ONESHOT

264 6 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, and events are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or actual events is purely coincidental.
____________________________________________

"Adi." napalingon ako nang marinig ko si Mads.

Nagulat ako sa biglang pagyakap niya.

"Namiss kita." aniya.

"Magkasama pa lang tayo kagabi." natatawang sabi ko.

Kumalas siya sa yakap. "Pero namiss na kita agad eh." sabay nguso niya.

"Namiss din naman kita." napakaswerte ko dahil nakita ko ang sweet side ni Mads na hindi niya ginagawa sa iba.

Nandito kami ngayon sa Enchanted Kingdom at gaya ng pangako ni Mads sa akin ay sasakay kami sa Wheel of Fate.

Pagkasakay namin ay binati niya agad ako. "Merry Christmas, my Adi." nakangiting bati ni Mads at may iniabot na gift.

"Merry Christmas, my Mads." sabay abot ko rin sa gift ko para sa kanya.

Sabay namin binuksan at natuwa ako sa bigay niya. Isang frame na nakalagay ang larawan namin ni Bruno, ang aso ko. "Wow, maraming salamat, Mads." hinawakan ko ang kamay niya. "Thank you rin dito, Adi. Sobrang ganda." isang crochet cardigan. ako mismo gumawa at nilagay ko rin ang name niya 'don.

Habang pinagmamasdan namin ang view ay biglang nagsalita si Mads. "Adi."

"Uhm?" habang nakangiti pa rin ako dahil sa ganda ng view sa itaas.

"May gusto sana akong sabihin sayo."

"Ano 'yon?" habang nasa labi ko pa ang ngiti. Nagpakawala muna siya ng hangin. "May gusto akong aminin sayo." nawala ang ngiti sa labi ko at nakaramdam ng kaba.

"Ano 'yan? May nagugustuhan ka na? May nililigawan? May girlfriend? o baka naman boyfriend?" dinala ko na lang sa biro dahil ayaw kong isipin na tama ang hinala ko.

Umiling siya. "Adi." nakikita ko sa mga mata niya yung takot. "Sinubukan kong pigilan, kasi natatakot ako." panimula niya. "Hindi ko alam kung kailan nagsimula, basta kusa ko na lang naramdaman hanggang sa lumalalim na pala." gusto ko siyang pigilan pero hindi ko magawa. "Sobra kong pinapahalagaan itong friendship natin, pero hindi ko na kaya. I'm sorry, Adi." doon na bumagsak ang kanina pang pinipigilan niyang luha.

"Mads, anong ibig mong sabihin?" gusto kong magpanggap na hindi ko alam.

"Gusto kita, Adi." hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Alam kong nabigla kita, at alam kong kaibigan lang ang tingin mo sa akin." kung alam mo lang, Mads.

Matagal na rin kitang gusto.

"I'm sorry, Mads." 'yun lang ang nasabi ko at sakto rin na nasa ibaba na kami. Nauna na akong bumaba at umuwi dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

Pagkauwi ko ay 'ron ko ibinuhos ang luhang kanina pa gustong kumawala.

"I'm really sorry, Mads."

Ilang araw ang lumipas na iniiwasan ko si Mads.

"Anong nangyari? Bakit iniiwasan mo si Mads?" biglang tanong ni Mandy sa akin.

Naiiyak ako. "Oh? Bakit?" alala niya. "Natatakot ako, Mandy." sambit ko. "Huh? Saan?"

"Natatakot ako na mawala sa akin si Mads."

"Anong ibig mong sabihin? Umamin ka na kay Mads?" umiling ako. "Hindi ako." nagulat siya. "Teka, ano? Hindi ikaw?" tumango ako. "OMG! Kung ganon, pareho kayong may nararamdaman para sa isa't isa?" tumango ulit ako.

You'll also like

          

"Eh bakit iniiwasan mo? Di'ba dapat matuwa ka pa dahil gusto ka rin niya?"

Umiling ako. "Hindi ko kayang higitan pa yung pagkakaibigan naming dalawa."

"Adison, huwag mong sabihin dahil na naman kay George?" napayuko ako.

Si George ang first love ko pero siya rin ang first heart break ko. Pagkatapos ako iwan ni George dahil sa lalaki ay natakot na akong magcommit ulit. Ayaw ko na maranasan na iwan ulit dahil lang gusto nila magkaroon ng isang pamilya.

"Hindi naman siya si George. Magkaibang magkaiba sila, Adi."

"Ganyan din nung una si George, pero ano? Iniwan niya pa rin ako."

"Adi."

"Mahalaga sa akin si Mads, Mandy. Ayaw kong pati siya ay mawala sa akin. Kaya kung maaari ay mas mabuting hanggang kaibigan na lang kami."

"Adison, makinig ka sa akin, okay? Matagal na kayo magkaibigan ni Mads, hindi mo pa rin ba siya kilala? Sige nga, kapag 'yan nagkagirlfriend, satingin mo ba ganon pa rin ang it-trato sayo ni Mads?"

Napaisip ako sa sinabi ni Mandy.

"Magseselos ang girlfriend kapag nagkataon, kaya may posibilidad na magbago ang trato sayo ni Mads." dagdag niya pa.

Hindi ko alam.

Habang nakatitig ako kay Mads ay ang daming pumapasok na what ifs sa isip ko.

Paano kung tama si Mandy?
Paano kung magbago ang trato niya sa akin kapag may iba na siyang nagustuhan?
Paano kung tuluyang may magbago sa friendship namin?
Paano naman kung mangyari ulit yung nakaraan?
Pero paano kung hindi nga siya gaya ni George?

Gulong gulo na ang isip ko.

Naisipan kong huwag na siyang iwasan pero parang siya naman itong unti unting lumalayo.

"Mads." nandito ako ngayon sa harap ng bahay nila.

"Anong ginagawa mo rito?" hindi ko nakikita ang tuwa sa mga mata niya.

"Namiss kita." naiiyak kong sabi.

Nandito kami ngayon sa tambayan namin.

"I'm really sorry, Mads, kung iniwasan kita. Please, huwag ka na lumayo sa akin." dahil hindi ko kaya na mawala ka sa akin.

"Naiintindihan naman kita, Adi, pero sana ngayon, ako naman ang intindihin mo."

Nagiging emosyonal na ako. "Mads."

"Ayaw kong masira yung pagkakaibigan natin dahil lang sa nararamdaman ko." umiiyak na rin siya. "Hayaan mo muna ako na palipasin ko itong nararamdaman ko para sayo."

Umuwi ako na iyak nang iyak.

Ito na ba 'yon? Huwag naman sana.

Nirespeto ko ang desisyon ni Mads. Lumayo siya at hindi ko na muli siyang nakita.

"Kumusta ka?" tanong ni Mandy.

"Grabe no, isang taon na rin pala ang lumipas." habang sa kalangitan ako nakatingin.

"Adi." lumingon ako sa kanya. "Okay lang ako, Mandy." sabay ngiti ko.

Pero ang totoo ay nasasaktan pa rin ako sa paglayo ni Mads. Kumusta na kaya siya? Nasaan na kaya siya ngayon? Nakamove on na kaya siya? Ayaw kong maging selfish pero sana hindi pa.

"Adi, pupunta ka ba sa reunion?" si Mandy.

"Ewan." habang sa  laptop ang tingin ko.

"Ang balita ko ay pupunta raw si Mads." napalingon ako sa kanya. "Talaga?" tumango siya. "Ready ka na ba?" ngumiti ako. "Handang handa na ako."

What if?Where stories live. Discover now