Epilogue Pt. II

22.6K 322 30
                                    

JAZZLENE

Hindi na sumama sa akin si Adam pabalik sa function hall para maiwasan ang mga tao roon. Baka raw kasi pag-usapan kami, ayaw niyang magkaroon kami ng issue at baka pati raw ako ay bulabugin pa ng media. Pero nangako siya na pupunta siya sa bahay kinabukasan para ipagpaalam ako nang personal sa mga magulang ko para opisyal na raw niya akong maligawan. I kinda excited for that but I'm a little worried how my crazy brothers might react.

Kinabukasan, bandang hapon kami nagpunta sa bahay. Siya ang sumundo sa akin sa hotel niya after ng duty ko, habang nanggaling naman siya sa Meadows Group dahil marami siyang inasikaso roon, lalo na at limang buwan siyang nawala.

Alam na rin nila Mommy at Daddy na kasama ko si Adam ngayon na uuwi roon. Sinabihan ko na sila in advance para makapag-prepare si Mommy ng dinner. Sigurado kasing aabutan na doon ng hapunan si Adam dahil pasado alas sais na ng hapon nang sunduin niya ako sa hotel.

"Okay ka na sa 'min, Adam," nakangiting sabi ni Mommy habang magkakaharap kami sa sala, kasama si Daddy. 

"Okay ka na rin sa 'kin, Adam," nakangising sabat ni Kuya Zero at alam ko kung bakit. Hindi kasi siya makakaporma kay Fritzie kung hindi siya papabor kay Adam.

"Ako, wala naman akong choice kundi um-oo. Lalo na kung gusto ka rin ni Prinsesa." Si Kuya Zian, kay Adam siya nakatingin. Magkakrus ang mga kamay niya sa harap. "Ang sa 'kin lang, 'wag na ulit sanang mangyari pa 'yong mga nangyari noon na mapapahamak kapatid namin."

Tumango si Adam. "Hindi na. Ako'ng bahala sa kaniya. I promise."

"Gago. Nag-promise ka rin noon pero..." Biglang natigilan si Kuya Zero sa sasabihin. "Oo nga pala. Team Adam na nga pala 'ko. Sorry, man. It just slipped." Sabay halakhak.

Si Kuya Zane lang ang wala rito ngayon dahil sinundo niya si Gerald at David, papunta rin sila rito ngayon dahil game night nila. Tuwing Friday kasi at nagkataong kumpleto sila, dito sila sa bahay nagtitipon-tipon para panoorin ang inaabangan nilang football game. 

"Napatawad ka na namin noon pa dahil naipaliwanag mo naman sa amin kung bakit mo 'yon nagawa. At walang problema sa amin kung liligawan mo si Jazz, as long as maipangangako mong hindi na mauulit ang nangyari noon." Si Mommy.

"Yes, Attorney Hart. I won't let that happen again."

"I guess, ang panganay na lang namin ang problema mo," ani Daddy, katunayang payag na rin siya kaya nakahinga na ako nang maluwag, at alam kong gano'n din si Adam. "Mukhang nar'yan na sila," dagdag ni Daddy nang marinig namin ang sasakyan ni Kuya Zane sa garahe.

"Sige na. Kayong magkaibigan na lang ang mag-usap, maghahanda lang ako ng hapunan." Nakatinging tumayo si Mommy, gano'n din si Daddy at tinungo na nila ang kusina.

"Adam!" malakas na tawag ni David kay Adam nang matanaw niya ito sa sala pagpasok nila. Lahat sila ay humakbang palapit sa amin, maliban kay Kuya Zane na nahuhuli dahil sinamaan niya pa ng tingin si Adam bago siya lumapit.

"Kailan ka nakabalik?" Gerald asked. Sila na ngayon ang nakaupo sa harap namin, doon sa pinanggalingan nila Mommy at Daddy. Kuya Zane was standing, glaring at Adam's and my hands, which were clasped together.

