Chapter 2:

45 1 0
                                    

AUTHOR'S POV:

* As you can see, parehas yung end ng name ng tatlo. Hahaha. Wala kasi akong maisip eh. Yaan niyo na. *

---

CAYZER's POV:

Nagmamadali akong naglakad papasok sa Mall na pinagtatrabahuhan ko dahil late na naman ako. Actually part time lang 'to, sa umaga estudyante ako. At ito sa hapon, nagtatrabaho. Kailangan eh. Haay, pang-ilang late ko na ba'to? Malamang masesesante na'ko nito. Bahala na, kaya pa 'to.

Halos patakbo na'kong maglakad ng biglang nagvibrate yung phone ko. Patay, malamang si Manager na'to! Hindi ko na lang sasagutin, malapit na naman ako eh.

"Ouch! Ugh. So-sor.. Ikaw?"

Oops! May nabangga ako.

S-siya?

"Ha?"  Yun na lamang ang naging sagot ko.

"Kilala ba kita? I mean, nagkita na ba tayo?"

A-ashlyn..

Shet! Hindi ko inaasahan 'to ah. Anong gagawin ko? Teka, isip Cayzer. 

Aish. Hindi pa pwede ngayon.

"Sorry Miss, pero hindi eh. Pasensiya na pala, hindi kita nakita kanina eh. Ayos ka lang ba?"

Tama nga ako, hindi pa din bumabalik ang memorya niya.

Malamang hindi na pinaalala sayo nila Tita ang tungkol sakin. Lalo pa't ako ang naging dahilan ng pagkawala ng alaala mo.

"Ah, a-ayos lang ako. Sorry din. ^.^v"

Masaya ako, maayos na ngayon ang kalagayan mo. Siguro nga hindi pa ito ang tamang panahon para magkakilala ulit tayo. Dapat na'kong umalis dito.

"O-okay lang. Ah sige, nagmamadali kasi ako eh. Sorry ulit ha?" Naglakad na'ko bago pa magbago ang isip ko. Magkikita pa ulit tayo, at sisiguraduhin kong matatandaan mo na ulit ako.

Aly..

Ang bestfriend kong noon pa man ay mahal na mahal ko.

My Bestfriend, My Boyfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon