Sa gabing iyon, habang ang mga tao sa Iraya ay naghahanda para sa pagbabantay laban sa mga pag-atake ng mga ibong Hanaw, nag-iisa si Ka Ambo sa silong ng kanyang tahanan. Sa kanyang mga kamay hawak ang isang lumang medalyon na puno ng misteryo at kapangyarihan.
Nang biglang may narinig siyang kakaibang huni mula sa labas ng kanyang bahay. Agad siyang lumabas upang alamin ang pinagmulan ng tunog. Sa ilalim ng kalangitan, may nakita siyang anino na tila naglalakad patungo sa kagubatan.
Walang takot na sumunod si Ka Ambo sa anino, dala ang kanyang lumang medalyon na nagbibigay sa kanya ng lakas at proteksyon laban sa mga masasamang pwersa. Sa paglalakad, unti-unti niyang napagtanto na ang anino ay hindi kahit sino kundi ang pinakamatandang Santiguar, Si Saraya na nagtangkang pigilan ang pag-atake ng mga Hanaw sa kanilang nayon.
Mahabang panahon na rin na Hindi nila Nakita Si Saraya. Inakala Ng mga taga nayon na namayapa na Ang Bongaitang Santiguar sa nayon nila. Kaya nagtaka Si Ka Ambo kung bakit ito nagpakita sa kanya. Simula Kase Ng umalis ito sa Lugar nila ay Ngayon lamang uli ito nagparamdam.
"Ka Ambo," bati ng matandang Santiguar. "Narito ka upang tuklasin ang lihim ng ating lahi at ang kapangyarihan na nakatago sa iyo bilang huling tagapagmana."
Dala ng kuryosidad at determinasyon, sumama si Ka Ambo sa matandang Santiguar patungo sa isang lihim na pook sa kagubatan. Doon, sa ilalim ng liwanag ng buwan, ibinunyag sa kanya ang kasaysayan ng mga Santiguar at ang kanilang misyon sa mundo.
"Ang mga Santiguar ay Hindi lamang inatasan sa panggagamot at pagsasagawa ng Santigwa (panghuhula/pagtatawas) kondi Tayo din ay inatasan bilang tagapangalaga ng kalikasan at tagapagtanggol laban sa mga puwersa ng dilim," paliwanag ng matandang Santiguar. "At sa iyo, Ka Ambo, iniatas ang huling salin-lahi ng aming kapangyarihan."
"Narito ako upang magpaalam, batid kung alam mo na may hangganan din Ang mga katulad natin. Hindi natin mapipigilan Ang ating katawang lupa na manghina. Wala na akong sapat na Lakas at kakayahan upang ipagpatuloy Ang asking misyon at harapin Ang nagbabadyang kagulohan." Sabay hugot Ng Isang punyal Mula sa kanyang likuran at iniabot ito Kay Ka Ambo.
"Tanggapin mo Ang punyal Ng ating Lahi, nagtataglay ito Ng ibayong Lakas at kapangyarihan na sa tanging Santiguar lang nabibilang."
"Ngunit matanda narin ako at mahina Nana Saraya." Tugon ni ka Ambo.
"Di ba't may apo ka? At batid Kong alam mo na may kakaibang Lakas at kakayahan ang batang iyong inalagaan. Nababasa ko na may busilak siyang kalooban taliwas sa Lahing kanyang pinagmulan. Alam Kong Hindi ka nagkulang sa pag-aaruga at pagpapalaki sa kanya. Sanayin mo siya upang sa takdang panahon ay maging handa rin siya sa SAKAR (ritwal Ng paglilipat-kapangyarihan) Ng iyong kakayahan at kapangyarihan."
Sa gabing iyon, tinanggap ni Ka Ambo ang kanyang tadhana bilang huling tagapagmana ng mga Santiguar. Handa siyang harapin ang mga hamon at panganib upang itaguyod ang kapayapaan at katarungan sa kanilang mundo Kasama Ng kanyang apo.
Sa pagtatapos ng gabi, ang lihim ng kanyang lahi at ang kapangyarihan ng mga Santiguar ay nabuksan sa kanya. Ang kanyang paglalakbay bilang tagapagmana ng huling salin-lahi ng mga Santiguar ay nagsisimula, at kasama nito ang mga misyon at pakikidigma na magbubuklod sa kanyang landas at kapalaran.
BINABASA MO ANG
⚔️꯱ׁׅ֒ɑׁׅ֮ꪀׁׅtׁׅꪱׁׅᧁׁυׁׅɑׁׅ֮ꭈׁׅ⚔️
FantasyLarawan ng karaniwang teenager si Yvan. Hanggang sa unti-unti niyang matutuklasan ang Kanyang mga kakaibang kakayahan na magdadala sa kanya sa kakaibang pakikipagsapalaran. Lalo na ng matuklasan niya ang Kanyang tunay na katauhan. This story is a Ph...