I

106 13 19
                                    

This chapter is dedicated to Greeneth. Luv u mhiemasaur

Naglalakad si Ayra papunta sa kabilang building para sa susunod niyang klase. Napakainit ng panahon kaya naman tagaktak na rin ang pawis niya. Isang linggo na rin na ganon ang panahon at isang linggo na rin silang may klase

"Mhie, nakikinig ka pa ba sakin?" ani ni Heart Greeneth, Green for short, na naglalakad din kasabay niya. Ito ang pinakauna niyang naging kaibigan sa klase at lagi niya na rin itong kasabay

Purple ang buhok ni Green...kahit na Green ang pangalan nito

"Ano yun, tii?" tugon niya sa babae

"Ang sabi ko nagccrave ako nung hotdog waffles sa canteen. Papasama ako sayo dumaan dun after class if okay lang" sabi ni Green habang tinutupi ang payong nito. Nakapasok na kasi sila sa kabilang building at ngayon ay naglalakad na sa naka tiles na sahig

"Ah sure sure no probs naman!" tugon ni Ayra kay Green habang umaakyat sila ng hagdan. Dahan dahan lang ang pag akyat nila dahil sa third floor pa ang klase nila. Sinadya nilang mas maaga na pumunta para hindi sila hingalin sa paglakad at pag akyat kapag nagmadali

"Thank you, mhie! Hotdog waffles at spaghetti nalang siguro ang bibilhin ko-Ay! Hotdog!" biglang naputol ang sinasabi ng kasama ni Ayra nang bigla nalang itong mabangga mula sa likuran ng isang tao na nagmamadaling umakyat ng hagdan

"Sorry. I'm in a hurry" sambit ng lalaking boses

"Ay okay lang no problem no problem hehe" sagot naman ni Green dito

Nakatingin lang si Ayra sa dalawa. Nang makalampas sa kanila ang lalaki ay bahagya niyang kinurot sa tagiliran ang kasama

"Ikaw ha! Kapag pogi, okay agad" tukso niya rito na ikinatawa lang ng huli. Nariyan na naman ang nakakahawang tawa ng babae na parang katulad ng kay DJ Greta sa radyo na siyang idolo naman ni Green

BA Communication student tingz

Itinulak papasok ni Ayra ang glass door ng classroom. Wala pa ang kanilang mga kaklase maliban sa professor nilang naglalaro ng candy crush sa phone nito at...

"Anak ng tokwa..!" impit niyang pigil sa sarili nang makita ang malas na lalaki sa gilid ng silid. Prente itong nakaupo sa bakal na upuan. Nasa sulok habang may kung anong kinakalikot sa laptop na nakapatong sa lamesa sa harapan nito

Akala niya naman ay huling pagkikita na nila noong muntik siya nitong mabangga noong first day of school. Iyon pala ay dito rin ito nag aaral sa Blue and Gold University. Sa dinami-dami ba naman ng options ng universities at colleges na pwedeng pasukan nito ni Vinxer dahil may pera at...well matalino rin ito, dito pa talaga napili ng lalaki

Baka minalas na rin sa pera. Noong una ako lang ang nahahawaan niya ng kamalasan pero ngayon ay pati na rin yata sa sarili niya. Lol.

Hinila niya si Green paupo sa lagi nilang pwesto habang hindi inaalis ni Ayra ang masamang tingin sa lalaki. Tumingin ito sa gawi niya at nasira rin ang mukha. Pinaningkitan niya ang lalaki. Walang gustong pumutol sa titigan nilang tila pinapatay na ang isa't isa sa kanya-kanyang isipan. Tila nakikita ni Ayra na mayroong kuryente ang namamagitan sa kanilang mga mata at nagpapasiklaban sila ni Vinxer na mas lakasan pa ang pwersa ng kanilang mga "powers"

Tukmol talaga 'to.. ani ni Ayra sa sarili

"Where are your other classmates?" Naputol ang tensyon na namamagitan sa kanila ni Vinxer at sabay silang napatingin sa professor nilang nasa harapan. Hindi pa sila nakakasagot ay nagsipasukan na ang kanilang mga classmate at napuno na ang silid

"Mhie pwede 'bang ikaw nalang ang bumili ng hotdog waffles ko tsaka spaghetti? Najejebs na kasi ako" bulong ni Green kay Ayra nang makabalik na sila sa main building. Natawa na lamang siya at tumango

