CHAPTER 24

1.7K 42 1
                                    

Happy 13k reads po! Maraming salamat po sa inyo<33

.

.

.

.

"I'm nervous." I heard him whispered

Hindi ko pinansin ang sinabi nya at tuloy-tuloy lang sa paglalakad hanggang sa makapasok kami sa bahay.

"Does she know I'm her Dad?" I heard him again

"Bakit ko naman ipapaalam?" I rolled my eyes

Patakbo akong umakyat sa taas ng marinig ang palahaw na iyak ng aking anak. Naabutan ko syang pinapatahan ni Manang.

"M-Mommy, I want mommy." She sobbed

"Ayan na." Manang said when she noticed me "Kanina pa yan iyak ng iyak, ayaw kumalma."

Nag-angat sya ng tingin sakin at mas lalong umiyak. Tumayo si Manang at hinayaan na ako magpakalma sa anak ko. Sumubsob agad sya sa leeg ko at mahigpit akong niyakap.

I caressed her hair. "Ssshhh.... Tahan na, baby. Nakauwi na si mommy."

Humikbi sya. "Don't leave me again, Mommy."

"Hindi na nga, anak." Ani ko at marahang sinuklay ang buhok nya

Tumahan sya sa pag-iyak. Hinarap ko naman sya sakin saka ko pinahid ang mga luha sa mata nya.

Pulang-pula ang buong mukha nya sa kakaiyak, mabuti na lang hindi sya inatake ng hika nya.

Naalala ko tuloy ang ama nya, I almost forgot about it. Ipakilala ko pala sya sa anak nya.

"Hexie, anak." Tawag ko

She looks straight to my eye.

"Mommy wanted to tell you something." I said and smiled warmly

Tumango-tango sya. "Hmm?"

"You want to meet daddy, anak?"

Tumibok ng malakas ang puso ko lalo na ng sunod-sunod itong umiling.

"N-No, I don't want." Nagsisimula na naman sya sa pag-iyak

I shushed her. "Why you don't want to meet, Daddy?"

"I hate him, mommy!" Pumadyak sya "I don't want to see him, mommy."

Nagulat ako sa pinagsasabi ng anak ko at the same time nagtataka rin kung bakit ayaw na ayaw nya ang ama nya kahit isang beses pa lang naman sya nagtanong sakin.

"Why do you hate daddy, anak?" I asked, curiously

"He hurt you mommy." Umiyak sya "Kuya Hanz told me my daddy hurt you. I hate him, mommy!"

Tumulo ang luha ko. Now I know why she only asked me one time about her Dad because of my brother. I can't blame my brother, though.

Naabutan nya ako dati na umiiyak and concluded that Kirvie hurt me. Hindi ko naman alam na hanggang ngayon naalala pa yun ng kapatid ko.

Bumukas ang pintuan at dahan-dahan pumasok si Kirvie. Kita ko pa sa mata nya ang pag-aalangan.

Lumapit samin si Kirvie. He smiled at my daughter but my daughter just stared at him na para bang inaalala nya kung sino ito.

Pinaharap ko sakin ang anak ko na kay Kirvie pa rin ang tingin.

"Hi." Kirvie greeted

Ngumiti sya sa anak namin kahit na nagbabadya ng tumulo ang luha sa mata nya. Punong-puno ng emosyon ang mga mata nya habang nakatingin sya sa batang nasa harap namin.

Fight for Love | Forbidden Series #1 (Completed)Where stories live. Discover now