Pag kaupo ko sa room namin,umidlip muna ko saglit dahil 5:30 palang naman.Natulog muna ko kahit 30 mins ,bago mag start yung classs.
Sakto pag gising ko dumating na din yung first teacher namin for today,kaya nakinig ako kahit medyo inaantok pa.
Hindi ko na tinignan kung nasaan si jholo dahil ,wala ako sa mood ,kaya nakinig nalang ako kay maam hanggang sa magbresktime kaya tinuloy ko yung tulog ko .
Hindi kona hinahanap yung presensya nya dahil puyat na puyat ako .ganon lang nangyari sakin ,makikinig tapos matutulog kapag free time ,sakto at mahaba yung lunch namin ,pagtapos ng klase namim nahihilo nako parang nilalagnat kaya pumunta ako sa 7/11 para bumili ng kape dahil ewan parang antok na antok ako ,umuwi nako pag tapos.Kumain lang ako tapos natulog ulit,dahil sobrang sakit ng ulo ko.Nag try ako mag open ng socials na may chat sakinn pero hindi ko magawang tignan dahil sobrang nahihilo nako talaga,Hindi na nga ko mag pupuyat sumasakt ulo ko e sabay hampas sa sarili.Uminom lang ako ng gamot para gumaan kahit paano yung pakiramdam ko at makapasok pako bukas.
Tumunog na yung alarm ko around 3 am kaya bumangon nako kahit nahihilo pa ,pumunta ako ng kusina na gewang gewang pa dahil sobrang sakit ng ulo ko ,nag kape lang ako at nag biscuits galing sa pantry namin,dahil hindi ko kaya mag luto ng heavy meal.Pagtapos ko kumain dumiretso nako ng c.r para maghalf bath para hindi naman ako amoy higaan pag pasok ,mabilisang halfbath lang yung ginawa ko at nagbihis nako agad ng uniform.Nilagyan ko ng tubig yung tumbler ko bago ako umalis at kumuha na din ako ng jacket dahil nilalamig ako.
Pa? pahatid napo tawag ko kay papa na medyo nanghihina pa pero ayoko naman umabsent at skip ng lesson,baka may ituro na papasok sa exam wala akong masasagot at wala naman ako kaibigan na mahihingan ng notes.
Kaya mo ba?wag ka kaya muna pumasok nak?tanong sakin ni papa na halatang nag alala sa kinikilos ko.
Opo pa,tara na po baka malate pako,kinuha niya lang yung gamit ko at nilagay sa likod ng motor para hindi nako mahirapan magdala.
Nasa school nako ngayon at may mga classmate na din ako dito ,kaya naupo na din ako.Wala pa naman teacher kaya yumuko muna ko dahil nahihilo pako at nilalamig.
Ano nangyari dyan?tanong ng teacher ko sa mga classmates ko na ngayon nakatingin sakin dahil nakayuko pa din ako , naririnig ko sila na pinag uusapan ako.Pero hindi ko magawang tignan sila dahil napaka bigat ng ulo ko.May kaninong kamay na dumampi sa noo ko ,kaya lalo ako nag init dahil sa kaba at hiya at nagtatakang kung sino yun
Sir, nilalagnat po ,narinig kong sigaw ni jholo.
Iha? Gusto mo na ba umuwi? Kaya mo pa baa? Ang init mo Tanong sakin ni sir na nakahawak sa noo ko.
Opo sir,malapit naman na po umuwi tatapusin ko na po yung klase .sabi ko nang makasandal ako sa upuan.
Okay ka lang ba? Tanong sakin ni jholo na halatang nag aalala na.Nilagay nya yung ulo ko sa balikat niya at sinabing mag pahinga ako at matulog ,Sinunod ko naman siya at dahan dahan pinikit ang mga mata ko ,hindi nako nagalit sa galaw niya dahil sa sobrang panghihina ko.
Natapos na yung klase namin,at hinatid ako ni jholo sa sakayan tulad ng dati hinihintay nya muna ko makaalis bago siya umuwii.
@jholoramirez
Ingat ka, pagaling ka ,dont forget to take a medicine💗Pagkabasa ko non pinatay konaa yung phone ko at hinintay ko nalang na makababa ako para makauwi na .dahil sobrang bigat ng ulo ko ,mas lalong bumigat dahil sa init.
Nasa bahay nako ngayon ,at pag baba ko ng bag ko humiga ako dahil naiiyak nako sa sakit ng ulo ko ,hindi ko namalayang nakatulog na pala ko , nakalimutan kona mag lunch kaya pag gising ko sa gabi ,bumaba ako at kumuha ng makakain at gamot ,kinuha ko na din yung temperature namin para tignan kung gaano kataas lagnat ko 39.8 ,ganon kataas kaya talagang hinang hina ako .
Pagtapos ko kumain ,natulog ako uli para makapag pahinga at maging okay na bukas,hindi kona naopen yung phone ko dahil hindi ko kaya tumingin sa radiation,lalo na pati yung laptop ko hindi ko na natignan mga emails ko.