CHAPTER TWENTY-FOUR
Glow
Define awkwardness. Tang ina, wala na yatang mas mailala pa dito. Ano nga ulit 'yong nangyari? At pa'no 'yon nangyari?
"May gusto ka bang kainin?"
Napalunok ako. Agad na rumehistro sa isip ko ang kaganapan kanina. Feeling my cheeks burning, I looked away.
Hindi agad ako nakasagot kaya mula sa gilid ng mata ko, kita ko ang pagbaling niya sa akin. We are inside his car. Pagkatapos ng kaganapan na 'yon sa classroom, umalis agad kami. Tang ina, hindi ko siya kayang harapin.
"Aguilar?"
I stayed silent.
"Baby..."
Mariin kong naipikit ang mata. Naramdaman ko ang maingat niyang pagkuha sa kamay kong namamahinga sa hita ko. I glanced at him and to my surprised, he brought my hand into his lips and gently planted a small kisses on the back of it. Puta...
Binawi ko agad ang kamay. Nagulat pa siya pero sa huli ay natawa na lang.
"Goodness..."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Gago. May kamay ka naman. 'Yon na lang ang halikan mo, 'wag ang akin."
He glanced at me one more. The corner of his lips curved for a small smirk.
"Really? You don't want my kisses?" Tunog pamaglaro ang boses niya.
"Tang ina mo."
Marahan siyang tumawa. "Oh, you still want my kiss? Okay..."
Nanlaki ang mata ko no'ng ititigil na sana niya ang kotse kaya agad ko siyang pinalo sa braso. Mas malakas na siyang tumawa ngayon.
"Gago ka talaga."
Naging mabilis lang ang biyahe namin. Hindi naman malayo ang boarding house sa school kaya naging madali lang. Magkasabay kaming bumaba ni Soriano. Sinamaan pa nga ako ng tingin no'ng binuksan ko ang sariling pinto ng kotse.
"Bakit?"
He hissed. "Ako dapat ang magbubukas no'n, eh."
Ngumiwi ako. "Bakit? Kailangan ba 'yon? May kamay naman ako, eh."
Hindi na nagsalita pa ang lalaki. Sumama lang ang mukha kaya natawa ako. Nagsimula akong maglakad papasok habang nakasunod siya sa akin.
Wala ni isang nagsalita sa amin. Noong nasa second floor na, malapit sa mismong kwarto namin, lilingunin ko na sana siya para magpaalam nang biglang tumunog ang cellphone ko, senyales na may tawag.
Sabay kaming napatingin ni Soriano sa cellphone ko. Kumunot ang noo ko no'ng makitang si Carmela iyon.
Anong nangyari sa gaga na 'to at napatawag ngayong gabi na? Hindi naman siya tumatawag ng ganitong oras, ah. Pero kahit na gano'n, sinagot ko pa rin 'yon.
"Oh, bakit?" simula ko.
Mas kumunot ang noo ko nang marinig ang ingay sa kabilang linya, parang nagkakagulo.
"Carmela? Na saan ka? Ba't ang ingay?"
Hindi siya nagsalita. Rinig ko lang ang paulit-ulit niyang pagbuga ng malalim na hininga.
BINABASA MO ANG
Line Between The Borders
RomanceSTAND ALONE NOVEL He fell and she fell harder... but he fell hardest. Hiraya Aguilar, not a simple and typical girl. A badass, warfreak and living cursing machine. Sabi pa nga niya, hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa magandang usapan. Kung pwede la...