Prologue

870 48 3
                                    

Maloi Ricalde's Point of View

(May 2023)

"There's a mail for Ms. Mikha Lim." Isang boses mula sa video intercom ang narinig namin sa gitna ng panonood ng It's Showtime. Nanggaling yung boses sa attending clerk sa lobby ng condo.

"Hala wala si Mikha, sinong kukuha?" tanong ko sa kanila pero wala manlang ni isa sa kanila ang nagsalita o nagtanggal ng tingin sa screen ng TV. Bwisit 'tong mga 'to.

Nasa training ngayon si Mikha ng volleyball para sa nalalapit na All-Star Games. Mukhang mamayang gabi pa 'yon makakauwi.

"Sabi ko nga ako na." Tumayo ako at naglakad na palabas. It's a good thing medyo decent naman ang suot ko para bumaba sa lobby.

Wala pa ring nagsasalita sa kanila at masyado silang focused sa TV. Or siguro nagpapanggap lang na walang naririnig dahil lahat naman kami ay tamad bumaba para lang may kunin sa lobby.

Nang makababa ako ay agad ko nang in-approach yung clerk sa front desk. "Ate ako na po ang magrereceive nung mail para kay Mikha Lim."

Buti nalang kilala na kami ng mga employees dito kaya hindi na nila kami hinihingan ng authorization letter para lang magreceive ng parcel pag wala yung mismong receiver.

"Ito po, makikipirma nalang po dito." May pinapirma siya sa'kin sa logbook para ma-sure lang na na-receive na yung mail at kung sino ang nagreceive. Agad ko itong pinirmahan at nagpasalamat na sa clerk.

I couldn't help but get curious kung anong nasa loob nitong small black patterned envelope.

Mikhaela Janna Lim & Family
This serves as an invitation

Hindi naman sealed yung envelope kaya binuksan ko na dahil super curious talaga ako kung ano ito. Sorry Mikha pinakelaman ko na, pero okay lang naman sa kanya. Minsan nga yung mga parcel na dumadating para sa kanya pinapabukas niya na sa'min.

Chase Avani
@18

May 31, 2023
Queen Margarette Hotel
Lucena City

Program starts at 5 o'clock in the afternoon, see you there!

Lucena? Hindi ba sa Quezon Province 'yon? Ang layo naman.

Nang makita ko yung mga pictures niya ay biglang bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko. Something about her touched my heart.

She's gorgeous, pretty, cute, pinagsama sama na.

Ilang minuto akong nakatitig sa mukha ni Chase Avani nang hindi ko namamalayan. I can sense the need to get to know her more. Grabe iba yung impact niya, at least for me.

What the... naf-fall na ba ako? Eh picture lang naman 'to eh.

Napailing ako. No, this must be just an infatuation. Mawawala din 'to. Siguro nagandahan lang talaga ako sa kanya.

.

"Mikha may dumating na invitation para sa'yo. Binuksan na ni Ate Maloi kasi chismosa siya." Bungad ni Jhoanna pagkadating ni Mikha sa bahay. Mukhang drained na siya at kailangan na niyang magpahinga.

"Invitation?" tanong nito na tila walang ideya kung ano ang tinutukoy ni Jhoanna.

"Debut ni Chase Avani. Sino 'yon Mikhs? Ang ganda niya as in." Maging sila Sheena eh namangha din sa invitation, ang ganda talaga niya Avani tapos super effort pa sa invitation.

"Oh yeah, I'm expecting that. Dumating na?" Tinanggap niya 'yung invitation na inabot ni Gwen. "She's my best friend." sabi ni Mikha.

"Best friend? May best friend ka pala?" tanong ni Aiah na siya ring ikinagulat naming lahat.

"Kaya pala nasa dulo ka ng 18 candles. Akala ko siningit ka lang." comment ni Stacey.

Kanina pagpasok ko ay dinagsa rin nila ang maliit na invitation. Nang makita nila yung pangalan nj Mikha sa pinakababa ng 18 candles ay doon nabuo ang mga tanong sa amin kung ano ba ang relasyon niya kay Mikha. Karamihan kasi ng order ng names sa debut ay from friends to closest friends, lalo sa 18 candles.

"Oo childhood best friend ko 'to pero nagkikita pa rin kami every once in a while. We were neighbors sa Cavite pero nag-move na sila sa Quezon after niya grumaduate ng elementary. I'm almost two years older. Pero school year wise, ahead ako sa kanya ng one school year lang. She's currently on 12th grade I think? Incoming first year college." she explained. Naaalala ko rin na may kinekwento siya about sa childhood bestfriend niya na napahiwalay sa kanya nung high school dahil umalis ito ng Cavite. Siya siguro ang tinutukoy ni Mikha.

School year wise, ahead siya sa'min ni Colet ng isang taon. Grade 11 palang kami. Mikha stopped going to school kasi more focused siya sa growing career namin. At tsaka lagi niyang sinasabi na she hates school kasi she's bad at studying.

"Jojowain..." sabi ni Colet at mapang-asar na tumingin sa akin. Natawa si Mikha at pumasok na sa kwarto para magbihis dahil naka-varsity palang siya.

I searched for her IG profile secretly. Mostly ang mga post ay yung pre-debut shoot niya, iba't ibang concept pero lahat ay creative. She's photogenic. Bawat anggulo ay perpekto.

"Chase Avani..." I mentioned her name out of nowhere. Something inside me is hoping to see her in person... eagerly.

CHASING HER | Maloi RicaldeWhere stories live. Discover now