba kayo ni Jah about sa makakasama mo para may kahalili ka lalo na kapag busy sya?."
"Okay pa naman Pau, kaya ko pa naman no need sa kasama." sagot ko sabay ngiti sakanya.
"Need mo na, kita mo nga workload mo. Pinupugpog mo lang sarili mo para di mag isip ng iba pang bagay eh."
Tumingin akong muli sakanya dahil medyo naging seryoso na ang boses nya with concern.
"I know na hindi pa kayo o --- ."
"Pau uwi na kami nila Jah, uwi ka na rin ba?." putol ng kapapasok lang dito sa office na si Stell kasunod si Jah. Napabaling pa ako ng makitang kasama pa rin pala si Mirielle na dumating muli kanina dahil kasama nila sya magpeperform sa isang event at nagrehearse dito.
"Ah oo uuwi na rin ako." sagot ni Pablo
"Zeyri sasabay kana kay Jah? Uuwi ka na rin di ba?." shookt pa ko sa dugtong na sabi ni Pablo.
Umiwas ako ng tingin at kinuha na ang mga dadalhin ko bago ako sumagot.
"Nagbook na ko ng grab. Baka nasa labas na hintayin ko nalang." sagot ko at nagsimula ng naglakad papunta sa gawi nila dahil dun ang pintuan.
"Bye Ella!" masayang paalam sakin ni Mirelle ng makadaan ako sa harap nila. Ngumiti lang naman ako sakanya bahagya at deretso ng lumabas.
"You can have dinner muna sa condo ko Jah paghatid sakin." rinig ko pa bago sumara ng tuluyan ang pinto.
Pagdating ko sa lobby ay nandun naman na agad ang binook ko kaya naging smooth naman na ang pag uwi ko.
Tulad nga ng nasa isip ko, hindi nga talaga ako agad nakatulog kaya pagkatapos ko lang kumain saglit ay tuloy tuloy na ulit akong nagtrabaho dito sa desk ko sa condo.
Nagulat pa ako ng biglang tumunog ang phone ko hudyat na may tumatawag.
Para akong itinulos ng makita sa caller ID na si Justin iyon.
[PHONE CALL..
"Ella." bungad nito.
Para akong kinilabutan ng marinig ang boses nito.
"Nag send ako ng mga drafts para sa MV ni Mirielle thru email." sabi nito.
Napahinga na muna ako ng malalim bago sumagot.
"Sige icheck ko nalang."
Katahimikan.
"Ell -- ."
END CALL.]
Bago pa nya ituloy ang sasabihin nya ay inend ko na ang call. Kung ano lang ang kailangan pag usapan yun lang. Trabaho lang.
Ginugol ko nanaman ang sarili ko sa trabaho. Chineck ko ang mga sinend ni Justin sakin at nag input nalang ako ng mga ideas ko. I need to work professionally. Hindi ko dapat isama ang nararamdaman ko sa trabaho na to. Nandito na eh.
Napalingon nalang ako sa wall clock ko at nakitang 3am na kaya dumukmo muna ako dahil nakaramdam ako bigla ng sakit ng ulo.
"Let's give a round of applause to our King and Queen of the Night of Love! Justin de Dios and Mirielle Salvador!." sigaw ng host ng event.