ADHARA
The parallel universe is still a big mystery for me.
Don't get me wrong. I'm not begging for more. It's just...many questions are still unanswered in my mind. I can't help but wonder and worry every time.
How did we travel from Andromeda Homes to the parallel universe?
What happened to our original bodies in our original universe?
Where's the old Adhara in this universe?
I'm just sure of one thing...I don't want to go back to my old life anymore.
Today marks our second day in the parallel universe, and it's the day I will finally step into the bigger world I've dreamed of for so long.
Iginala ko ang mga mata ko sa paligid habang nag-iintay ng bus papunta sa university. Since Monday ngayon, marami akong kasabay dito sa bus stop.
Good thing I can now access Adhara's memory. Paggising ko kanina, I can remember my schedule for the whole day and the whole thing about our university!
My travel time is only 30 minutes away from my house. I believe I have a car pero mas pinili kong mag-commute. I'm too anxious para maghawak agad ng manibela. Kailangan kong protektahan ang bagong katawan ko.
I'm wearing our uniform—a simple white long-sleeved shirt paired with a black necktie and a skirt. Hindi pa sumisikat ang araw kaya medyo ramdam ko pa ang lamig.
Napatingin ako sa right side nang may pumulupot na varsity jacket sa shoulder ko.
"Nakakatampo naman. Hindi mo ako hinintay!" Rigel pouted.
"Alam ko bang maaga kang aalis? 1PM pa ang class mo."
He poked my right cheek at ngumiti ng nakakaloko. "'Uyyy! Alam niya ang schedule ko, oh!"
"I just know. 'Wag kang feeling," Napalingon ako sa kaniya. Sumisipol pa ito habang nakapamulsa. "Bakit ba kasi ang aga mo? 6:30AM pa lang."
"Para sana kasabay kita pero nauna ka naman!"
Dumating na ang bus at luckily, nakaupo kami ni Rigel sa dulo pero hindi ito nagtagal nang agad siyang tumayo para paupuin sa seat niya ang isang lola.
I offered to hold his bag habang nakatayo siya, but he declined. Pansin ko rin na naging malalim ang iniisip ni Rigel buong byahe. Anong nasa isip niya?
EXT. LUMINA UNIVERSITY - DAY
Pagbaba namin ng bus ay nakita ko agad ang university. There's a long walkway bago ka makapunta sa mismong center building. Bushes and trees are everywhere, and the interiors of the buildings are constructed from red brick concrete.
Nakita ko ito sa memory ko pero hindi ko inaasahan na malaki pala ito sa personal.
Rigel is still quiet at mabagal ang paglalakad. I decided to break the silence.
"What are you thinking?"
Nagpakawala ito nang malalim na paghinga bago sumagot.
"I'm tense."
Nanatili lang akong tahimik at hinintay ang mga susunod niyang sasabihin.
"I don't know. Ngayon lang ulit ako makakakita ng ibang tao. Ngayon lang ulit ako makakapasok sa university."
BINABASA MO ANG
Woke Up Missing You
RomanceTwo young souls decide to try their fate in the parallel universe. The one greatest thing they're hoping for? Happiness. ☾ Ang number #1 goal ni Adhara ay ang makapunta sa parallel universe. Ngunit paano siya magtatagumpay kung sa bawat pagtulog niy...