"Sure. Ilan bibilhin?" tanong niya kay Green habang ito ay aligaga nang dumukot sa wallet. Nagmamadali na rin siguro dahil sa iniinda sa tiyan. Inabot nito ang 500 na buo sakanyang palad

"Ito mhie. Sampung hotdog waffles tapos isang order ng spaghetti. Bye!" nagmamadali na itong umalis at tinanaw na lamang ni Ayra ang kaibigan habang lakad-takbo ito papunta sa banyo

Sinunod niya naman ang pinapasuyo ni Green. Bumili siya ng hotdog waffles at isang order ng spaghetti mula sa magkaibang stalls. Bumili narin siya ng sa kanya

"Ate, cucumber lemonade po tapos-" natigilan ang bibili sana na customer at napatingin sa mga bitbit ni Ayra

"Ikaw nanaman? Stalker" ani ng baritonong boses na halatang iritable. Katabi na ni Ayra ngayon si Vinxer dahil bibili ito at siya naman ay naghihintay ng sukli

"Excuse me? Ako ang nauna dito kaya wag mo 'kong matawag tawag na stalker ha!" pagtutol niya. Siya naman kasi ang nauna doon kaya hindi siya nito matatawag na stalker

"Sml" tipid na sagot nito at kinuha ang cucumber lemonade na binili

"Umalis ka na nga" matalim ang mga tingin na ani niya sa lalaki. Nakatingala siya habang sinisinghalan ito dahil masyado itong matangkad

"Naghihintay pa ko ng sukli" sukol naman nito habang sinasalubong rin ng iritableng ekspresyon ang mga singhal ni Ayra

"Sml" sagot niya sa lalaki na bahagyang nakapagpangiti kay Ayra

Ha! Akala niya ha. Tukmol na 'to aasarin pa ako

"Takaw mo. Maempatso ka sana para matahimik ka na at di ka na makasunod sakin kung saan. Stalker" saad ng lalaki at naglakad na papalayo. Napatanga si Ayra sandali. Napatingin siya sa dami ng dala niyang pagkain at inumin dahil ang binili niya ay para sa kanya at kay Green

Arghhhh! Bwisit talaga 'tong Vinxer na 'to kahit kailan! Malas!

Inis siyang napabuntong hininga at walang nagawa kung hindi ay magdabog papalayo para pumunta sa building ng BA Comm unit. Doon din naman nag banyo si Green kaya doon na rin sila tatambay pagkatapos

Hindi siya magkanda ugaga sa pagdala ng mga biniling pagkain kaya naman laking pasalamat niya nang makitang walang tao sa loob ng nag iisang classroom sa building. Inilapag niya ang mga pinamili sa table ng dalawang arm chair at saka nag desisyon na sundan si Green sa banyo

Papasok pa lamang sa girl's restroom at tahimik na ang paligid kaya naman tinawag na lamang niya ang pangalan ni Green upang malaman niya agad kung nasaan itong cubicle

"Mhie? Green?" pagtawag niya sa pangalan nito ngunit walang tugon

"Mhiema?" tawag niya ulit dito habang tinatahak ang labas ng mga cubicle. Yumuyuko yuko pa si Ayra upang tingnan ang baba ng cubicles kung may paa ba at kung si Green ba ang may ari ng mga 'yon

"Gree-Oh my god!!!" labis na pagkagulat ang naramdaman ni Ayra at hindi siya agad nakakilos mula sa kinatatayuan. Narating niya ang pinaka dulo ng banyo kung saan nakita niya si Green na nasa sahig. Nakasandal ang walang malay nitong katawan sa pader habang nasa sulok. Putok at dumudugo ang ibabang labi nito at nagkalat ang pasa sa mukha. May mangilan ngilan din itong mga galos sa katawan

"G-green! Greeeen!" sigaw niyang muli nang makalapit na sa walang malay na kaibigan. Kinapa niya ang pulsuhan nito at nakaramdam si Ayra ng kaunting ginhawa nang maramdaman ang tibok doon.

"Tulong!! Tulungan niyo kami!" karipas niyang takbo sa pintuan upang humingi ng tulong

Kalaunan ay dumating ang isa sa kanilang mga professor na siyang nag arrange upang madala kaagad si Greeneth sa pinakamalapit na ospital

Sinong may gawa sayo nito, Green? Bakit?

PROJECT: Runaway [PROJECT SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon