Chapter 6

50 2 0
                                    

Isang linggo na simula ng bumisita ang mga kaibigan ni Salem. Nangilabot pa ako ng singhalan nya ako dahil sa damit ko. Wala naman masama sa sinuot ko, oa lang talaga sya.

Hindi nya ako pinapansin dahil doon. Mula ng singhalan nya ako dahil sa damit ko ay hindi nya na ako pinansin hanggang ngayon. Hindi ko rin sya pinapansin. Bahala sya sa buhay nya!

Pero aminin ko man o hindi, namimiss ko rin sya. Waaa! Ano bang nangyayari sakin? Dapat hindi ko 'to nararamdaman, eh!

Nagulat ako ng biglang pabagsak na bumukas ang pinto. Hindi ko na kailangan pang alamin kung sino dahil sa pagbukas pa lang ng pinto alam ko na.

Hindi nya ako pinansin o tiningnan man lang ng dumeretso sya sa banyo. Napabuntong-hininga na lang ako at napanguso. Miss ko na sya at nahihiya akong aminin 'yon sakanya.

Bakit ko ba sya namimimiss? Kainis naman!

What if suyuin ko kaya sya? Waaaaa! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Pero sige, try ko syang suyuin. Bahala na.

Lumabas sya ng banyo kaya napatingin ako sakanya. Nakasuot sya ng pajama at puting t-shirt. Hindi nya parin ako pinapansin at nagpunas lang sya ng buhok nya. Naaamoy ko pa ang shampoo nya na sobrang bango.

Ngayon ko lang gagawin 'to, promise. Ngayon ko lang gagawin na manuyo. Huhu. Pakiramdam ko kasi kailangan kong gawin 'yon.

"Salem.." tawag ko sakanya.

Hindi nya ako pinansin. Naglakad ako palapit sakanya at hinawakan ang dulo ng damit nya. Hindi nya parin ako tinitingan kaya sinundot ko ang pisngi nya.

"Pansinin mo na ako."

Hinila ko ang dulo ng damit nya pero hindi nya parin ako pinapansin. Naiinis na ako, guys.

"Salem...sorry na."

Nilagpasan nya lang ako at nahiga sa kama. Simula kasi ng may nangyari samin dito na sya natutulog. Ewan ko kung anong trip nya sa buhay.

Sinundan ko sya sa kama at umupo sa tabi nya. Sinundot ko ang balikat nya pero hindi nya ako pinansin.

"Just sleep." malamig na saad nya kaya napanguso ako.

Napangisi ako ng biglang may pumasok sa isip ko. Kapag hindi nya pa ako pinansin dito hindi ko na rin sya papansinin. Bahala na sya.

"Salem...baby. Pansinin mo na ako baby Salem ko." malambing kong saad.

Narinig ko ang malulutong nyang mura ng yakapain ko sya habang nakahiga. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa 'to.

"Baby Salem..." malambing kong saad habang nakayakap sakanya.

Ngayon ko lang ginawa ko kaya kabang-kaba ako.
Napaiyak na ako dahil hindi nya parin ako pinapansin. Ano bang gagawin ko? Hindi nya talaga ako papansinin.

Tumulo ang mga luha ko at pinipigilan kong  'wag humikbi. Napatakip na lang ako sa bibig ko ng may kumawala na hikbi mula sa bibig ko. Kainis naman.

"B-bahala ka nga. H-huwag mo akong kakausapin kahit kailan! Tangina ka!" umiiyak na saad ko.

Tumayo ako habang umiiyak at tinungo ang pintuan. Hindi ko pa naman napipihit ang door knob ng dumagungdong ang boses nya sa sobrang lakas ng pagkakasigaw nya.

"Subukan mong lumabas at itatali kita sa kama." saad nya habang gamit ang seryoso nyang boses.

"Itali mo sarili mo, gago! Ikaw na nga sinusuyo ayaw mo parin akong pansinin! Hindi na kita tatawagin ng baby Salem ulit! Inamo!"

Na-estatwa ako ng maramdaman ko ang braso nya na pumulupot sa tiyan ko. Niyakap nya ako patalikod at hinalikan ang pisngo ko pati ang sintido ko.

Nag wala ang puso ko dahil sa ginawa nya at parang may nagliliparan na mga paru-paro sa tiyan ko. Kinikilig ba ako?

Killer's Obsession Where stories live. Discover now