"Ayun oh!"
Mabilis kong tinuro sa kanya ang butterfly na kulay dilaw. Chineck nya sa list ang nakalagay na butterfly. Wala namang specific kung anong kulay, basta chinekan nalang namin.
Nakakarami na kami ni Jiro, pero ang nahihirapan pa kami makahanap ng water lily sa ilog! Hahanapin pa kasi namin ang lawa at ang water lily, pero inikot namin at wala kaming makita. Hindi rin nilagay iyon sa mapa, dahil mabilis lang naming mahanap iyon.
Habang sya ang nagchecheck, ako naman ang gumagawa ng essay, kung saan at paano namin hinanap iyon.
"Jiro, mag-usap nga tayo" sabi ko sa kanya, dahil kating-kati na ako sabihin sa kanya ito.
Tumigil naman sya sa paghahanap. Kilala ko si Jiro, kapag ayaw nyang sabihin, hindi nya talaga sasabihin. Kaya minsan sumusuko nalang ako.
"Narinig kong hindi ka mag-peperform mamaya?"
Kumunot ang noo nya nang lumingon sa akin. Siguro nagtataka sya kung bakit alam ko iyon. I sighed heavily. Hindi ko pwede gamitin si Jasper. Well, hindi rin naman ako magsisinungaling noh, kasi totoo naman na nakinig ako sa kanila!
"Si Jasper ba nagsabi sa'yo?" oh diba, sabi ko sa inyo tatanungin nya iyan eh.
"Aksidente ko lang narinig yung usapan nyo. Pasensya na" napalunok pa ako sa kaba. Oh no, sana hindi sya magalit!
"Ayoko, hindi ako sasali. Pwede naman silang dalawa nalang kung gusto nila" sagot pa nya.
Napanganga nalang ako nang talikuran pa nya ako. Hinabol ko naman sya.
"Hindi mo pwedeng ayawan yun. Hindi makukumpleto yung banda kung wala ka! Ikaw pa naman yung vocalist!"
Hinihingal na ako habang nagsasalita sa kanya. Ambilis nya rin maglakad, hindi na rin ata sya naglalakad. Tinatakasan nalang nya ako!
"Jiro, what the heck ka! Ambilis mo maglakad. Hoy teka lang hoy!"
Hindi ako pinapansin nito ah. Masyadong pakipot amp.
"Hoy!" hinawakan ko na ang kanyang kamay, kaya naman parehas kaming napatigil sa paglalakad.
Binitawan ko na agad ang kanyang kamay. Natuwa naman ako dahil tumigil din sya sa wakas, pero sya ay kabaligtaran non.
Ang sama nya na tumingin sa akin!
"Ikaw nalang kumanta kung gusto mo. Huwag mo na ako idamay" tugon nya sa akin.
Natawa nalang ako sa kanya ng sarcastic. Pumameywang ako sa kanya at parang gusto nalang sya tawanan.
"Dagohoy needs you, everyone needs your voice. I know na dahil sa kanya kung bakit nangyayari sa'yo 'to. Hindi mo ba naisip na kapag nagising sya, at nalaman nyang hindi mo na ito tinuloy, syempre madidismaya sayo iyon" paliwanag ko pa.
Seryoso lang sya tumingin sa akin, pero nang sabihin ko iyon, may bigla sa mata nya na nagpagaan.
"Gusto ko mag-enjoy ka, Jiro. Isasantabi ko muna pagiging enemy ko sayo. Susuportahan kita hanggang dulo. Trust me, Jiro. Magiging okay ang lahat. Gagawin ko ang gusto mong gawin sa'kin, basta kapalit nito ay makapag-perform kayo." patuloy ko pa.
Kailangan nyang seryosohin ang sinasabi ko. I know na maganda boses ko, pero hindi ako bagay kumanta kasama sila Jasper and Randy. Si Jiro talaga ang pag-asa namin. Hindi lang ito pride ng Dagohoy. Pride din nila itong tatlo, kaya umayos-ayos sya d'yan!
"Pag-iisipan ko pa." sabay talikod nya.
Nanlaki naman ang mata ko dahil nasa exciting part na ako! It means may possible na makakasali nga sya! Mahaba-haba rin ang sinabi ko, kaya isipin nya iyon ng maiigi!
YOU ARE READING
She's Perfect (2024)
Teen FictionPrimrose Acosta is the perfect person in Dagohoy, but of course that's only in her mind. She is good at everything and can manage everything. She also gets what she wants except for her crush Brix Santiago, but because she and Jerome Del Rosario hav...