CHAPTER 44 - AT LAST

314 12 21
                                    

KEN

ILANG oras na lang magsisimula na ang presscon at pagtapos neto sana umayos na lahat.
Para makasama ko na si Vien nang walang iniisip.

Cy is calling...

Mula ng umuwi ako sa Japan hindi na kami nagkausap ni Cy. Iniwasan ko rin sya lalo na daming issues na binabato samin ngayon. Hangga't maaari, ayoko na talaga mainvolve sa kahit na sinong babae hindi para sa akin kundi para sa ikakapanatag ni Vien.

"Ken, ok kana?" Tanung sakin ni Ate Bea.

Ngumiti ako kay Ate Bea, all these time lagi syang nanjan kasama ko. Siguro ang dami naming di pinagkakasunduan lalo na sa takbo ng career ko, but at the end of the day pamilya ko sya.

"Yes, Ate.."

Inayos ni Ate Bea ang sleeves ko maging ang kwelyo ko bago ulit nagsalita.
"Ken, I hope you'll forgive me and also Vien.."

"Ate--"

"No. Alam kong sumobra ako, I almost ruined you just for you to stay on top na di ko napapansin na di kana pala masaya. I'm really sorry. Natakot lang talaga ako para sa career mo, yun pala hindi kana masaya. Sana mapatawad mo ko."

I hold Ate Bea's hand.
"I understand Ate. Ikaw kasi yung nakakita how I struggle just to build my name.. kaya alam kong ginawa mo yun lahat para sakin. I'm sorry too sa dami ng disappointment mo sakin."

Nagpunas si Ate Bea ng luha nya, and those tears I know are the tears of a big sister..

"No. Never akong na disappoint sayo, ano ka ba?"

"You did. Pero iniintindi mo lang ako lagi." Asar ko sa kanya na tinawanan nya.

"Pero Ate. This time I want you to support me and to have your blessings sa amin ni Vien.. I really love that woman. Ngayon lang ako naging totoo sa nararamdaman ko. Ngayon lang ako naging sigurado sa decision na gagawin ko and that is to be with her."

Tumango si Ate Bea, "Of course. She is your greatest love, Ken. And I'm happy na you finally have the balls to fight for her."

Natawa naman ako sa sinabi ni Ate Bea, ganun ba ako kaduwag?
"Nakakawala naman ng angas yung sinabi mo, Ate? Ganun ba ako kaduwag dati?"

"Oo. Na laging si Vien ang nagbibigay para sayo. Tsk."
Taray nya sakin. Na tinawanan ko naman.

"Kung di ka sana naging stage manager sakin dati, Ate-- joke." Na halatang kinapikon ni Ate Bea.

"Kidding aside, Ate Bea. I want you to be here sa tabi ko sa laban ko ngayon, huh? Magagalit ako kung iiwanan mo ko." Yakap ko sa kanya.

"Team Vien ako don't worry.. I'll be in the frontline to protect both of you. I saw and realized how Vien loves you so much, and you deserve that kind of love, Ken." Yakap nya pabalik.

"Salamat Ate. Atleat di ka team Cy--"

Bumitaw sa pagyakap sakin si Ate Bea,
"Speaking of Cy, nagkausap na kayo?"

"Nope. Di ko sinagot at wala akong balak."

"You should. Tawagan mo. Iwanan na muna kita at isang oras na lang magsisimula na ang presscon."
Paalam ni Ate Bea.

Kinuha ko ang phone ko, nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko ba o hindi. Pero sige na. Nang sa ganun isang harapan na lang mamaya at matapos na lahat ng issues.

"Cy.."

"Good thing you call. You have plenty of things to know." Sagot ni Cy sa tawag ko.

"About whom?" Nag salubong ang kilay ko sa sumunod na sinabi ni Cy.

HARMONY'S BETRAYAL || SB19 KENWhere stories live. Discover now