Adam let go of my hand, stood up in front of Kuya Zane, and it seemed like there was electricity connecting their eyes because they were at the same level. I could feel the tension between them.

"Nakausap ko na parents n'yo at itong si Zero at Zian. Pinayagan na nila akong manligaw kay Jazzie. Now, tayo naman ang mag-usap. Man to man," ani Adam.

Nagbaba ng tingin si Kuya Zane sa dalawang kapatid namin na lalaki dahil mukhang hindi niya inaasahan na papabor ito kay Adam. Pero ang dalawa... agad nag-iwas ng tingin sa panganay namin na tila ba umiiwas sa gulo.

Natawa si Kuya Zane, ngunit tumango rin naman at sumenyas sa labas. Ni hindi ako nilingon ni Adam dahil palayo na sila ngayon ni Kuya Zane. Si Gerald, David, Kuya Zero at Kuya Zian naman ay tumayo rin sa upuan nila at sumunod sa dalawa, pero bago 'yon ay sinabihan ako ni David na huwag sumunod sa kanila dahil usapang lalaki raw ang mangyayari sa labas.

Napansin ko na doon sila gumawi sa swimming pool namin na kagagawa lang two months ago. Dahil kasi sa pagiging takot ko sa tubig dahil sa insidente noon, naisipan ni Daddy at Mommy na magpalagay ng swimming pool sa likod ng bahay namin since maluwang ang space roon sa garden. Naging therapy ko ang paglusong lagi sa pool sa tuwing may time ako para malabanan ko raw ang takot ko. So far, effective 'yon kaya na-e-enjoy ko na ulit maligo sa pool kahit na hindi pa rin ako marunong lumangoy.

Tumayo ako, susunod na lamang sana sa kusina para tumulong kay Mommy at Daddy sa pag-prepare ng dinner, ngunit natigilan ako sa paghakbang nang marinig ko ang halo-halong pagsigaw doon sa likod. Sigaw ni Kuya Zane at pagmumura, halakhak ni Gerald, David, at sigaw ni Adam habang sinasabing; "Don't let him go!"

Kabado akong napatakbo sa likod dahil baka nagkakasakitan na sila. Ngunit pagdating ko roon, natigilan ako nang makita ko silang magkakaibigan, pinagtutulungan si Kuya Zane. Hawak ni David at Gerald ang magkabilang kamay ni Kuya Zane, habang si Adam naman at Kuya Zero ang bumuhat sa magkabila nitong binti. Nagtatawanan sila maliban kay Kuya Zane na sumisigaw at nagmumura dahil alam niya ang kahihinatnan niya. Si Kuya Zian ay nakapanood lang sa kanila habang natatawa rin.

"Mga ugok kayo! Bitawan n'yo 'ko! 'Yong cell phone ko nasa bulsa ko!"

Hindi nila pinakinggan si Kuya Zane. Sabay-sabay silang naghalakhakan habang tila idinuduyan nila ang katawan nito nang ilang beses. Bumilang pa ng tatlo si Adam, at sa ikatlo, doon nila inihulog si Kuya Zane sa pool.

Pati ako ay natawa na lang din habang napapailing, lalo pa nang umahon si Kuya Zane at isa-isang hinabol ang mga kaibigan niya para itulak din sa tubig. Inuna niya si Gerald.

"Gago, wala akong damit pamalit!"

Sunod si David, Kuya Zian at Kuya Zero. 'Tsaka siya nag-stretching ng leeg para habulin si Adam. Imbes na sawayin sila, natatawa na lang akong bumalik sa loob.

Kung hindi man kami magkatuluyan ni Adam, sana sila na lang ni Kuya Zane. Mas bagay yata sila.

I laughed at the thought, my heart feels lighter now dahil ramdam kong okay na sila ni Adam base sa halakhakan nila sa labas. Okay na si Adam sa parents ko, at okay na ako kay Adam. Wala na akong hahanapin pa.

He claims me as his own.

And that ruthless billionaire is mine to keep.

THE RUTHLESS BILLIONAIRE BABYSITS ME (R18+) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon